11:35 PM
Pananampalataya at Buhay | Maging Mahigpit sa Sarili Upang Madisiplina ang Iba

 

Xiaoyan Lungsod ng Xinyang, Lalawigan ng Henan

Nagkaroon ako ng malapit na kasama sa paggawa na isang may-edad nang kapatid sa pangkalahatang gawain. Pagkaraang makatrabaho ko siya sa loob ng ilang panahon, nakita kong may kapabayaan siya sa kanyang gawain at hindi niya tinanggap ang katotohanan. Sa gayon, nakabuo ako ng isang palagay tungkol sa kanya. Unti-unti, ang karaniwan naming pagkakasama ay nawala, hindi kami magkasundong maigi at hindi magkatugma sa aming paggawa. Sa pakiramdam ko ay kadalasang mali niya ang sanhi na ang pagkakasama namin ay dumating sa ganitong yugto, at sinubukan ko ang lahat ng paraang makipag-usap sa kanya upang makilala niyang mabuti ang sarili niya. Nguni’t lahat ng pagsisikap kong makipg-usap sa kanya ay nawalang-saysay o naging hindi maganda. Sa katapusan, naghiwalay kami, na hindi nalulutas ang aming mga usapin. Lalong nagpatibay ito sa aking paniniwala na hindi siya taong marunong tumanggap ng katotohanan. Pagkaraan noon ay inayos ng iglesia na makituloy ako sa ibang pamilya. Di nagtagal pagkatapos, natuklasan kong marami ring suliranin sa magkakapatid ng pamilyang maybahay, at muli ay nagsikap akong makausap sila, nguni’t lahat ng ginawa ko ay walang saysay, at magsimula silang magkaroon ng masamang palagay laban sa akin. Sa harap ng ganitong mga kalagayan, ako’y lubhang naguluhan at nalito: Bakit ang mga taong nakikilala ko ay ayaw tumanggap ng katotohanan? Hanggang isang araw, natagpuan ko ang ugat ng suliranin, nang bumangga ako sa isang pader sa gawain.

Isang araw, inayos ng pinuno ko na ipadala ko sa kanya ang kaayusan ng gawain, at ipinagkatiwala ko sa may-edad nang kapatid na babae ang pagdadala nito sa kanya. Sino ang makaaalam na pagkaraan ng isang linggo, ang pakete ay ipababalik sa akin ng buo. Sa harap ng ganitong lagay, napatda ako at ibinuhos ang sisi sa may-edad nang kapatid sa kanyang di-maayos na paghawak ng bagay na iyon, na nagresulta sa hindi pagkakahatid ng pakete sa pinuno. Wala ring pakikipag-ugnay mula sa pinuno sa loob ng ilang araw pagkaraan nito, at nagsisimula na akong mabalisa: Karaniwan kung may hindi naihatid o naipadala nang huli na, ang ponuno ay tatawag upang magtanong tungkol sa sitwasyon. Bakit hindi siya nakikipag-ugnayan sa akin sa ngayon? Pinipigilan ba niya akong tupdin ang aking tungkulin? Lalo akong natakot – ang isip ko ay napuno ng pag-aalala at pagsisisi. Hindi ko mapigilang magpatirapa sa harap ng Diyos: “Diyos, ang pakiramdam ko’y totoong maysakit ako at may salungatan sa aking puso. Ipinabalik sa akin nang buo ang kaayusan ng gawa. Hindi ko alam kung ano ang nagyayari, at hindi ako makatiyak anong bahagi ng sarili ko ang magagawang perpekto ng pagharap sa kalagayang ito. Pakiusap, gabayan at paliwanagan Mo ako at tulungang maunawaan ang Iyong kalooban”. Pagkatapos na pagkatapos ng dasal, isang salita ng Diyos ang nanatiling kumikislap sa aking utak, “Tuwing may ginagawa ka nauuwi ito sa di-maayos o napipigil ka ng isang balakid. Disiplina ito ng Diyos” (“Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Bigla kong napagtanto na ang mga usaping nakita ko sa gawain, ang di-magandang pakikisama sa may-edad nang kapatid, at ang mga pala-palagay ng magkapatid ng pamilyang tinuluyan ko; hindi ba’t ang mga ito ay ang paraan ng Diyos sa pakikitungo sa akin sa pamamagitan ng aking mga kalalagayan? Tahimik akong tumawag sa Diyos, “Diyos, alam ko na nakikitungo ka at dumidisiplina sa akin dahil mahal Mo ako, nguni’t hindi ko maunawaan anong bahagi ko ang nais Mong tutukan sa pagbigay ng ganitong mga kalalagayan. Nagdadasal ako sa Iyo na gabayan at paliwanagan Mo ako.”

