9:05 PM
Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

 

Noong siya ay kinakastigo ng Diyos, nanalangin si Pedro, “O Diyos! Ang aking laman ay masuwayin, at kinakastigo Mo ako at hinahatulan ako. Ako ay nagagalak sa Iyong pagkastigo at paghatol, at kahit hindi Mo ako nais, sa Iyong paghatol ay nakikita ko ang Iyong banal at matuwid na disposisyon. Kapag hinahatulan Mo ako, upang makita ng iba ang Iyong matuwid na disposisyon sa Iyong paghatol, ako ay nasisiyahan. Ang nais ko lamang ay na maipapakita ang Iyong disposisyon upang ang Iyong matuwid na disposisyon ay maaaring makita ng lahat ng nilalang, at na maiibig Kita nang mas dalisay sa pamamagitan ng Iyong paghatol at matamo ang wangis ng isa na matuwid. Ang paghatol Mong ito ay mabuti, sapagkat gayon ang Iyong mapagpalang kalooban. Batid ko na malaki pa rin sa akin ang mapanghimagsik, at na ako ay hindi pa rin naaangkop na lumapit sa harap Mo. Nais ko para sa Iyo na hatulan pa ako nang higit, kung sa pamamagitan man ito ng palabang kapaligiran o malaking mga kapighatian; anuman kung ano ang ginagawa Mo, para sa akin ito ay napakahalaga. Ang Iyong pag-ibig ay napakalalim, at ako ay payag na ihain ang aking sarili sa Iyong pagsasaayos nang walang munti mang pagdaing.” Ito ang kaalaman ni Pedro pagkatapos niyang maranasan ang gawain ng Diyos, at ito rin ay isang patotoo sa kanyang pag-ibig sa Diyos. Ngayon, kayo ay nalupig na—ngunit sa paanong paraan na ang pagkalupig na ito ay naihahayag sa inyo? May ilang taong nagsasabi, “Ang paglupig sa akin ay ang pinakamataas na biyaya at pagtataas ng Diyos. Ngayon ko lamang napagtanto na ang buhay ng tao ay hungkag at walang halaga. Ang tao ay ginugugol ang kanyang buhay sa pagmamadali, pamumunga at pagpapalaki ng henerasyon pagkatapos ng isa pang henerasyon ng mga bata, at sa kasukdulan ay walang matitira. Ngayon, pagkatapos lamang na malupig ng Diyos ay nakita ko na walang kabuluhan ang pamumuhay sa ganitong paraan; ito ay tunay na walang-kahulugang buhay. Mabuti pang mamatay ako at matapos na ito!” Ang gayon bang mga tao na nalupig ay matatamo ng Diyos? Sila ba ay maaaring maging halimbawa at huwaran? Ang gayong mga tao ay mga aral sa pagiging walang-pakialam, wala silang mga hangarin, at hindi nagsisikap upang mapabuti ang kanilang mga sarili! Bagaman sila ay nabibilang sa nalupig, ang gayong mga tao na walang-pakialam ay hindi kayang gawing perpekto. Noong malapit na siyang mamatay, pagkatapos siyang magawang perpekto, sinabi ni Pedro, “O Diyos! Kung ako ay mabubuhay ng ilan pang mga taon, nais kong magkaroon nang higit pang dalisay at higit pang malalim na pag-ibig sa Iyo.” Noong siya ay ipapako na sa krus, nanalangin siya sa kanyang puso, “O Diyos! Ang Iyong panahon ay dumating na ngayon, ang panahong Iyong inihanda para sa akin ay dumating na. Ako ay dapat maipako sa krus para sa Iyo, dapat akong magpatotoo nito sa Iyo, at umaasa ako na ang aking pag-ibig ay makatutugon sa Iyong mga kinakailangan, at na ito ay magiging higit pang dalisay. Ngayon, ang makayang mamatay para sa Iyo, at maipako sa krus para sa Iyo, ay umaaliw at nagbibigay-katiyakan sa akin, sapagkat wala nang higit pang kasiya-siya sa akin kaysa makayang mapako sa krus para sa Iyo at mabigyang-kasiyahan ang Iyong mga nais, at makayang ibigay ang sarili ko sa Iyo, maialay ang aking buhay sa Iyo. O Diyos! Ikaw ay lubhang kaibig-ibig! Kung tulutan Mo akong mabuhay, lalo pa akong magiging handang ibigin Ka. Habang ako ay buhay, iibigin Kita. Nais kong ibigin Ka pa nang higit na malalim. Hatulan Mo ako, at kastiguhin ako, at subukin ako dahil ako ay hindi matuwid, dahil ako ay nagkasala. At ang Iyong matuwid na disposisyon ay nagiging higit na maliwanag sa akin. Ito ay isang pagpapala sa akin, sapagkat naiibig Kita nang higit na malalim, at handa akong ibigin Ka sa ganitong paraan kahit na hindi Mo ako iniibig. Handa akong makita ang Iyong matuwid na disposisyon, sapagkat mas lalo ako nitong binibigyang-kakayahan upang isabuhay ang isang makahulugang buhay. Nararamdaman ko na ang buhay ko ngayon ay higit na may kabuluhan, sapagkat ipinapako ako sa krus para sa Iyong kapakanan, at napakahalagang mamatay alang-alang sa Iyo. Gayon pa man hindi pa rin ako nakakaramdam na nasisiyahan, sapagkat lubhang kakaunti ang nalalaman ko hinggil sa Iyo, batid ko na hindi ko ganap na matutupad ang Iyong mga nais, at kakaunti ang mga naibayad ko sa Iyo. Sa aking buhay, hindi ko nakayang ibigay ang buong sarili ko sa Iyo; malayo pa ako roon. Habang lumilingon ako sa sandaling ito, nararamdaman ko ang lubhang pagkakautang ko sa Iyo, at mayroon na lamang ako ng sandaling ito upang bumawi mula sa lahat ng pagkakamali ko at lahat ng pag-ibig na hindi ko naibalik sa Iyo.”

