Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng mga tao ay yaong nauunawaan nila ang katotohanan nguni’t hindi ito naisasagawa. Ang isang salik ay yaong ayaw ng tao na magbayad ng halaga, at ang isa pa ay yaong masyadong di-sapat ang pagtalos ng tao; hindi niya kayang makakita nang lampas sa marami sa mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may napakaliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong pag-unawa ng katotohanan, hindi niya kayang lutasin ang mga paghihirap na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay nananampalataya sa Diyos sa salita lamang, gayunpaman hindi niya kayang dalhin ang Diyos sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Sa ibang salita, ang Diyos ay Diyos, at ang buhay ay buhay, para bagang ang tao ay walang relasyon
...
Read more »