Pagkaraan, nang ako’y lumlasap at umiinon ng mga salita ng Diyos, nakita ko itong dalawang mga sipi, “Dapat mo munang ayusin ang lahat ng mga kaguluhan sa loob ng iyong sarili sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos. Wakasan mo na ang iyong napababang mga disposisyon at magawa mo na tunay na maunawaan ang iyong sariling mga sitwasyon at alamin kung paano mo dapat gawin ang mga bagay-bagay; panatilihin mo ang pakikisama sa anumang bagay na hindi mo nauunawaan. Ito ay hindi katanggap-tanggap para sa iyo na hindi mo kilalanin ang iyong sarili. Hilumin mo muna ang iyong sariling karamdaman, at sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng Aking mga salita nang higit pa, pagbubulay-bulay sa Aking mga salita, isabuhay ang buhay at gawin ang mga bagay-bagay ayon sa Aking mga salita; kung ikaw man ay nasa tahanan o nasa iba mang lugar, dapat mong hayaan ang Diyos na gumamit ng kapangyarihan sa loob mo” (“Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Kapag nakatagpo ka ng mga bagay, kailangan mong pumili, kailangan mong harapin ang mga ito nang tama, kailangan mong mapanatag at kailangan mong gamitin ang katotohanan para lutasin ang problema. Ano ang silbi ng iyong karaniwang pagkaunawa sa ilang mga katotohanan? Sila ay hindi naroon para lang punuin ang iyong tiyan at sila ay hindi naroon para lamang bigkasin at wala ng iba pa, ni hindi rin sila para lutasin ang mga problema ng iba; sa halip sila ay para lutasin ang sarili mong mga paghihirap, at tanging kapag natapos mong lutasin ang iyong sariling mga problema saka mo magagawang lutasin ang mga problema ng iba” (“Nalilitong Mga Tao Ay Hindi Maliligtas” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang mga salita ng Diyos at nagtila-kislap ng kidlat. Oo, kapag may mga bagay na nangyari dapat alamin natin muna ang ating mga sarili, at gamitin ang katotohanan upang lutasin ang mga kaguluhan sa loob natin. Sa pagpapabuti ng ating kalagayan, nilulutas natin ang ating mga suliranin, at sa ganoon ay maaari nating lutasin ang mga suliranin ng ibang tao. Nguni’t hindi ko kailanman inalam ang sarili kapag may naganap, at itinutok ang mga mata ko sa iba, naghahanap ng kamalian sa kanila kailanma’t maaari. Kapag ang pakikipag-ugnayan ay hindi maayos, ibinibintang ko ito sa ibang tao, at sinisikap humanap ng mga paraan na makipag-usap sa kanila, upang ipaalam sa kanila ang kanilang mga aral at alamin ang kanilang mga sarili. Nang ang magkapatid ng tinuluyan kong pamilya ay umaayaw making sa aking makipag-usap, naniwala akong ito’y dahil hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi nila kayang tumanggap ng katotohanan. Nang ipabalik sa akin ang kaayusan ng gawain nang buo, iniatang ko ang sisi at pananagutan sa iba. Nang mangyari lahat ito, nakaligtaan kong suriin anong kasiraan ang aking naibunyag, at aling mga katotohanan ang dapat kong ipasok. Ito’y tila ba ako’y walang kasiraan, at ginawa ng tama ang lahat. Sa halip, naghanap ako sa iba ayon sa aking mga pamantayan at kung ang isa ay hindi makaabot sa aking mga pamantayan o ayaw tanggapin ang aking pakikipag-usap, nagpapasiya ako agad na ang taong iyon ay hindi naghahanap ng katotohanan at tumatanggap ng katotohanan. Totoong ako’y napakapalalo at walang alam sa sarili. Wala akong alam sa kasiraang naibunyag ko, at hindi ko rin hinanap ang katotohanan upang lutasin ang sarili kong mga suliranin, subali’t laging naghahanap ng mali sa iba. Paano ako makikipagtulungan ng mahusay at makikibagay sa iba? Noon ko napagtanto: Ang dahilan hindi ako makabagay kaninuman ay hindi dahil hindi nila hinahanap ang katotohanan, o tinatanggap ang katotohanan, nguni’t dahil wala akong kaalaman sa aking sarili, at hindi nagbibigay-diin sa paggamit ng katotohanan upang lutasin ang aking sariling mga suliranin.

Pagkaraang matanto ko ang lahat ng ito, nagsimula akong magbigay-pansin sa aking sariling pagpasok at paglutas muna ng aking sariling mga suliranin kapag may mga bagay na nangyari. Sa pakikipag-usap sa mga kapatid pagkaraan, may mga bahagi na ng pag-alam sa sarili sa pakikipag-usap ko. Ito ay noong matagpuan kong ang mga kapatid ay nagbago na. Nagsimula na silang magpakita ng sarili nilang kasiraan, at unti-unti ay nagkaroon kami ng mahusay na pakikipagsamahan. Sa harap ng mga katotohanang ito, sa wakas nakita ko na kapag may mga usaping nangibabaw, lubhang mahalaga na kilalanin ang sarili at unang lutasin ang sariling mga suliranin. Noon lamang maaari nating isabuhay ang ating karaniwang pagkatao, makitungo sa iba ng mahinusay, at makinabang sa ating mga karanasan sa buhay.

Category: Ang Patotoo ng isang Cristiano | Views: 125 | Added by: lih400847 | Tags: Ang Kaligtasan ng Diyos, Pananampalataya sa Diyos, Pananampalataya at Buhay
Total comments: 0
avatar