Dapat habulin ng tao na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at hindi dapat masiyahan na lamang sa kanyang kasalukuyang mga kalagayan. Upang isabuhay ang larawan ni Pedro, dapat niyang mataglay ang kaalaman at mga karanasan ni Pedro. Dapat habulin ng tao ang mga bagay na mas matatayog at mas malalalim. Dapat niyang habulin ang isang mas malalim, mas dalisay na pag-ibig sa Diyos, at isang buhay na may kabuluhan at kahulugan. Ito lamang ang buhay; sa gayon lamang magiging kapareho ni Pedro ang tao. Dapat kang tumuon sa pagiging maagap tungo sa iyong pagpasok sa positibong panig, at huwag maluwag na hayaan ang iyong sarili sa dumausdos pabalik para sa pagdanas ng panandaliang kaalwanan habang binabalewala ang mas malalim, mas tiyak, at mas praktikal na katotohanan. Ang iyong pag-ibig ay dapat maging praktikal, at dapat kang humanap ng mga paraan na mapalaya ang iyong sarili mula sa baluktot at walang-inaalalang uri ng pamumuhay na walang pinagkaiba sa isang hayop. Dapat mong isabuhay ang isang buhay na may-kahulugan, isang buhay na may-kabuluhan at hindi mo dapat linlangin ang iyong sarili, o ituring ang iyong buhay na parang isang laruan na pinaglalaruan. Para sa bawat isa na naghahangad na ibigin ang Diyos, walang katotohanang hindi matatamo, at walang katarungan ang hindi mapaninindigan. Paano ka ba dapat mamuhay? Paano mo ba dapat ibigin ang Diyos, at gamitin ang pag-ibig na ito para bigyang-kasiyahan ang Kanyang ninanasa? Wala nang hihigit pang bagay sa iyong buhay. Higit sa lahat, ikaw ay dapat magkaroon ng gayong mga hangarin at pagtitiyaga, at hindi dapat maging tulad niyaong mga walang-gulugod na mahihinang nilalang. Dapat mong matutuhan kung paano maranasan ang isang makahulugang buhay, at makaranas ng makahulugang mga katotohanan, at hindi dapat ituring ang iyong sarili na walang interes sa ganoong paraan. Hindi mo namamalayan, ang iyong buhay ay lilipas; at pagkatapos, magkakaroon ka ba ng isa pang pagkakataon para ibigin ang Diyos? Maaari bang ibigin ng tao ang Diyos pagkatapos na siya ay namatay? Dapat kang magkaroon ng parehong mga hangarin at konsensya gaya ni Pedro; ang buhay mo ay dapat na maging makahulugan, at hindi mo dapat pinaglalaruan ang iyong sarili. Bilang isang tao, at bilang isang tao na naghahabol sa Diyos, dapat mong makaya na maingat na isaalang-alang kung paano mo itinuturing ang iyong buhay, kung paano mo dapat ihandog ang iyong sarili sa Diyos, kung paano ka magkakaroon ng isang mas makahulugang pananampalataya sa Diyos, at paano, yamang iniibig mo ang Diyos, dapat ibigin mo Siya sa isang paraan na mas dalisay, mas mainam, at mas mabuti. Sa ngayon, hindi ka maaaring masiyahan lamang sa kung paano ka nalupig, kundi dapat mo ring isaalang-alang ang daan na iyong tatahakin sa hinaharap. Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng lakas ng loob upang magawang perpekto, at hindi mo dapat laging isipin na hindi kaya ng iyong sarili. May pinapanigan ba ang katotohanan? Kaya bang kusang salungatin ng katotohanan ang mga tao? Kung hahabulin mo ang katotohanan, kaya ka ba nitong gulantangin? Kung maninindigan ka para sa katarungan, pababagsakin ka ba nito? Kung ito nga talaga ang iyong hangarin na habulin ang buhay, kaya bang umiwas ng buhay sa iyo? Kung wala sa iyo ang katotohanan, hindi iyan dahil sa hindi ka pinapansin ng katotohanan, kundi dahil sa lumalayo ka mula sa katotohanan; kung hindi mo kayang manindigan nang matibay para sa katarungan, iyan ay hindi dahil sa mayroong mali ang katarungan, kundi dahil sa naniniwala kang lihis ito sa mga katunayan; kung hindi mo natamo ang buhay pagkatapos pagsumikapang hanapin ito sa loob ng maraming taon, iyan ay hindi dahil sa ang buhay ay walang konsensya tungo sa iyo, kundi dahil sa wala kang konsensya tungo sa buhay, at naitaboy ang buhay; kung namumuhay ka sa liwanag at hindi nakayang makamit ang liwanag, iyan ay hindi dahil sa imposibleng sumikat ang liwanag sa iyo, kundi dahil sa hindi mo nabigyang-pansin ang pag-iral ng liwanag, kung kaya ang liwanag ay tahimik na lumisan sa iyo. Kung hindi ka naghahabol, kung gayon ito ay masasabi lamang na ikaw ay walang-halagang basura, at walang lakas ng loob sa iyong buhay, at hindi taglay ang espiritu para labanan ang mga puwersa ng kadiliman. Masyado kang mahina! Hindi mo kayang tumakas mula sa mga puwersa ni Satanas na umaatake sa iyo, at handa lamang magpatuloy sa ganitong uri ng ligtas at panatag na buhay at mamatay sa kamangmangan. Ang dapat mong marating ay ang iyong paghahabol na malupig; ito ang iyong nakatakdang tungkulin. Kung sapat na para sa iyo ang malupig, kung gayon ay itinataboy mo ang pag-iral ng liwanag. Dapat kang magdusa ng kahirapan alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at para makamit pa nang higit ang katotohanan ay dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay pampamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at katapatan ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong habulin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat habulin ang isang landas ng buhay na higit na makahulugan. Kung namumuhay ka ng gayong mahalay na buhay, at hindi maghahabol ng anumang mga layunin, hindi ba sinasayang mo ang iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa gayong pamumuhay? Dapat mong itakwil ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa isang katotohanan, at hindi dapat sayangin ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang katapatan o dangal; walang kahulugan sa kanilang pag-iral!

Kinakastigo at hinahatulan ng Diyos ang tao dahil kinakailangan ito ng Kanyang gawain, at, higit sa rito, dahil kailangan ito ng tao. Kailangan ng tao na makastigo at mahatulan, at sa gayon lamang niya makakamit ang pag-ibig sa Diyos. Ngayon, lubos na kumbinsido kayo, ngunit kapag kayo ay napaharap sa kahit napakaliit na pagsubok ay naguguluhan kayo; ang inyong tayog ay napakaliit pa rin, at kailangan pa rin ninyong makaranas ng higit pa ng gayong pagkastigo at paghatol para matamo ang mas malalim na kaalaman. Ngayon, kayo ay may kaunting paggalang sa Diyos, at takot kayo sa Diyos, at batid ninyong Siya ang tunay na Diyos, ngunit wala kayong dakilang pag-ibig sa Kanya, lalong hindi pa ninyo natamo ang dalisay na pag-ibig; ang inyong kaalaman ay napakababaw, at kulang pa ang inyong tayog. Kapag kayo ay tunay na nakaranas ng isang kapaligiran, hindi pa kayo sumasaksi, napakaliit sa inyong pagpasok ang maagap, at wala kayong ideya kung paano isagawa. Karamihan ng mga tao ay walang-pakialam at hindi-kumikilos; iniibig lamang nila nang palihim ang Diyos sa kanilang mga puso, ngunit walang paraan ng pagsasagawa, ni malinaw sila tungkol sa kung ano ang kanilang mga layunin. Ang mga taong nagawang perpekto ay hindi lamang mayroong normal na pagkatao, kundi nagtataglay ng mga katotohanang nakahihigit sa mga pagsukat ng konsensya, at mas mataas kaysa mga pamantayan ng konsensya; hindi lamang nila ginagamit ang kanilang konsensya para masuklian ang pag-ibig ng Diyos, ngunit, higit sa riyan, nakilala nila ang Diyos, at nakita na ang Diyos ay kaibig-ibig, at karapat-dapat ibigin ng tao, anupa’t napakaraming bagay ang kaibig-ibig sa Diyos kaya’t walang magagawa ang tao kundi umibig sa Kanya. Ang pag-ibig sa Diyos para sa mga nagawang perpekto ay upang