Wu Wen Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan
Ako ay isang mahinang tao na may sensitibong katauhan. Nang hindi ako naniwala sa Diyos, madalas akong nalungkot at nabagabag sa mga bagay na dumating sa aking buhay. Maraming ganitong mga pagkakataon, at lagi kong nadama na mahirap ang aking buhay; walang kagalakan, walang kaligayahan sa aking puso na masasabi. Nang sinimulan ko ang paniniwala sa Diyos, mayroong isang yugto ng panahon na kung saan nakaramdam ako ng malaking kagalakan at kapayapaan, ngunit pagkatapos noon, muli ay nadama ko ang katulad ng dati. Hindi ko naiintindihan kung bakit ako palaging ganoon.
Iyon ay hanggang sa araw na nakita ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Dahil masyadong minamahal ng mga tao ang kanilang mga sarili, ang kanilang buong buhay ay pangingi
...
Read more »
|
Moran Linyi City, Shandong Province
Mula noong bata pa ako, palagi ko nang binibigyan ng importansya ang tingin ng ibang tao sa akin at ang kanilang opinyon tungkol sa akin. Upang makakuha ako ng papuri mula sa ibang mga tao para sa lahat ng ginagawa ko, hindi ako kailanman nakipagtalo sa sinuman tuwing may lumilitaw na anumang bagay, upang maiwasang sirain ang mabuting imahe ng mga tao tungkol sa akin. Pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagpatuloy ako nang ganito, itinataguyod sa bawat posibleng paraan ang mabuting imahe ng aking mga kapatid tungkol sa akin. Dati, kapag may hinahawakan akong gawain, madalas na sinasabi ng aking pinuno na ang aking pagganap ay parang sa isang “palatangong-tao,” hindi ang pagganap ng isang tao na nagsasa-gawa sa
...
Read more »
|
Mei Jie Lungsod ng Jinan, Lalawigan ng Shandong
Pagkatapos na baguhin ang administrasyon ng iglesia pabalik sa orihinal na anyo nito, itinatag ang pakikipagtambalan para sa bawat antas ng pinuno sa sambahayan ng Diyos. Sa panahong iyon ay inakala ko na ito ay isang magandang pagsasaayos. Mababa lang ang kalibre ko at napakarami ng aking gawain; Kailangan ko talaga ng kasama upang tulungan akong makumpleto ang lahat ng uri ng gawain sa aking rehiyon.
Kaya, ako at ang kapatid na babae na naging kasama ko ay nagsimulang magsagawa ng pastoral na gawain sa iglesia nang magkasama. Ngunit unti-unti, nakita ko na hindi niya ginagawa ang lahat ng uri ng bagay ayon sa aking kalooban, at nagsimula ang pagtutol sa aking puso: Kahit na mas okupado ako nang kaunti kapag nagtatrabaho ako sa aking s
...
Read more »
|
Lin Qing Lungsod ng Qingzhou, Lalawigan ng Shandong
Sa loob ng mga nakaraang ilang taon ng pagsunod sa Diyos, tinalikdan ko ang kasiyahan ng aking pamilya at ng laman, at ako ay okupado buong araw sa pagtutupad ng aking tungkulin sa iglesia. Kaya ako’y naniwala: Hangga't hindi ko pabayaan ang gawain sa iglesia na ipinagkatiwala sa akin, hindi ko pagtaksilan ang Diyos, hindi lumisan sa iglesia, at sundan ang Diyos hanggang sa dulo, ako ay patatawarin at ililigtas ng Diyos. Naniwala rin ako na ako ay tumatahak sa landas ng kaligtasan mula sa Diyos, at ang kailangan ko lamang gawi
...
Read more »
|
Qin Shuting, Lungsod ng Linyi, Lalawigan ng Shandong
Sa ilang panahon, bagama't hindi ako tumigil sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, hindi ko kailanman naramdaman ang liwanag. Ako ay nanalangin sa Diyos para dito ngunit, pagkatapos, hindi pa rin ako naliwanagan. Kaya naisip ko, "kumain ako at uminom ng nararapat sa akin at ang Diyos ay hindi ako nililiwanagan. Wala akong magagawa, at wala akong kakayahan upang makatanggap ng mga salita ng Diyos. May oras para liwanagan ng Diyos ang bawat tao, kaya hindi kailangang pagsikapang madaliin ito." Pagkaraan, iningatan ko ang mga alituntunin at kumain at uminom ng m
...
Read more »
|

Zhenxi Zhengzhou City, Henan Province
Sampung taon na ang nakararaan, dahil sa aking pagiging palalo, hindi ko kailanman lubos na nasunod ang mga pag-aayos ng iglesia. Susunod ako kapag naibigan ko, at kapag hindi naman, mamimili ako kung susundin ko o hindi. Humantong ito sa malalang paglabag sa mga kaayusan sa gawain sa pagtupad ko ng aking tungkulin. Ginawa ko ang sarili kong kagustuhan at nilabag ko ang kalooban ng Diyos, kaya ako ay pinauwi. Pagkaraan ng ilang taong pagdidili-dili sa aking sarili humigit-kumulang ay may nalaman ako sa sarili
...
Read more »
|
Xiao Rui Siyudad ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan
Noong nangangaral ako ng ebanghelyo nakasalamuha ko ang mga pinuno ng sekta na nagdadala ng huwad na pagsaksi upang lumaban at mangulo, at tumawag sa pulisya. Nagdulot ito upang hindi magtangka yaong mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at yaong mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala nang husto sa gawain ng Diyos. Dahil nagpakahirap ako nang husto sa trabaho nguni
...
Read more »
|

Qingxin….Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan
Dati akong may tila nakakatawang pagkakaunawa tungkol sa aspeto ng katotohanan na ang “Diyos ay matuwid”. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan. Iyon ang pagkamatuwid ng Diyos. Dahil dito sa aking maling pagkakaunawa, dinagdagan pa ng takot na mawalan ng tungkulin dahil sa mga nagagawang pagkakamali sa aking trabaho, may
...
Read more »
|
Huanbao Lungsod ng Dalian, Lalawigan ng Liaoning
Magmula nang magsimula akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, palagi kong hinahangaan ang mga kapatid na nakakatanggap sa personal na ministeryo ni Cristo, na nakakarinig sa Kanyang mga sermon sa sarili nilang mga tainga. Sa aking puso, naisip ko kung gaano kamangha-mangha sana kung isang araw sa hinaharap ay maririnig ko ang mga sermon ni Cristo, siyempre mas lalo pang kamangha-mangha ang makita Siya. Subalit nitong mga huling araw, sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang pagbabahagi, taos-puso kong naramdaman na hindi ako karapat-dapat na makita si Cristo.
Ito ay
...
Read more »
|
Hu Ke Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong
Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, n
...
Read more »
| |