11:14 AM
Pananampalataya at Buhay | Maikling Pagbabahagi Tungkol sa Pinagmumulan ng Kadiliman at Kasamaan ng Mundo

Yang Le    Lungsod ng Wuhai, Awtonomong Rehiyon ng Inner Mongolia

Noong nag-aaral pa ako, nagkasakit at namatay ang aking ama. Pagkatapos niyang mamatay, hindi lamang kami–ang aking ina na walang trabaho, ang aking dalawang kapatid na babae at ako–pinabayaan ng mga tiyuhin sa parehong parte ng pamilya na madalas na tinutulungan noon ng aking ama ngunit sa halip ay ginawa ang lahat ng kaya nila para pagkakitaan kami, nakikipag-away pa sa amin para sa maliit na pamana na iniwan sa amin ng aking ama. Sa harap ng ipinakitang kawalang-malasakit ng aking mga kamag-anak at ang lahat ng kanilang ginawa na hindi ko kailanman inasahan, nakaramdam ako ng lubusang sakit at hindi ko mapigilang mamuhi sa kanilang kawalan ng konsensya at ang kawalang-puso na ipinakita ng mga kamag-anak na ito, kasabay nito ay nauunawaan ko rin ang pagiging likas na pagkasalawahan ng tao. Pagkatapos nito, kapag nakakakita ako ng mga pangyayari sa lipunan ng mga miyembro ng pamilya na nag-aaway dahil sa pera, o mga tao na nagnanakaw o pumapatay dahil sa pera, palagi akong tumatangis na ang mundo ngayon ay punung-puno ng kadiliman, na ang mga puso ng mga tao ay tunay na nakakatakot at ang mundo ay tunay na napakasalawahan. Noong panahon na iyon, akala ko ang dahilan kung bakit punung-puno ang mundo ng kadiliman ay dahil ang mga tao ngayon ay naging masama, na wala na silang anumang konsensya at napakarami na ng mga masasamang tao sa mundo. Pagkatapos, nabatid ko lamang sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos na ang aking inakala ay napakaliit na bahagi lamang, at hindi ang pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo. Mula sa mga salita ng Diyos, malinaw kong nakita ang tunay na pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo.

Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Bago siya itiniwali ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay dating may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos itiwali ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Ngunit hindi alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik na may talukbong ang mga mata” (“Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Kaalaman ng ilang libong taon ng sinaunang kultura at kasaysayan ang nagsarado nang mahigpit sa pag-iisip at mga konsepto at pangkaisipan pananaw ng tao upang hindi tagusan at hindi matunaw. … Dinala ng etikang pyudal ang buhay ng tao sa ‘Hades,’ sa gayon mas mababa ang kakayahan ng tao na lumaban. Iba’t ibang uri ng pang-aapi ang unti-unting sapilitang naghulog sa tao sa mas malalim sa Hades…. Tahimik na ninakaw ang tao ng kaalaman ng sinaunang kultura mula sa presensya ng Diyos at binigay ang tao sa hari ng mga demonyo at mga anak nito. Dinala ng Apat na Aklat at Limang mga Klasiko ang pag-iisip at mga konsepto ng tao sa ibang kapanahunan ng paghihimagsik, na naging sanhi upang ang tao ay higit pang sumamba sa mga taong sumulat ng mga Aklat at mga Klasiko, lalo pang pinapalawak ang kanilang paniniwala sa Diyos. Walang awang pinalayas ng hari ng mga demonyo ang Diyos sa puso ng tao nang wala silang kamalayan, habang tuwang-tuwa itong kinuha ang puso ng tao. Mula noon, nagtataglay ang tao ng isang pangit at masamang kaluluwa na may mukha ng hari ng mga demonyo. Pinuno ng galit sa Diyos ang kanilang mga dibdib, at araw-araw na kumalat sa loob ng tao ang masamang-budhi ng hari ng mga demonyo hanggang ang tao ay lubos na natupok…. Itong grupo ng magkakasabuwat! Bumababa sila sa gitna ng mga mortal upang magpakasawa sa sarap at gumawa ng kaguluhan. Nagiging sanhi ng kaguluhan ang kasalawahan sa mundo18 at nagdudulot ng kagukuhan sa puso ng tao, at pinapangit nila ang tao upang maging kahawig ng tao ang mga hayop na may hindi mabatang kapangitan, hindi na nagtataglay nang bahagyang bakas ng orihinal na banal na tao” (“Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salitang ito ng Diyos, naunawaan ko na ang sangkatauhan na nilikha ng Diyos sa simula ay dating masunurin sa Diyos, sinamba nila Siya, may konsensya at katwiran ng normal na katauhan, at hindi pa sila nadungisan, o nakagawa ng anumang masama. Pagkatapos itiwali ni Satanas ang sangkatauhan, ang kasalanan ay nagsimulang palagiang kasama ng tao. Sa loob ng ilang libong taon, patuloy na niligalig at itiniwali ni Satanas ang tao. Nagtanim ito ng reaksyonaryong mga pag-iisip at teorya sa tao, upang ang tao ay mabuhay na nakasalalay sa lason nito, na humantong sa pagiging mas tiwali at mas masama ng sangkatauhan, at ang mundo ay mas lalo pang naging madilim at masama. Ang mga kasabihang kagaya ng “Ang lahat ay para sa kanyang sarili at tinatangay ng diyablo ang pinakahuli,” “Bakit kailangang bumangon nang maaga kung wala naman akong mapapala dito?” “Ang mga napapala ng kasakiman ay kamatayan,” “Ang makitid na utak ay hindi pagiging maginoo, ang tunay na lalaki ay makamandag,” “Ang buhay ay maikli, kaya't magsaya,” “Kailanman ay walang tagaligtas” at “Walang sinumang Diyos sa mundo” ay mga lason lahat na itinanim ni Satanas sa tao. Ang mga bagay na ito ay nagiging buhay ng mga tao at nagiging panuntunan para sa buhay, kung kaya wala nang naniniwala sa pag-iral ng Diyos, wala nang sumasamba sa Langit, at wala nang nakikinig sa katwiran o sa kanilang konsensya. Wala nang puwang ang Diyos sa puso ng tao, wala nang mga ipinagbabawal mula sa mga batas at mga regulasyon na nanggaling sa Diyos. Nilason at kontrolado na ni Satanas ang lahat ng tao, kung kaya ang tao ay naging mas lalong taksil, makasarili, kalait-lait, sakim, arogante, mas masama at mas napariwara, hindi mapigilan, lalo pang lumalabag sa batas, walang diyos at napakasama. Sila ang naging sagisag ng demonyo sa tao na walang konsensya, walang moralidad, walang pagkatao, at naging pangalawang kalikasan na niya ang pagiging malisyoso. Partikular, “Ang lahat ay para sa kanyang sarili at tinatangay ng diyablo ang pinakahuli,” ay isang nakamamatay na lason na itinanim ni Satanas sa tao, at ito ay napakalinaw sa aking mga tiyuhin. Ang tao ay nabubuhay lamang para sa kanilang mga pansariling pakinabang, inuuna ang tubo higit sa lahat, iniisip na “Bakit babangon nang maaga kung wala naman akong mapapala?” Para makakuha ng mas marami at mas malaking tubo, kayang gawin ng tao ang anumang masamang bagay o kabuktutan, gumawa ng anumang walang-hiya, kalait-lait o napakababang kaduda-dudang transaksiyon. Walang tunay na pag-ibig o pagmamahal sa pagitan ng mga tao—ang lahat ay pandaraya, panggagamit at pananakit sa isa’t isa. Na ang mga miyembro ng parehong pamilya ay maaaring magalit sa isa’t isa at maging magkaaway, nag-aaway dahil sa pera at mga pakinabang. Pagkatapos, mas lalo pa, nalilimutan ng mga relasyon at pagkakaibigan ang lahat ng prinsipyo ng moralidad para lamang sa tubo; maaaring mukha silang mga tao, ngunit mayroon silang mga puso ng mga halimaw. .... Kayang gawin ng tao ang mga masasamang bagay na ito dahil sila ay nilason ni Satanas sa kanyang “Ang lahat ay para sa kanyang sarili at tinatangay ng diyablo ang pinakahuli,” at sila ay nasa ilalim ng kanyang pamumuno. Makikita na ang pinagmulan ng mga masamang gawain ng tao ay ang lason ni Satanas, at ito ang pinagmulan ng kadiliman sa mundo.