matupad nila ang kanilang pansariling mga hangarin. Ang kanila ay pag-ibig na kusa, isang pag-ibig na hindi humihiling ng kapalit, at hindi ipinagpapalit. Iniibig nila ang Diyos dahil lamang sa kanilang pagkakilala sa Kanya at wala nang iba pa. Hindi iniisip ng mga ganoong tao kung pagkakalooban sila ng Diyos ng mga biyaya, dahil sapat na sa kanila ang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi sila nakikipagtawaran sa Diyos, ni sinusukat man nila ang pag-ibig nila sa Diyos sa pamamagitan ng konsensya: Nakapagbigay Ka sa akin, kaya iniibig din Kita; kung hindi Ka nagbibigay sa akin, kung gayon ay wala rin akong anuman para sa Iyo bilang kapalit. Yaong mga nagawang perpekto ay laging naniniwala: Ang Diyos ang Lumikha, at isinasakatuparan Niya ang Kanyang gawain sa atin. Dahil ako ay may ganitong pagkakataon, kalagayan, at katangian upang gawing perpekto, ang aking paghahabol ay dapat na isabuhay ang isang makahulugang buhay, at dapat na Siya ay aking mapasaya. Katulad lamang ito ng naranasan ni Pedro: Noong siya ay hinang-hina, nanalangin siya sa Diyos at sinabing, “O Diyos! Kahit anong panahon at saan mang dako, alam Mong lagi Kitang naaalaala. Kahit anong panahon at saan mang dako, batid Mong nais Kitang ibigin, ngunit ang aking tayog ay napakaliit, ako ay masyadong mahina at walang kapangyarihan, ang aking pag-ibig ay masyadong makitid, at ang aking katapatan sa Iyo ay masyadong kulang. Hambing sa Iyong pag-ibig, hindi ako nararapat para mabuhay. Nais ko lamang na ang aking buhay ay hindi mawalang-kabuluhan, at hindi lamang upang masuklian ko ang Iyong pag-ibig, ngunit, higit sa rito, upang maaaring mailaan ko sa Iyo ang lahat-lahat nang mayroon ako. Kung mapasasaya Kita, kung gayon bilang isang nilalang, magkakaroon ako ng payapang isipan at hindi na hihiling ng higit pa. Bagaman ako ay mahina at walang kapangyarihan ngayon, hindi ko kalilimutan ang Iyong mga payo, at hindi kalilimutan ang Iyong pag-ibig. Ngayon wala akong ginagawa kundi sinusuklian ko lamang ang Iyong pag-ibig. O Diyos, pakiramdam ko’y kahabag-habag ako! Paano ko maibabalik sa Iyo ang pag-ibig sa aking puso, paano ko magagawa ang lahat ng aking makakaya, at makakayang tuparin ang Iyong mga ninanais, at maihandog ang lahat ng mayroon ako sa Iyo? Alam Mo ang kahinaan ng tao; paano nga ba ako magiging karapat-dapat sa Iyong pag-ibig? O Diyos! Alam Mong ako ay mayroong mababang tayog, na bahagya lamang ang aking pag-ibig. Paano ko magagawa ang pinakamabuting makakaya ko sa ganitong uri ng kapaligiran? Alam kong dapat kong suklian ang Iyong pag-ibig, alam kong dapat kong ibigay ang lahat ng akin sa Iyo, ngunit ngayon ay lubhang mababa ang aking tayog. Aking hinihiling na bigyan Mo ako ng lakas, at bigyan ako ng katatagan, upang higit ko pang mataglay ang isang dalisay na pag-ibig na buo kong itatalaga sa Iyo, at higit kong makaya na italaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo; hindi lamang masusuklian ko ang Iyong pag-ibig, kundi lalo kong maranasan ang Iyong pagkastigo, paghatol at mga pagsubok, at kahit ang mas matitinding sumpa. Pinayagan Mo akong mamasdan ang Iyong pag-ibig, at wala akong kakayahang hindi Ka ibigin at kahit na ako ay mahina at walang kapangyarihan ngayon, paano ba kita makalilimutan? Ang Iyong pag-ibig, pagkastigo, at paghatol ay nagsanhi lahat sa akin na makilala Ka, ngunit ramdam ko rin na wala akong kakayahang tugunin ang Iyong pag-ibig, dahil Ikaw ay napakadakila. Paano ko nga ba maitatalaga ang lahat ng sa akin sa Lumikha?” Iyon ang kahilingan ni Pedro, bagaman ang kanyang tayog ay lubhang hindi-sapat. Sa sandaling ito, naramdaman niya na para bang sinaksak ng isang kutsilyo ang kanyang puso at siya ay nasa matinding paghihirap; hindi niya batid kung ano ang dapat gawin sa ilalim ng ganoong mga kalagayan. Gayunman ay nagpatuloy siya sa pananalangin: “O Diyos! Ang tao ay kasing-tayog lamang ng bata, ang kanyang konsensya ay mahina, at ang magagawa ko lamang ay suklian ang Iyong pag-ibig. Ngayon, hindi ko alam kung paano ko matutugunan ang Iyong mga ninanasa, at ang tanging nais ko ay magawa ang lahat ng aking makakaya, maibibigay ang lahat ng mayroon ako, at kung paano maitatalaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo. Anuman ang Iyong maging paghatol, anuman ang Iyong pagkastigo, anuman ang Iyong igagawad sa akin, anuman ang aalisin Mo sa akin, tulungan Mo akong huwag maghinaing ng kahit katiting sa Iyo. Maraming pagkakataon, noong ako’y kinastigo at hinatulan Mo, dumaing ako sa sarili ko, at hindi nakamit ang kadalisayan, o natupad ang Iyong mga nais. Ang aking tugon sa Iyong pag-ibig ay napipilitan, at sa sandaling ito kinamumuhian ko nang higit pa ang sarili ko.” Dahil hanap niya ang mas dalisay na pag-ibig sa Diyos kung kaya nanalangin si Pedro sa ganitong paraan. Siya ay naghahanap, at nakikiusap, at, higit pa, pinararatangan ang sarili niya, at umaamin sa kanyang mga pagkakasala sa Diyos. Pakiramdam niya ay may pagkakautang siya sa Diyos, at nakaramdam ng pagkamuhi sa sarili niya, gayunman ay nalungkot din nang bahagya at di-gumagawa ng hakbang. Laging gayon ang pakiramdam niya, na parang hindi siya karapat-dapat para sa mga nais ng Diyos, at hindi magawa ang kanyang makakaya. Sa ilalim ng ganoong kalagayan, ipinagpatuloy ni Pedro ang pagsisikap na magkaroon ng pananampalatayang tulad ng kay Job. Nakita Niya kung gaano kadakila ang naging pananampalataya ni Job, sapagkat nakita ni Job na ang lahat ng kanya ay ipinagkaloob ng Diyos, at likas para sa Diyos na alisin ang lahat ng kanyang mga pag-aari, anupa’t ibibigay ng Diyos sa kanino mang ninanais Niya—gayon ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Walang mga reklamo si Job, at mapupuri pa rin ang Diyos. Kilala rin ni Pedro ang sarili niya, at sa kanyang puso siya ay nanalangin, “Ngayon, hindi sapat para sa akin na gantihan ang Iyong pag-ibig gamit ang aking konsensya at kahit gaano kasidhing pag-ibig ang ibigay ko pabalik sa Iyo, dahil ang aking mga kaisipan ay lubhang tiwali, at dahil wala akong kakayahang makita Ka bilang ang Lumikha. Dahil hindi pa rin ako karapat-dapat na umibig sa Iyo, dapat kong makaya na italaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo, na gagawin ko nang maluwag sa kalooban. Dapat kong malaman lahat ng Iyong mga nagawa, at walang pagpipilian, at dapat kong mamasdan ang Iyong pag-ibig, at makapagsalita ako ng mga papuri sa Iyo, at parangalan ang Iyong banal na pangalan, upang Ikaw ay maaaring magkamit ng dakilang kaluwalhatian sa pamamagitan ko. Ako ay handang manindigan nang matibay sa patotoong ito sa Iyo. O Diyos! Ang Iyong pag-ibig ay ubod nang inam at halaga; paano nga ba ako magnanais na mamuhay sa kasamaan? Hindi ba ako ay Iyong ginawa? Paanong mabubuhay ako sa ilalim ng sakop ni Satanas? Pipiliin ko na ang aking buong katauhan ay mamuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo. Hindi ako payag na mamuhay sa ilalim ng sakop ng kasamaan. Kung ako ay madadalisay, at mailalaan ang aking lahat-lahat sa Iyo, kusa kong ilalaan ang aking katawan at pag-iisip sa Iyong paghatol at pagkastigo, sapagkat kinamumuhian ko si Satanas, at hindi ko gustong mamuhay sa ilalim ng sakop nito. Sa pamamagitan ng Iyong paghatol sa akin, ipinakikita Mo ang Iyong matuwid na disposisyon; ako ay natutuwa, at hindi dumaraing