11:27 PM
Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Ang Tunay na Mukha ng Tinatawag na Mabuting Tao

 

Kemu Lungsod ng Zhumadian, Lalawigan ng Henan

Sa sarili kong isipan, naiisip ko palagi na mabuti ang aking pagkatao. Naisip ko ito dahil, madalas akong purihin ng mga kapitbahay ko sa harap ng mga magulang ko dahil matino raw ako at mapagmalasakit sa pamilya namin; ako raw ang paborito ng mga magulang ko. Nang makapag-asawa ako, pinuri ako ng mga biyenan ko sa harap ng mga kapitbahay dahil mabait daw ako at mapagmahal sa kanila. Sa trabaho ko, pinuri ako ng lider ko dahil matapat daw ako at maaasahan. At mula nang tanggapin ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, sinunod ko na ang anumang ipinagagawa sa akin ng iglesia. Hindi ko kailanman kinokontra ang lider kahit pagalitan niya ako dahil hindi ko ginawa nang maayos ang isang trabaho, at madalas kong tulungan ang mga kapatid na nangangailangan. Dahil dito, naniniwala ako na ako ay makatwiran, mahabagin, at mabait na tao na may mabuting pagkatao. Hindi ko naisip kailanman ang sarili ko ayon mga salita ng Diyos na naghahayag na ang tao ay hindi makatao o di-gaanong makatao. Sa pagpapaabot ng mga salita ng Diyos sa mga kapatid, kahit alam ko na kailangan kong malaman ang sarili kong pagkatao, pinananatili ko pa rin ang sarili kong pananaw, na iniisip sa puso ko: Kahit hindi ako isang taong may mabuting pagkatao, mayroon pa rin akong mabuting pagkatao kumpara sa iba. Sa madaling salita, anuman ang sinasabi ng salita ng Diyos o ng mga kapatid, hindi ko gustong ihiwalay ang sarili ko sa ideya na may mabuti akong pagkatao.