Sa maraming pangyayari na nasa buhay natin, napakadali nating makita ang kadiliman ng mundo. Masasabi natin na ang mga tao na nangunguna sa mga kalakaran sa mundo sa mga araw na ito ay sagisag lahat ni Satanas. Partikular, yaong mga may kapangyarihan at awtoridad ay mga prinsipe ng mga diyablo, at sa mga ito ang malaking pulang dragon ang pinakamadilim at pinakamasamang kapangyarihan. Mula noong natamo ng malaking pulang dragon ang kapangyarihan, ginamit na niya ang kapangyarihang nasa mga kamay nito para gawin ang sukdulang pagsisikap upang itiwali ang tao, itinitiwali sila para sila ay maging mga diyablo sa katawang-tao, upang ang tao ay hindi na magmukhang tao. Iginagalang ng malaking pulang dragon ang karahasan at sinusuportahan ang rebolusyon. Ginagamit nito ang karahasan para sunggaban ang kapangyarihan at ginagamit ang karahasan para pamahalaan ang bansa. Yaong mga nabubuhay sa ilalim ng nasasakupan nito ay nasisiyahan din sa karahasan at patuloy na ginagamit ang lakas para malutas ang bawat isyu, madalas nagagalit kahit sa pinakamaliit na bagay. Nagkaroon lalo ng mas maraming kaso ng mga pagnanakaw at mga pagpatay na nagpapakulo sa dugo ng mga tao, at ang mga paraan ng pagpatay sa mga tao ay lalo pang mas malupit at kasuklam-suklam. Ang lahat ng ito ay mga katibayan na naroon para makita ng lahat. Ginagabayan ng malaking pulang dragon ang kanyang mga tao para “mapaunlad ang ekonomiya,” at iginagalang ang mga kasabihang kagaya ng “Hindi mahalaga kung ang pusa ay itim o puti, basta nakakahuli ito ng daga,” “Mas mabuti ang prostitusyon kaysa kahirapan,” “Kapag may pera, magagawa mong ipatulak sa diyablo ang gilingang bato,” “Magagawa mo ang lahat kahit wala kang anuman, huwag lang pera,” at “Magagawa ng pera ang anumang bagay.” Taglay ang makapangyarihang pagsuporta nito sa ganoong mga bagay, pinapahalagahan ng mga tao ang pera at kapangyarihan, sinumang may pera at kapangyarihan ay uunlad, at sinumang walang pera at walang kapangyarihan ay maaapi lamang at lulunukin ang lahat ng hinaing, at ang kahahantungan nito ay mga puso ng mga tao na puno lamang ng pera. Para sa pera, ang mga ugnayan ng mga magkakamag-anak ay nakakalimutan; para sa pera at kapangyarihan, tatanggap sila at mag-aalok ng mga suhol, bibili at magbebenta ng mga opisyal, magnanakaw, manlilinlang, papatay ng mga tao at kukunin ang kanilang mga ari-arian, maglalaban at magpapatayan—masasabi na sila ay gagamit ng anumang paraang kinakailangan. Ang mas malala pa, ang prostitusyon ay laganap sa lipunan ngayon at ang mga lugar para sa pagbebenta ng katawan at mga droga ay nakikita sa lahat ng lugar. Ang mga suhol na pakikipagtalik at mga transaksiyong sekswal ay uso at sumasang-ayon ang mga tao sa masama, pinapahalagahan ang kasamaan, hindi na iniisip na ito ay nakakahiya, sa halip iniisip na maringal ito. Ang mga ito ay mga bunga rin ng umuunlad na ekonomiya, ginagawa ang relasyon sa pagitan ng mga tao na isang relasyon sa pera. Ginagamit ito ng malaking pulang dragon para itiwali ang mga moralidad ng mga tao at gawin silang walang konsensya. Ang pinakamadilim at pinaka-reaksyonaryong aspeto nito ay hindi kinikilala ng malaking pulang dragon na mayroong Diyos, ngunit sa halip ay pinapalaganap ang hindi paniniwala sa Diyos upang itanggi ng mga tao ang Diyos, itanggi ang Kanyang dakilang kapangyarihan, iwanan ang tunay na Diyos at sambahin si Satanas. Yaong mga nabubuhay sa ilalim ng panloloko at pagbibigay ng maling impormasyon ng malaking pulang dragon ay hindi naniniwala na mayroong Diyos at hindi sinasamba ang tunay na Diyos, ngunit sa halip ay sumusunod kay Satanas, pinapahalagahan ang kasamaan at naaalis mula sa pagkamatuwid kung kaya lalo pa silang naging mas tiwali at mas masama. .... Ngayon, mas malinaw kong nakikita na dahil sa “modelong” ito ng malaking pulang dragon, ang tao ay naging napakatiwali at masama, walang konsensya, walang katauhan. Ang ugat ng lahat ng kasiraang ito ay ganap na nasa malaking pulang dragon. Ang mahusay na kriminal na lumikha sa kasamaan sa mga puso ng tao, ang mga tiwaling moralidad at pagkasalawahan ng mundo sa lipunan ngayon ay ang malaking pulang dragon; na ang ugat ng lahat ng kadiliman at kasamaan sa mundo ay ang pagkamit ng malaking pulang dragon ng kapangyarihan. Kung nagkamit ang malaking pulang dragon ng kapangyarihan kahit sa isang araw lang, kung si Satanas ay hindi mapupuksa balang araw, kung ganon, hindi mabubuhay ang sangkatauhan sa liwanag at hindi na kailanman muling magkakaroon ang mundo ng kapayapaan.