kahit katiting. Kung aking magagawa ang tungkulin ng isang nilalang, handa ako na ang aking buong buhay ay samahan ng Iyong paghatol, kung saan sa pamamagitan nito ay malalaman ko ang Iyong matuwid na disposisyon, at itatakwil sa sarili ko ang impluwensya ng kasamaan.” Laging nananalangin si Pedro nang ganoon, laging naghahanap nang ganoon, at naabot ang isang mas mataas na kinasasaklawan. Hindi lamang niya naibalik ang pag-ibig ng Diyos, kundi, mas mahalaga, natupad rin niya ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang. Hindi lamang sa hindi siya pinaratangan ng kanyang konsensya, kundi nalampasan din niya ang mga pamantayan ng konsensya. Patuloy na nakaabot sa harap ng Diyos ang kanyang mga dalangin, anupa’t ang kanyang mga hangarin ay mas tumaas, at mas lumalim ang kanyang pag-ibig sa Diyos. Bagaman nagdurusa siya ng matinding sakit, hindi pa rin niya nilimot na ibigin ang Diyos, at patuloy pang hinanap na makamtan ang kaunawaan sa kalooban ng Diyos. Ang sumusunod na mga salita ang binigkas sa kanyang mga panalangin: Natupad ko ang hindi hihigit sa pagbabalik ng kabayaran ng Iyong pag-ibig. Hindi ako nagpatotoo sa Iyo sa harap ni Satanas, hindi napalaya ang sarili ko mula sa impluwensya ni Satanas, at nanatiling namumuhay sa gitna ng laman. Nais kong gamitin ang aking pag-ibig para madaig si Satanas, at hiyain ito, at sa gayon mabigyang-kasiyahan ko ang Iyong nasa. Nais kong ibigay sa Iyo ang buong sarili ko, at hindi ibigay ni katiting man ng aking sarili kay Satanas, dahil si Satanas ay Iyong kaaway. Kapag lalo siyang nagsisikap sa daang ito, lalo siyang naaantig, at lalong tumataas ang kanyang kaalaman sa mga bagay na ito. Lingid sa kanyang kamalayan, nabatid niyang kailangan niyang kumawala sa impluwensya ni Satanas, at dapat na lubusan siyang manumbalik sa Diyos. Iyon nga ang kinasasaklawang kanyang nakamit. Napapanaigan niya ang impluwensya ni Satanas, at inaalis sa kanyang sarili ang mga kasiyahan at mga pagtatamasa ng laman, at ginustong maranasan nang mas malalim kapwa ang pagkastigo at paghatol ng Diyos. Sinabi niya, “Kahit na ako ay nabubuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo at sa gitna ng Iyong paghatol, gaano man ang kahirapang mararanasan, hindi pa rin ako mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, hindi pa rin ako payag magdusa sa mga panlilinlang ni Satanas. Nalulugod ako sa pamumuhay sa gitna ng Iyong mga sumpa, at namimighati sa pamumuhay sa gitna ng mga pagpapala ni Satanas. Iniibig Kita sa pamamagitan ng pamumuhay sa gitna ng Iyong paghatol, at nagbibigay ito sa akin ng malaking kasiyahan. Ang Iyong pagkastigo at paghatol ay matuwid at banal; ito ay upang linisin ako, at higit pa ay upang iligtas ako. Mas gugustuhin kong gugulin ang aking buong buhay sa gitna ng Iyong paghatol upang sumailalim sa Iyong pangangalaga. Hindi ako payag na mamuhay nang kahit isang saglit sa ilalim ng sakop ni Satanas; gusto kong malinis Mo ako; kahit na ako ay makaranas ng mga paghihirap, hindi ako payag na magamit at malinlang ni Satanas. Ako, ang nilalang na ito, ay dapat na magamit Mo, maangkin Mo, mahatulan Mo, at makastigo Mo. Dapat Mo nga rin akong sumpain. Ang aking puso ay nagsasaya kapag nalulugod Kang pagpalain ako, sapagkat nakita ko ang Iyong pag-ibig. Ikaw ay ang Lumikha, at ako ay isang nilalang: Hindi Kita dapat ipagkanulo at mamuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, ni dapat man akong magamit ni Satanas. Dapat akong maging kabayo Mo o baka, sa halip na mabuhay para kay Satanas. Mas mamarapatin kong mabuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo, walang kaligayahang pisikal, at ito ay magbibigay-kasiyahan sa akin kahit na mawalan ako ng Iyong biyaya. Bagaman ang Iyong biyaya ay wala sa akin, nagsasaya ako na Iyong makastigo at mahatulan; ito ang Iyong pinakamainam na pagpapala, ang Iyong pinakadakilang biyaya. Bagaman Ikaw ay palaging maringal at puno ng poot sa akin, hindi pa rin Kita maitatakwil, hindi pa rin Kita maiibig nang sapat. Pipiliin kong manirahan sa Iyong tahanan, pipiliin kong maisumpa, makastigo, at mapalo Mo, at hindi nais na mamuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, ni hindi ko rin gusto na magmadali at gugulin ang sarili para lamang sa laman, lalong hindi ko gustong mamuhay para sa laman.” Ang pag-ibig ni Pedro ay isang dalisay na pag-ibig. Ito ang karanasan ng ginagawang perpekto, at ang pinakamataas na kinasasaklawan ng ginagawang perpekto, at wala nang buhay na hihigit pa ang kahulugan. Tinanggap niya ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, pinahalagahan niya ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at wala nang mas nakahihigit pa ang kahalagahan para kay Pedro. Sinabi niya, “Binibigyan ako ni Satanas ng mga materyal na kasiyahan ngunit hindi ko pinahahalagahan ang mga iyon. Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay dumarating sa akin—dito ako ay nabibigyan ng kagandahang-loob, dito ako ay nasisiyahan, at dito ako ay napagpala. Kung hindi dahil sa paghatol ng Diyos ay hindi ko kailan man iibigin ang Diyos, mananatili akong namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, napipigil pa rin nito, at nauutusan nito. Kung gayon ang sitwasyon, hindi ako kailanman magiging isang tunay na tao, dahil hindi ko mapasasaya ang Diyos, at hindi ko mailalaan ang aking kabuuan sa Diyos. Kahit na hindi ako pinagpapala ng Diyos, anupa’t wala akong kaaliwan sa loob, na para bang may nag-aapoy sa loob ko, at walang kapayapaan o kagalakan, at kahit na hindi kailanman nalalayo sa akin ang pagkastigo at pagdisiplina ng Diyos, sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol ng Diyos nakikita ko ang Kanyang matuwid na disposisyon. Lubos akong nasisiyahan dito; wala nang iba pang bagay ang mas mahalaga o mas makahulugan sa buhay. Kahit na ang Kanyang proteksyon at pag-aalaga ay naging walang-awang pagkastigo, paghatol, mga sumpa at pagpalo, ako ay nasisiyahan pa rin sa mga bagay na ito, sapagkat maaari nilang mas mahusay na malinis ako at mabago ako, madadala ako nang mas malapit sa Diyos, magagawa ako na higit pang nagmamahal sa Diyos, at magagawang mas dalisay ang aking pag-ibig sa Diyos. Tinutulutan nito ako na makayang tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilalang, at dinadala ako sa harap ng Diyos at malayo sa impluwensya ni Satanas, kaya hindi na ako naglilingkod kay Satanas. Kapag hindi ako namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at naitatalaga ko na ang lahat ng bagay na mayroon ako at lahat ng maaari kong gawin para sa Diyos, nang walang pag-aatubili—iyon ay ang sandali na ako ay ganap na nasisiyahan. Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang nagligtas sa akin, at ang aking buhay ay hindi mahihiwalay mula sa pagkastigo at paghatol ng Diyos. Ang aking buhay sa lupa ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas, anupa’t kung hindi dahil sa pangangalaga at pag-iingat ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ako ay mananatiling namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at higit pa riyan, hindi ako magkakaroon ng pagkakataon o paraan na isabuhay ang isang makahulugang buhay. Kung hindi kailanman mahihiwalay sa akin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, ay saka lamang ako malilinis ng Diyos. Dahil lamang sa masasakit na salita at matuwid na disposisyon ng Diyos, at sa maringal na paghatol ng Diyos, natamo ko ang pinakamahusay na pag-iingat, at namuhay sa liwanag, at natamo ang mga pagpapala ng Diyos. Upang malinis, at mapalaya ang aking sarili kay Satanas, at mamuhay sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos—ito ang pinakadakilang pagpapala sa buhay ko ngayon.” Ito ang pinakamataas na kinasasaklawan na naranasan ni Pedro.Ganoon ang mga kalagayan na dapat marating ng tao pagkatapos na siya ay magawang perpekto. Kung hindi mo kayang marating ang ganitong antas, kung gayon hindi mo magagawang isabuhay ang isang buhay na makahulugan. Ang tao ay nabubuhay sa gitna ng laman, na nangangahulugang nabubuhay siya sa isang pantaong impiyerno, at kung wala ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang tao ay kasingdumi ni Satanas. Paano magiging banal ang tao? Naniwala si Pedro na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang pinakamabuting pag-iingat sa tao at pinakadakilang biyaya. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol ng Diyos na magigising ang tao, at kapopootan ang laman, at kapopootan si Satanas. Ang mahigpit na pagdisiplina ng Diyos ay nagpapalaya sa tao mula sa impluwensya ni Satanas, siya’y pinalalaya nito mula sa kanyang sariling makitid na mundo, at hinahayaan siyang mamuhay sa liwanag ng presensya ng Diyos. Wala nang higit na mabuting pagliligtas kundi ang pagkastigo at paghatol! Nanalangin si Pedro, “O Diyos! Hangga’t kinakastigo Mo at hinahatulan ako, malalaman ko na hindi Mo ako iniwan. Kahit na hindi Mo ako binibigyan ng kagalakan o kapayapaan, at pinapapamuhay ako sa pagdurusa, at pinagpapasan ako ng hindi-mabilang na mga pagtutuwid, hangga’t hindi Mo ako iniiwan, ang puso ko ay magiging panatag. Ngayon, ang Iyong pagkastigo at paghatol ay naging pinakamabuting pag-iingat sa akin at pinakadakilang pagpapala. Ang ibinibigay Mong biyaya sa akin ay nag-iingat sa akin. Ang biyaya na Iyong ipinagkakaloob sa akin ngayon ay pagpapahayag ng Iyong matuwid na disposisyon, at pagkastigo at paghatol; bukod diyan, ito ay isang pagsubok, at, higit pa riyan, ito ay isang buhay ng pagdurusa.” Nakayang isantabi ni Pedro ang mga kasiyahan ng laman at hanapin ang isang mas malalim na pag-ibig at higit na pag-iingat, dahil marami siyang nakamtang biyaya mula sa pagkastigo at paghatol ng Diyos. Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang buhay na may kahulugan, at tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang, kung gayon dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at pagpalo ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang maaaring makalaya siya mula sa pagmamanipula at impluwensya ni Satanas at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Alamin na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala, biyaya o pag-iingat para sa tao. Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, at umiiral sa laman; kung hindi siya nalilinis at hindi nakatatanggap ng pag-iingat ng Diyos, kung gayon ang tao ay lalo kailanmang magiging higit na masama. Kung nais niyang ibigin ang Diyos, kung gayon dapat siyang malinis at maligtas. Nanalangin si Pedro, “Diyos ko, kapag pinakikitunguhan Mo ako nang may-kabaitan ako ay nalulugod, at nagiginhawahan; kapag kinakastigo Mo ako, nakadarama ako ng higit pang kaginhawahan at kagalakan. Bagaman ako ay mahina, at nagbabata ng di-mabigkas na pagdurusa, bagaman mayroong mga luha at kalungkutan, batid Mo na ang kalungkutang ito ay dahil sa aking pagkamasuwayin, at dahil sa aking kahinaan. Tumatangis ako dahil hindi ko matutugunan ang Iyong mga ninanasa, nalulungkot ako at nanghihinayang dahil hindi ako sapat para sa Iyong mga kailangan, ngunit handa akong abutin ang kinasasaklawang ito, handa akong gawin ang lahat ng kaya ko upang ikaw ay aking mapasaya. Ang Iyong pagkastigo ay nagdulot sa akin ng pag-iingat, at nakapagbigay sa akin ng pinakamabuting kaligtasan; ang Iyong paghatol ay nagkukubli ng Iyong pagpaparaya at pagtitiis. Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol, hindi ko matatamasa ang Iyong awa at maibiging-kabaitan. Ngayon, lalo kong nakikita na ang Iyong pag-ibig ay nakalampas sa mga kalangitan at hinigitan ang lahat. Ang Iyong pag-ibig ay hindi lamang kaawaan at maibiging-kabaitan; higit pa riyan, ito ay pagkastigo at paghatol. Ang Iyong pagkastigo at paghatol ay nagbigay ng napakarami sa akin. Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol, walang isa mang taong malilinis, at walang isa mang taong makararanas ng pag-ibig ng Lumikha. Bagaman nakapagtiis ako ng daan-daang mga pagsubok at kapighatian, at nakaranas pang mabingit sa kamatayan, ang gayong pagdurusa[a] ang nagtulot sa akin na tunay Kang makilala at magtamo ng pinakamataas na kaligtasan. Kung ang Iyong pagkastigo, paghatol at pagdisiplina ay lilisan mula sa akin, kung gayon ay mabubuhay ako sa kadiliman, sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ano nga ba ang mga pakinabang ng laman ng tao? Kung ang Iyong pagkastigo at paghatol ay aalis sa akin, ito ay waring ang Iyong Espiritu ay nagtakwil sa akin, na waring Ikaw ay hindi ko na kasama. Kung magkagayon nga, paano ako magpapatuloy na mabuhay? Kung binibigyan Mo ako ng karamdaman, at kukunin ang aking kalayaan, maaari pa rin akong patuloy na mabuhay, ngunit kung lilisanin ako ng Iyong pagkastigo at paghatol, mawawalan na ako ng daan upang patuloy na mabuhay. Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol sa akin, mawawala na sa akin ang Iyong pag-ibig, isang pag-ibig na lubhang malalim upang aking masabi. Kung wala ang Iyong pag-ibig, ako ay mabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at hindi na makikita ang Iyong maluwalhating mukha. Paano ako makakapagpatuloy na mabuhay? Ang gayong kadiliman, ang gayong buhay, ay hindi ko kayang mabata. Ang makasama Kita ay tulad ng namamasdan Kita, kaya paano Kita maiiwan? Nagmamakaawa ako sa Iyo, nakikiusap ako sa Iyo na huwag kunin ang aking pinakadakilang kaaliwan mula sa akin, kahit na ito ay ilang salita lamang na nagbibigay-katiyakan. Natamasa ko ang Iyong pag-ibig, at ngayon ay hindi ko kayang malayo sa Iyo; paano na hindi Kita maiibig? Marami akong itinangis na mga luha ng kalungkutan dahil sa Iyong pag-ibig, subali’t lagi kong nararamdaman na ang isang buhay na gaya nito ay higit na makahulugan, higit akong napagyayaman, higit akong nababago, at higit akong tinutulutang makamit ang katotohanang taglay dapat ng mga nilalang.” Ang buong buhay ng tao ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas, at walang isa mang tao ang kayang palayain ang sarili mismo mula sa impluwensiya ni Satanas. Lahat ay nabubuhay sa isang maruming sanlibutan, sa katiwalian at kahungkagan, wala ni katiting mang kahulugan o kahalagahan, namumuhay sila ng gayong walang-pananagutang buhay para sa laman, para sa pagnanasa, at para kay Satanas. Walang kahit katiting mang halaga sa kanilang pag-iral. Hindi kaya ng tao na hanapin ang katotohanang magpapalaya sa kanya mula sa impluwensya ni Satanas. Kahit na naniniwala ang tao sa Diyos at nagbabasa ng Biblia, hindi niya nauunawaan kung paano siya makalalaya mula sa pagpipigil ng impluwensya ni Satanas. Sa mga nakalipas na mga kapanahunan, napakakaunti ang mga taong nakatuklas ng