Isang araw, habang ako ay kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, napansin ko ang isang sipi. Sabi ng Diyos, “May mga taong likas na mabuti; nakakayanan nilang magsagawa ng katotohanan. May mga tao na ang pagkatao ay mas mahina, kaya mahirap para sa kanila na magsagawa ng katotohanan; ito ay nangangahulugang sila ay haharap sa kaunting pagdurusa. Masasabi ba ninyo na siya na hindi nagsasagawa ng katotohanan ay naghanap ng katotohanan kahit kailan sa kanyang mga pagkilos? Walang pasubaling hindi siya naghanap nito. Ang sarili niyang iniisip ay lumilitaw: ‘Ang paraang ito ay mabuti, ito ay para sa aking kapakinabangan.’ Sa huli, siya ay kumikilos batay sa kanyang sariling mga iniisip. Hindi siya naghahanap ng katotohanan sapagka’t mayroong mali sa kanyang puso, ang puso niya ay hindi tama. Hindi siya naghahanap, hindi nagsusuri, ni nagdarasal sa harap ng Diyos; basta matigas ang ulo niya na kumikilos ayon sa kanyang sariling mga inaasam. Ang ganitong uri ng tao ay basta walang pagkagiliw sa katotohanan. … Yaong mga walang pagmamahal para sa katotohanan ay hindi maghahanap dito sa sandaling ito, ni magsusuri ng kanilang mga sarili pagkatapos. Hindi nila kailanman sinusuri kung ang mga bagay-bagay na ginagawa nila ay tama o mali sa huli, kaya palagi nilang nilalabag ang mga prinsipyo, nilalabag ang katotohanan. … Ang isang taong may puso ay nakakayanan lamang gumawa ng isang pagkakamali nang isang beses kapag may gawaing isinasakatuparan, dalawa sa kasukdulan—isa o dalawa, hindi tatlo o apat na beses, ito ay normal na kalakaran. Kung nakakayanan nilang makagawa ng parehong pagkakamali nang tatlo o apat na beses, ito ay nagpapatunay na wala silang taglay na pagmamahal para sa katotohanan, ni hinahanap nila ang katotohanan. Ang ganitong uri ng tao ay tiyak na hindi makatao” (“Pagsasagawa ng Katotohanan at Paglutas sa Kalikasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Matapos basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng biglaang paghahayag. Lumalabas na ang mabuti o masamang pagkatao ay nakaugnay na mabuti sa pagpapatupad ng katotohanan. Ang isang taong may mabuting pagkatao ay hahanapin ang katotohanan at isasagawa iyon sa lahat ng bagay, at susuriin ang kanyang sarili pagkatapos. Noon pa man ay itinuturing ko na ang aking sarili na may mabuting pagkatao, kaya hinahanap at isinasagawa ko ba katotohanan sa lahat ng bagay? Naaalala ko, hindi ako nanalangin o naghanap ng katotohanan tungkol sa maraming bagay na nakaharap ko. Hindi ko sinuri o inunawa ang aking sarili pagkatapos. Kahit naipahayag ko ang aking masamang disposisyon, hindi ko nilutas ang mga problema ko sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan, kundi patuloy kong ginawa ang parehong pagkakamali nang paulit-ulit. Kung minsan kahit naunawaan ko ang isang aspeto ng katotohanan, parang ayaw ko itong isagawa. Malinaw sa alaala ko ang maraming halimbawa nito. Minsan, natatandaan ko na naramdaman ko na tumabang ang samahan namin ng partner ko. Alam ko na tuwiran nitong maaapektuhan ang pagiging epektibo ng gawain kapag hindi nalutas ang suliranin, ngunit dahil sa aking pagmamataas at kahambugan, hindi ako nagpakumbaba at nakipag-usap sa kanya. Sa halip, tiniis ko iyon at patuloy akong nagtrabaho, kaya lubhang hindi naging epektibo ang gawain. Kapag nakita ko ang mga kapatid kung minsan na nagpapakita ng isang partikular na aspeto ng kanilang masamang disposisyon, hindi ko sila sinubukang kausapin nang totohanan para makilala nila ang kanilang sarili, kundi sa halip ay hinusgahan ko sila nang palihim. Hindi ako nagsisi o nagsikap na baguhin ang aking mga paraan kahit matapos akong pagalitan nang ilang beses, kundi sa halip ay ipinagpatuloy ko ang dati kong ginagawa. Hindi ako nagsumikap na magpakahusay sa paggawa ng aking tungkulin, kundi palagi akong tinatamad at bantulot, padaskul-daskol sa paggawa ng mga bagay-bagay, palagi kong dinadaya ang Diyos upang mapanatili ang sarili kong kalagayan, kapalaran, at katayuan. Hindi ko ito gaanong inisip o hindi ako inusig ng aking budhi. Hindi ako naghanap o nagsiyasat kapag may nangyari sa trabaho ko, kundi ginawa ko lang ang gusto ko. Kahit malaki ang nawala sa iglesia, hindi ko naramdaman na may pagkakautang ako sa Diyos, ni hindi ko ikinahiya ang masasamang bagay na ginawa ko. Kahit pinaalalahanan ako ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at inilantad ang aking kasamaan sa pamamagitan ng pakikitungo at pagpupungos ng mga kapatid, patuloy ko Siyang binalewala, at patuloy kong ginawa ang dati kong mga paglabag nang tatlo o apat na ulit. Hindi ba pinatutunayan ng mga kilos na ito na hindi ako makatao at hindi mapagmahal sa katotohanan sa mga mata ng Diyos? Gayunpaman, hindi ko pa hinangad na kilalanin ang sarili ko batay sa aking likas na pagkatao, ngunit patuloy kong itinuring ang sarili ko na “may mabuting pagkatao.” Napakawalanghiya ko!

Sa ngayon, puno ng pagsisisi ang puso ko, at puno rin ng pasasalamat sa Diyos. Hindi ko maiwasang ibuhos ang damdamin ko sa harap ng Diyos, “Diyos ko, salamat sa Inyong kaliwanagan, sa pagpapaalam sa akin na hindi ako isang taong may mabuting pagkatao, sa pagpapaunawa sa akin na ang isang taong may tunay na pagkatao ay nagmamahal sa katotohanan, nakikinig at sumusunod sa Diyos, handang isagawa ang katotohanan at patuloy na nagmamahal sa Diyos. Napagtanto ko rin na ang pagkaunawa ko sa aking sarili ay hindi batay sa katotohanan ng mga salita ng Diyos, kundi batay sa aking sariling imahinasyon at mga ideya, pati na rin sa aking mga makamundong pananaw. Talagang kakatwa ito. Diyos ko, mula ngayon, ayaw ko nang sukatin ang sarili ko ayon sa pananaw ni Satanas o sa sarili kong imahinasyon. Gusto kong makilala ang sarili ko batay sa Iyong mga salita, at gawin ang lahat ng makakaya ko sa paghahanap sa katotohanan, upang sa lalong madaling panahon ay maging isang tao ako na may katotohanan at mabuting pagkatao upang aliwin ang puso Mo.”

Inirekomendang pagbabasa:matapat na tao

 

Category: Ang Patotoo ng isang Cristiano | Views: 122 | Added by: lih400847 | Tags: Pananampalataya sa Diyos, Pananampalataya at Buhay, Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan
Total comments: 0
avatar