Pagkatapos makita ang kadiliman at kasamaan ng malaking pulang dragon at kung paano nito itinitiwali at tinatapakan ang mga tao, lalo ko pang nararamdaman ang kabanalan at kagandahan ni Cristo. Tanging si Cristo ang liwanag sa mundong ito ng kadaliman, tanging si Cristo ang makapagliligtas sa sangkatauhan at tutulong sa kanilang kumawala mula sa madilim at masamang lugar na ito, at magkakaroon lamang ng liwanag ang sangkatauhan kapag natamo na ni Cristo ang kapangyarihan. Dahil tanging ang Diyos ang may diwa na maganda at mabuti, tanging ang Diyos ang pinanggalingan ng pagkamatuwid at liwanag, tanging ang Diyos ang simbolo na hindi magagapi o masisira ng lahat ng kadiliman at kasamaan, tanging ang Diyos ang makakapagbago sa lumang mukha ng buong mundo at maghatid ng liwanag sa mundo, at tanging ang Diyos ang makapagdadala sa sangkatauhan sa isang kahanga-hangang hantungan. Maliban sa Diyos, walang makakagawa sa gawain na ito at walang makakatalo o makakapuksa kay Satanas. Kagaya ng sinasabi sa mga salita ng Diyos: “Sa napakalawak na mundo, hindi mabilang na mga pagbabago na ang nangyari, nang paulit-ulit. Walang may kakayahang manguna at gumabay sa sangkatauhan maliban sa Kanya na namumuno sa lahat ng mga bagay sa sansinukob. Walang makapangyarihan na maaaring magtrabaho o gumawa ng mga preparasyon para sa sangkatuhang ito, lalo na ang isang tao na may kakayahang mamuno sa sangkatuhang ito tungo sa hantungan ng liwanag at ng liberasyon mula sa makamundong kawalan ng mga katarungan” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Gusto Kong itama ang mga kawalan ng hustisya sa mundo ng tao. Personal Kong gagawin ang Aking trabaho sa buong mundo, hindi Ko na hahayaan si Satanas na muling saktan ang Aking bayan, pagbabawalan Ko ang kaaway na gawin muli ang anumang gusto nila. Magiging Hari Ako sa lupa at ililipat Ko ang Aking trono doon, payuyukuin Ko ang lahat ng mga kaaway sa lupa at ikukumpisal nila ang mga krimeng nagawa sa Aking harapan” (“Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nakita ko sa mga salita ng Diyos ang Kanyang pagkamakapangyarihan sa lahat at ang Kanyang awtoridad, nakita ko na tanging ang Diyos ang makapagliligtas sa atin na namumuhay sa ilalim ng nasasakupan ng malaking pulang dragon at natatapakan nito. Dahil dito, lalo pang hinahangad ng aking puso na makamit ni Cristo ang kapangyarihan, at sana'y malapit nang magwakas ang malaking pulang dragon.

Nagpapasalamat ako sa pagliliwanag ng mga salita ng Diyos na nagpahintulot sa aking makita ang pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo, na dahilan para maramdaman ko sa aking puso ang tunay na pagkasuklam sa malaking pulang dragon, at na nagpahintulot sa akin na maunawaan na tanging si Cristo ang makakaakay sa tao para makawala mula sa madilim na lugar na ito, para makapasok sa liwanag. Tanging sa pamamagitan ng pagsunod kay Cristo at sa pagsamba kay Cristo na makakawala ang tao mula sa kapighatian ni Satanas. Magmula sa araw na ito, gusto kong hanapin ang katotohanan at sumunod sa pag-aakay ni Cristo, tanggapin ang mga salita ng Diyos at gawin ang mga itong aking buhay, alisin sa aking sarili ang lahat ng lason ng malaking pulang dragon, itakwil ang pagkontrol ng impluwensiya ng malaking pulang dragon, ganap na magrebelde laban sa malaking pulang dragon, at maabot ang pagliligtas ng Diyos at gawing perpekto ng Diyos.

Category: Ang Patotoo ng isang Cristiano | Views: 104 | Added by: lih400847 | Tags: ikalawang pagdating ni Jesus, Ang Kaligtasan ng Diyos, Pag-ibig ng Diyos
Total comments: 0
avatar