lihim na ito, napakakaunti ang nakahipo rito. Sa gayon, bagaman kinamumuhian ng tao si Satanas, at kinamumuhian ang laman, hindi niya nalalaman kung paano alisin ang kanyang sarili mula sa bumibitag na impluwensya ni Satanas. Ngayon, kayo ba ay hindi na rin nasa ilalim ng sakop ni Satanas? Hindi ninyo pinagsisisihan ang inyong mga kilos ng pagsuway, lalong hindi ninyo nararamdaman na kayo ay marumi at masuwayin. Pagkatapos na salungatin ang Diyos, mayroon pa rin kayong kapayapaan ng isipan at nakadarama ng lubhang katahimikan. Ang katahimikan mo ba ay hindi dahil sa ikaw ay tiwali? Ang kapayapaan bang ito ng iyong isipan ay hindi nagbubuhat sa iyong pagkamasuwayin? Ang tao ay nabubuhay sa isang pantaong impiyerno, nabubuhay siya sa madilim na impluwensya ni Satanas; sa buong lupa, ang mga multo ay naninirahan kasama ng tao, nanghihimasok sa laman ng tao. Sa lupa, hindi ka nabubuhay sa isang magandang paraiso. Ang dako na kinaroroonan mo ay ang kinasasaklawan ng diyablo, isang pantaong impiyerno, isang daigdig ng mga patay. Kung ang tao ay hindi nalilinis, siya ay sa karumihan; kung hindi siya iniingatan at kinakalinga ng Diyos, kung gayon siya ay nananatili pang bihag ni Satanas; kung hindi siya hinahatulan at kinakastigo, kung gayon hindi siya magkakaroon ng daan upang makalaya sa pang-aalipin ng madilim na impluwensya ni Satanas. Ang tiwaling disposisyon na iyong ipinakikita at masuwaying pag-uugali na iyong isinasabuhay ay sapat upang patunayang ikaw ay namumuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kung ang iyong isipan at mga iniisip ay hindi nalinis, at ang iyong disposisyon ay hindi pa nahatulan at nakastigo, kung gayon ang iyong kabuuan ay pigil pa rin ng sakop ni Satanas, ang iyong isipan ay pigil ni Satanas, ang iyong mga iniisip ay pinaiikot ni Satanas, at ang lahat sa iyo ay kontrolado ng mga kamay ni Satanas. Alam mo ba kung gaano ka pa kalayo, ngayon, mula sa mga pamantayan ni Pedro? Ikaw ba ay may kakayahan? Gaano ang iyong nalalaman sa pagkastigo at paghatol sa ngayon? Gaano ang iyong taglay doon sa mga naging kaalaman ni Pedro? Kung, sa ngayon, ay hindi mo kayang malaman, maaari mo bang matamo ang kaalamang ito sa hinaharap? Ang isang tamad at duwag na gaya mo ay hindi talaga kayang malaman ang pagkastigo at paghatol. Kung iyong hahabulin ang kapayapaan ng laman, at ang mga kasiyahan ng laman, kung gayon hindi ka magkakaroon ng daan upang malinis, at sa katapusan ay ibabalik ka kay Satanas, sapagkat ang iyong isinasabuhay ay si Satanas, at ang laman. Sa katayuan ng mga bagay-bagay ngayon, maraming tao ang hindi naghahabol sa buhay, ibig sabihin ay hindi nila inaalintana ang pagiging nalinis, o pumasok sa mas malalim na karanasan ng buhay. Kung gayon ay paano sila magagawang perpekto? Yaong mga hindi naghahabol sa buhay ay walang pagkakataong magawang perpekto, at yaong mga hindi naghahabol ng kaalaman sa Diyos, at hindi naghahabol ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon, ay hindi kayang makatakas mula sa madilim na impluwensya ni Satanas. Kung tungkol sa kanilang kaalaman sa Diyos at kanilang pagpasok sa mga pagbabago sa kanilang disposisyon, hindi sila taimtim dito, katulad niyaong mga naniniwala lamang sa relihiyon, at sumusunod lamang sa ritwal at dumadalo sa mga regular na serbisyo. Hindi ba’t pagsasayang lamang iyan ng panahon? Kung, sa kanyang paniniwala sa Diyos, ang tao ay hindi taimtim tungkol sa mga bagay-bagay ng buhay, hindi hinahabol ang pagpasok sa katotohanan, hindi naghahabol ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon, at lalong hindi naghahabol ng isang kaalaman sa gawain ng Diyos, kung gayon hindi siya magagawang perpekto. Kung gusto mo na magawang perpekto, dapat mong maunawaan ang gawain ng Diyos. Sa partikular, dapat mong maunawaan ang kahalagahan ng Kanyang pagkastigo at paghatol, at bakit ang gawaing ito ay isinasagawa sa tao. Kaya mo bang tanggapin? Sa panahon ng ganitong uri ng pagkastigo, kaya mo bang makamit ang mga karanasan at kaalaman na kapareho ng kay Pedro? Kung ikaw ay maghahabol ng isang kaalaman sa Diyos at ng gawain ng Banal na Espiritu, at maghahabol ng mga pagbabago sa iyong disposisyon, kung gayon mayroon kang pagkakataon na magawang perpekto.

Para sa mga yaong gagawing perpekto, ang hakbang na ito ng gawain ng pagiging nalupig ay hindi maaaring hindi isasagawa, sa sandaling nalupig ang isang tao saka pa lamang siya makararanas ng gawain ng pagiging ginagawang perpekto. Walang malaking kahalagahan sa pagganap lamang ng papel ng pagiging nalupig, hindi ito magtutulot sa iyo na maging akmang gamitin ng Diyos. Hindi ka magkakaroon ng daan na gampanan ang iyong bahagi sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, sapagkat hindi mo hinahabol ang buhay, at hindi hinahabol ang mga pagbabago at pagpapanibago ng iyong sarili, kung kaya wala kang tunay na karanasan sa buhay. Sa panahon ng gawaing ito nang isa-isang hakbang, gumanap ka nang minsan bilang taga-serbisyo, at isang hambingan, ngunit kung sa kasukdulan ay hindi mo pinagsikapang maging Pedro, at ang iyong pagsisikap ay hindi kaayon sa landas kung saan si Pedro ay ginawang perpekto, kung gayon, natural, hindi ka makararanas ng mga pagbabago sa iyong disposisyon. Kung ikaw ay isa taong naghahabol na maging ginagawang perpekto, kung gayon magpapatotoo ka, at sasabihin mo: “Sa isa-isang hakbang na gawaing ito ng Diyos, natanggap ko ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at bagaman nakapagtiis ako ng matinding pagdurusa, nakarating ako sa pagkakaalam kung paano ginagawang perpekto ng Diyos ang tao, nakamit ko ang gawaing ginagawa ng Diyos, nagkaroon ako ng kaalaman sa pagkamatuwid ng Diyos, at ang Kanyang pagkastigo ay nagligtas sa akin. Ang Kanyang matuwid na disposisyon ay dumating sa akin, at nagdala sa akin ng mga pagpapala at biyaya; ang Kanyang paghatol at pagkastigo ang nag-ingat at dumalisay sa akin. Kung hindi ako nakastigo at nahatulan ng Diyos, at kung ang Kanyang masasakit na salita ay hindi dumating sa akin, hindi ko sana makikilala ang Diyos, ni maliligtas ako. Nakikita ko ngayon na, bilang isang nilalang, hindi lamang tinatamasa ng isa ang lahat ng bagay na nilikha ng Lumikha, ngunit, mas mahalaga, na lahat ng nilalang ay dapat magtamasa ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at tamasahin ang Kanyang matuwid na paghatol, sapagkat ang disposisyon ng Diyos ay karapat-dapat sa pagtatamasa ng tao. Bilang isang nilalang na nagawang tiwali ni Satanas, dapat na tamasahin ng isa ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Sa Kanyang matuwid na disposisyon ay mayroong pagkastigo at paghatol, at, higit pa rito, mayroong dakilang pag-ibig. Bagaman hindi ko kayang lubos na matamo ang pag-ibig ng Diyos sa ngayon, nagkaroon naman ako ng mabuting kapalaran na makita ito, at dahil dito ako ay napagpala.” Ito ang landas na nilakaran niyaong mga nakakaranas ng ginagawang perpekto at ng kaalaman na kanilang sinasalita. Ang gayong mga tao ay pareho ni Pedro; mayroon silang parehong mga karanasan ni Pedro. Ang gayong mga tao ay yaon ding nakatamo ng buhay, at nagtataglay ng katotohanan. Kapag nararanasan nila hanggang sa katapus-tapusan, sa panahon ng paghatol ng Diyos tiyak na ganap nilang iwawaksi sa kanilang sarili ang impluwensya ni Satanas, at matatamo ng Diyos.

Pagkatapos na sila ay malupig, ang mga tao ay walang anumang umaalingawngaw na patotoo. Hiniya lamang nila si Satanas, ngunit hindi naisabuhay ang realidad ng mga salita ng Diyos. Hindi mo nakamit ang ikalawang kaligtasan; nakamtan mo lamang ang isang handog para sa kasalanan, subali’t hindi ka nagawang perpekto—ito ay malaking kawalan. Dapat ninyong maunawaan kung ano ang dapat ninyong pasukin, at kung ano ang dapat ninyong isabuhay, at dapat kayong pumasok sa mga yaon. Kung, sa katapusan, hindi mo nakamit ang pagiging ginawang perpekto, kung gayon hindi ka magiging isang totoong tao, at mapupuno ng pagsisisi. Sina Adan at Eva na nilalang ng Diyos sa pasimula ay mga banal na tao, ibig sabihin, habang nasa Hardin ng Eden sila ay banal, walang bahid ng karumihan. Sila rin ay tapat kay Jehova, at wala silang alam tungkol sa pagkakanulo kay Jehova. Ito ay dahil sa wala silang paggambala ng impluwensya ni Satanas, walang kamandag ni Satanas, anupa’t sila ang pinakadalisay sa lahat ng sangkatauhan. Sila ay nakatira sa Hardin ng Eden, hindi nabahiran ng anumang dumi, hindi naangkin ng laman, at may paggalang kay Jehova. Sa dakong huli, nang sila ay tinukso ni Satanas, nagkaroon sila ng kamandag ng ahas, at ng pagnanasa na ipagkanulo si Jehova, at namuhay sila sa ilalim ng impluwensya ni Satanas. Sa pasimula, sila ay banal at gumagalang kay Jehova; kaya lamang sila ay tao. Kalaunan, pagkatapos silang tuksuhin ni Satanas, kinain nila ang bunga ng punongkahoy ng kaalaman ng mabuti at masama, at namuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas. Unti-unti silang nagawang tiwali ni Satanas, at naiwala ang orihinal na larawan ng tao. Sa pasimula, ang tao ay mayroong hininga ni Jehova, at wala kahit katiting na pagkamasuwayin, at walang kasamaan sa kanyang puso. Noong panahong iyon, ang tao ay tunay na tao. Pagkatapos gawing tiwali ni Satanas, ang tao ay naging isang hayop. Ang kanyang kaisipan ay napuno ng kasamaan at karumihan, walang kabutihan at kabanalan. Hindi ba’t ito si Satanas? Marami ang naranasan mo sa gawain ng Diyos, gayunman hindi ka nabago o nalinis. Ikaw ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas, at hindi pa rin nagpapasakop sa Diyos. Ito ang isang taong nalupig ngunit hindi pa nagawang perpekto. At bakit sinasabi na ang gayong tao ay hindi pa nagawang perpekto? Dahil hindi hinahabol ng taong ito ang buhay o kaalaman sa gawain ng Diyos, at walang higit na iniimbot kundi ang mga kasiyahan ng laman at panandaliang kaginhawahan. Bilang bunga, walang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, at hindi nila muling natamo ang orihinal na larawan ng tao na nilalang ng Diyos. Ang gayong mga tao ay mga naglalakad na bangkay, sila ang mga patay na walang espiritu! Yaong mga hindi naghahabol sa kaalaman sa mga bagay-bagay sa espiritu, na hindi naghahabol ng kabanalan, at hindi naghahabol na maisabuhay ang katotohanan, anupa’t sapat na sa kanila ang malupig sa negatibong panig, at hindi kayang isabuhay at ipamalas ang katotohanan, at maging isa sa mga taong banal—sila yaong mga taong hindi nailigtas. Sapagkat, kung hindi niya taglay ang katotohanan, hindi kakayanin ng taong manatiling nakatayo sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos; tanging ang may kakayahan na tumayong matatag sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos ang siyang mga nailigtas. Ang nais Ko ay mga taong tulad ni Pedro, mga taong naghahabol na magawang perpekto. Ang katotohanan sa ngayon ay ipinagkakaloob sa mga yaong mahigpit na nagnanasa at naghahanap dito. Ang pagliligtas na ito ay iginagawad sa mga yaong mahigpit na nagnanais na mailigtas ng Diyos, at hindi lamang ito itinakda upang makamit ninyo, kundi upang maaaring makamit din kayo ng Diyos. Nakakamit ninyo ang Diyos upang maaaring makamit kayo ng Diyos. Ngayon ay winika Ko ang mga salitang ito sa inyo, at narinig ninyo ang mga yaon, at dapat kayong magsagawa ayon sa mga salitang ito. Sa katapusan, kapag isinagawa ninyo ang mga salitang ito ay kung kailan nakamit Ko kayo sa pamamagitan ng mga salitang ito; kasabay nito, ay inyo ring makakamit ang mga salitang ito, na ibig sabihin, ay makakamit ninyo ang pinakamataas na kaligtasang ito. Kapag kayo ay nalinis, kayo ay magiging isang tunay na tao na. Kung hindi mo kayang isabuhay ang katotohanan, o isabuhay ang wangis ng isa na nagawa nang perpekto, masasabing ikaw ay hindi isang tao, ikaw ay isang naglalakad na bangkay, isang hayop, dahil wala sa iyo ang katotohanan, na ibig sabihin ay wala sa iyo ang hininga ni Jehova, sa gayon ikaw ay isang patay na tao na walang espiritu! Bagaman posible na magpatotoo pagkatapos mong malupig, ang natamo mo lamang ay kaunting kaligtasan, at hindi ka pa naging isang buhay na taong nilalang na may taglay na espiritu. Bagaman nakaranas ka ng pagkastigo at paghatol, ang iyong disposisyon ay hindi napanibago o nabago bilang resulta; ikaw ay ang dati mo pa ring sarili, kabilang ka pa rin kay Satanas, at ikaw ay hindi isang tao na nalinis. Tanging yaong mga nagawang perpekto ang may halaga, at ang mga ganitong tao lamang ang nakatamo ng isang tunay na buhay. Isang araw, may isang tao na magsasabi sa iyo, “Naranasan mo ang gawain ng Diyos, kaya magsalita ka nang kaunti tungkol sa kung ano ang katulad ng Kanyang gawain. Naranasan ni David ang gawain ng Diyos, at namasdan ang mga gawa ni Jehova, namasdan din ni Moises ang mga gawa ni Jehova, at parehong nailarawan ng dalawa ang mga gawa ni Jehova, at kayang isalita ang pagiging kamangha-mangha ni Jehova. Namasdan ninyo ang gawaing ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw; kaya mo bang salitain ang Kanyang karunungan? Kaya mo bang salitain ang pagiging kamangha-mangha ng Kanyang gawain? Ano ang mga hinihingi na ginawa ng Diyos sa inyo at paano ninyo naranasan ang mga iyon? Naranasan ninyo ang gawain ng Diyos sa panahon ng mga huling araw; ano ang pinakadakila ninyong pangitain? Kaya ba ninyong sambitin ito? Kaya ba ninyong salitain ang matuwid na disposisyon ng Diyos?” Paano ka sasagot kapag napaharap sa mga ganitong katanungan? Kung sasabihin mong, “Ang Diyos ay matuwid, kinakastigo at hinahatulan Niya tayo, at lubusan tayong inilalantad. Ang disposisyon ng Diyos ay tunay na hindi nagpapabaya sa pagkakasala ng tao. Pagkatapos maranasan ang gawain ng Diyos, nakarating ako sa kaalaman ng ating sariling pagiging-hayop, at totoong namasdan ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos,” at ang isa pang tao ay patuloy kang tatanungin, “Ano pa ang mga alam mo tungkol sa Diyos? Paano ang isa ay pumapasok sa buhay? Mayroon ka bang anumang pansariling mga hangarin?” Ikaw ay sasagot, “Pagkatapos magawang tiwali ni Satanas, ang mga nilalang ng Diyos ay naging mga hayop, at walang pinagkaiba sa mga asno. Ngayon ay nabubuhay ako sa mga kamay ng Diyos, kung kaya dapat kong matugunan ang mga ninanasa ng Lumikha, at sundin ang anumang mga itinuturo Niya. Wala akong ibang pagpipilian.” Kung ikaw ay nagsasalita lamang ng gayong mga pangkalahatan, hindi maiintindihan ng taong iyon kung ano ang iyong sinasabi. Kapag ikaw ay tinanong nila kung anong kaalaman ang mayroon ka sa gawain ng Diyos, ang tinutukoy nila ay ang iyong mga pansariling karanasan. Nagtatanong sila kung ano ang iyong nalalaman sa pagkastigo at paghatol ng Diyos pagkatapos mo itong maranasan, at dito ay tinutukoy nila ang iyong mga pansariling karanasan, at hinihimok ka nilang magsalita ng iyong nalalaman sa katotohanan. Kung hindi ka makapagsasalita ng mga gayong bagay, ipinakikita nitong wala kang alam tungkol sa gawain ng kasalukuyan. Palagi kang nagwiwika ng mga salitang mabababaw, o mga bagay na alam ng lahat; wala kang tiyak na mga karanasan, mas lalong walang nilalaman ang iyong kaalaman, at wala kang tunay na mga patotoo, kung kaya ang iba’y hindi naniniwala sa iyo. Huwag kang maging walang-pakialam na tagasunod ng Diyos, at huwag habulin yaong pag-uusisa lamang. Sa pagiging sala sa init o sala sa lamig sisirain mo ang sarili mo at maaantala ang buhay mo. Alisin mo sa iyong sarili ang gayong pagiging walang-pakialam at kawalan-ng-pagkilos, at maging dalubhasa sa paghahabol ng mga positibong bagay at mapagtagumpayan ang iyong sariling mga kahinaan, upang maaari mong matamo ang katotohanan at isabuhay ang katotohanan. Walang nakatatakot tungkol sa iyong mga kahinaan, at ang iyong mga pagkukulang ay hindi ang iyong pinakamalaking problema. Ang iyong pinakamalaking problema, at ang iyong pinakamatinding pagkukulang, ay ang iyong pagiging hindi mainit ni malamig at ang kakulangan ng iyong pagnanasa na hanapin ang katotohanan. Ang pinakamalaking problema sa inyong lahat ay ang duwag na kaisipan anupa’t masaya na kayo sa kung ano ang kalagayan ngayon ng mga bagay-bagay, at naghihintay nang walang ginagawang hakbang. Ito ang inyong pinakamalaking balakid, at ang pinakamatinding kaaway sa inyong paghahabol sa katotohanan. Kung ikaw ay sumusunod lamang dahil ang mga salitang winiwika Ko ay lubhang malalim, kung gayon ay hindi mo tunay na tinataglay ang kaalaman, ni pinahahalagahan mo ang katotohanan. Ang ganyang pagkamasunurin gaya ng sa iyo ay hindi patotoo at hindi Ko sinasang-ayunan ang ganyang pagkamasunurin. Maaaring may magtanong sa iyo, “Saan ba talaga nanggaling ang iyong Diyos? Ano ang diwa ng iyong Diyos?” Ikaw ay tutugon, “Ang Kanyang diwa ay pagkastigo at paghatol.” At magpapatuloy siya, “Ang Diyos ba ay hindi mahabagin at maibigin tungo sa tao? Hindi mo ba alam ang mga ito?” Sasabihin mo, “Iyan ang Diyos ng iba. Ito ang Diyos na pinaniniwalan ng mga tao ng relihiyon, hindi ito ang Diyos namin.” Kapag ang mga taong katulad mo ay nagpapalaganap ng ebanghelyo, ang tamang daan ay binabaluktot mo, kung kaya ano pa ang silbi mo? Paano matatamo ng iba ang tamang daan mula sa iyo? Hindi mo taglay ang katotohanan, at hindi makakapagsalita ng katotohanan, ni, higit sa rito, maisasabuhay ang katotohanan. Ano ang mga katangiang nagtutulot sa iyo para mabuhay sa harap ng Diyos? Kapag pinalalaganap mo sa iba ang ebanghelyo, at kapag ibinabahagi mo ang tungkol sa katotohanan, at nagpapatotoo sa Diyos, kung hindi mo kayang makumbinsi sila, pabubulaanan nila ang iyong mga salita. Hindi ka ba isang pagsasayang lamang ng espasyo? Napakalawak na ang iyong karanasan sa gawain ng Diyos, gayunman kapag nagsasalita ka hinggil sa katotohanan wala kang nasasabing makabuluhan. Hindi ka ba walang-silbi? Ano ang iyong kabuluhan? Paano magiging ganoong kalawak ang inyong karanasan sa gawain ng Diyos, subali’t wala kayo kahit katiting na kaalaman tungkol sa Kanya? Kapag tinanong nila kung anong tunay na kaalaman ang mayroon ka sa Diyos, ikaw ay nauubusan ng mga salita, o kaya ay sumasagot nang isang bagay na walang-kinalaman—sinasabing ang Diyos ay makapangyarihan, na ang malalaking pagpapalang natanggap mo ay tunay na isang pagluluwalhati sa Diyos, at na wala nang hihigit pang pribilehiyo kaysa makayang masdan ang Diyos nang harapan. Ano ang halaga na mayroon sa pagsasabi nito? Ang mga iyon ay walang-saysay, mga hungkag na salita! Gayong napakalawak na ang naranasan mo sa gawain ng Diyos, nalalaman mo lamang ba na ang pagdakila sa Diyos ang katotohanan? Dapat mong malaman ang gawain ng Diyos, at sa gayong paraan ka lamang magiging isang tunay na patotoo sa Diyos. Paanong magiging patotoo sa Diyos yaong mga hindi nakatamo ng katotohanan?

Kung ang napakalawak na gawain, at napakaraming salita, ay hindi tumalab sa iyo, kung gayon kapag dumating ang panahon upang ipalaganap ang gawain ng Diyos hindi mo magagampanan ang iyong tungkulin, at mapapahiya at hahamakin. Sa panahong iyon, madarama mo na napakalaki ang utang mo sa Diyos, na ang iyong kaalaman sa Diyos ay napakababaw. Kung hindi mo hinahabol ang kaalaman sa Diyos ngayon, habang Siya ay gumagawa, kung gayon sa kalaunan ay magiging masyadong huli na. Sa katapusan, ikaw ay walang kaalamang masasabi—ikaw ay maiiwang hungkag, wala kahit ano. Ano nga ang iyong gagamitin upang magsulit sa Diyos? Mayroon ka bang lakas ng loob na tumingin sa Diyos? Kailangan mong maging masigasig ngayon sa iyong paghahabol, upang sa katapusan, tulad ni Pedro, malalaman mo kung gaano kapaki-pakinabang ang pagkastigo at paghatol ng Diyos sa tao, at kung wala ang Kanyang pagkastigo at paghatol, ang tao ay hindi maililigtas, at malulubog lamang nang higit na malalim tungo rito sa maruming lupain, higit na malalim tungo sa putikan. Ang mga tao ay ginawang tiwali ni Satanas, naggagamitan laban sa isa’t isa at nagtatapakan sa isa’t isa, nawalan ng kanilang takot sa Diyos, at ang kanilang pagkamasuwayin ay napakatindi, ang kanilang mga pagkaintindi ay napakarami, at ang lahat ay kabilang kay Satanas. Kung wala ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, ang tiwaling disposisyon ng tao ay hindi malilinis at siya ay hindi maililigtas. Kung ano ang inihahayag ng gawain sa katawang-tao ng Diyos na nagkatawang-tao ay tiyak na yaong inihayag ng Espiritu, at ang gawain na Kanyang ginagawa ay isinasakatuparan ayon doon sa ginagawa ng Espiritu. Ngayon, kung wala kang kaalaman tungkol sa gawaing ito, kung gayon ikaw ay napakahangal at napakalaki ang nawala sa iyo! Kung hindi mo natamo ang pagliligtas ng Diyos, kung gayon ang iyong paniniwala ay isang relihiyosong pananampalataya, at ikaw ay isang Kristiyanong nasa relihiyon. Dahil ikaw ay nakakapit sa patay na doktrina, naiwala mo ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; ang iba, na naghahabol sa pag-ibig sa Diyos, ay nakamtan ang katotohanan at buhay, samantalang ang iyong pananampalataya ay hindi kayang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos. Sa halip, ikaw ay naging masamang tao, isang taong gumagawa ng nakasisira at nakasusuklam na mga gawa, ikaw ay naging tampulan ng mga panunuya ni Satanas, at isang bihag ni Satanas. Ang Diyos ay hindi dapat paniwalaan ng tao, kundi ibigin niya, habulin at sambahin niya. …………

Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/the-experiences-of-peter-his-knowledge-of-chastisement-and-judgment.html

——————————————

Ngayon tayo ay nasa mga huling araw na at ang Panginoon ay matagal nang naging laman upang gawin ang gawain ng paghuhukom. Bakit ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghuhukom? Ano ang kahulugan ng paghuhukom? Hangga't nauunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan at tinatanggap ang paghuhukom, magkakaroon tayo ng mga pagkakataon na malinis at makapasok sa kaharian ng langit.

Category: Ang Patotoo ng isang Cristiano | Views: 119 | Added by: lih400847
Total comments: 0
avatar