11:41 PM
Daan ng Walang-Hanggang Buhay | Sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo at nagsusumikap tayo para sa Panginoon, sa pangangaral ng ebanghelyo

Sagot: Maraming nananalig sa Panginoon na sumusunod sa halimbawa ni Pablo. Ginagawa ba nila talaga ang kalooban ng Ama sa langit? Talaga bang karapat-dapat silang pumasok sa kaharian ng langit? Tingnan natin ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23). Nakikita natin mula sa mga salita ng Panginoong Jesus na kapag nagbalik Siya, maraming taong nangangaral at gumagawa sa pangalan ng Panginoon na hindi lamang Niya hindi pupurihin, kundi sa halip ay tutukuyin ng Panginoon na masasamang tao. Ipinapakita niyan na ang pagsasakripisyo, pagsaid ng inyong sariling lakas at pagsusumikap sa Kanyang pangalan ay hindi nangangahulugan na ginagawa ninyo ang kalooban ng Ama sa langit. Kung gayo’y ano ba talaga ang ibig sabihin ng gawin ang Kanyang kalooban? Tumutukoy lang ito sa kakayahang mahalin ang Diyos nang buong puso, igalang Siya bilang dakila, matakot sa Diyos at iwaksi ang kasamaan, ipamuhay ang mga salita ng Panginoon, sundin ang Kanyang mga utos, purihin at patotohanan nang madalas ang Diyos, tunay na sairin ang inyong lakas para sa Kanya, manatiling malaya sa anumang kasunduan o kahilingan, magawang sumaksi para sa Diyos sa mga oras ng pagsubok, at sumunod sa Kanyang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Ito lamang ang paggawa ng kalooban ng Diyos. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37-39). Kaya, lahat ng gumagawa ng kalooban ng Diyos ay yaong mga naiwaksi ang kasamaan at napadalisay. Sila ang mga taong maaaring ipamuhay ang katotohanan at tunay na sundin ang Diyos. Madalas nilang naipapamuhay ang mga salita ng Panginoon at nasusunod ang Kanyang mga utos, at minamahal nilang lahat nang taos-puso ang Diyos, at nagagawa nilang mabuhay na nakaasa sa mga salita ng Panginoon. Kung mayroong hindi nagmamahal nang taos-puso sa Diyos, nakikipagkasunduan sa Diyos habang gumagawa at nangangaral, madalas din silang lumaban at maghimagsik laban sa Kanya at hindi nila ipinamumuhay ang Kanyang mga salita, paano matatawag ang taong ito na isang taong gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit? At paano masasabi ng sinuman na naiwaksi na nila ang pagiging makasalanan at naging dalisay na sila? Nakikita nating lahat ang sumusunod na katotohanan. Matapos manalig sa Panginoon, nagawa ng marami na mangaral at magsikap sa Kanyang pangalan, magpasan ng krus at magdusa, at mabilanggo pa at mapatay bilang martir. Ipinapakita lang nito na may kaunti silang pananampalataya sa Panginoon, kaunting kasigasigan para sa Kanya. Pero hindi maikakaila na samantalang nagsusumikap ang mga tao madalas pa rin silang maghimagsik sa Diyos, lumaban sa Kanya, at gumawa ng mga bagay na naaayon sa sarili nilang kalooban at kagustuhan. Hindi sila nakatuon sa pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon o pagsunod sa Kanyang mga utos. Nagnanasa pa ang iba ng katanyagan at katayuan; pinupuri at pinatototohanan nila ang kanilang sarili, o nagbubuo sila ng sarili nilang grupo o nagtatayo ng sarili nilang munting kaharian. Marami ring tao na hindi nagsisikap at nagdurusa para mahalin at bigyang-kasiyahan ang Diyos, kundi para magantimpalaan, maputungan ng korona. Kaya nga matapos silang magsikap at magtiis nang kaunti, sinisikap nilang gamitin ang kanilang nakaraan at ipasikat ang taas ng kanilang tungkulin. Buong tapang silang humihingi sa Diyos ng mga pagpapala ng kaharian ng langit. Totoo ito lalo na sa mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon; nang pumarito ang Makapangyarihang Diyos para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, patuloy silang umasa sa kanilang mga haka-haka at imahinasyon para labanan at tuligsain Siya, magtahi-tahi ng mga tsismis, magkalat ng mga kasinungalingan para linlangin at kontrolin ang mga nananalig at hadlangan ang pagsisiyasat ng mga ito sa tunay na daan. Mas mabigat pa ang mga kasalanan nilang paglaban sa Diyos kaysa mga Fariseong iyon na lumaban sa Panginoong Jesus. Nagawa nila ang napakabigat na kasalanan na muling ipako ang Diyos sa krus, at nasuway nila ang disposisyon ng Diyos. Ang mas malungkot pa ay matapos labanan at tuligsain si Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos—ang tingin pa rin nila sa sarili ay tanyag na mga tagapag-ambag na lubos na tapat sa Panginoon, at naghihintay pa rin silang bumaba ang Panginoong Jesus at dalhin sila sa kaharian ng langit. Mahirap paniwalaan iyan! Ipinapakita ng mga katotohanang ito na maraming nakakagawa ng mga sakripisyo, sinasaid ang kanilang lakas, at nagsusumikap sa pangalan ng Panginoon, pero hindi ito patunay na ginagawa nila ang kalooban ng Diyos, at lalo nang hindi ito patunay na pinupuri sila ng Diyos, o na karapat-dapat silang pumasok sa langit at tumanggap ng mga gantimpala. Dahil hindi pa nawawala ang kanilang likas na kademonyohan at hindi pa nila naiwawaksi ang mga gapos ng kasalanan, kahit habang gumagawa sila ng kasamaan at lumalaban sa Diyos, at tuwiran pang kinokontra ang Diyos. Paano sila matatawag na mga taong gumagawa ng kalooban ng Diyos? At paano sila magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit? Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok tungo sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit na marami ka pang nagawa, at nakágáwâ sa loob ng maraming mga taon, sa katapusan kung ikaw pa rin ay kalunos-lunos na marumi—hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi kailanman Ako nag-alok ng madaling daan sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panlangit na alituntunin, at walang sinuman ang makababali nito! Dapat mong hanapin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay katulad ng uri ni Pedro: Sila ay yaong mga naghahanap ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpasan ng patotoo sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang mga tao lamang na gaya nito ang magagawang perpekto. Kung ikaw ay tumitingin lamang sa mga gantimpala, at hindi hinahanap na baguhin ang iyong sariling disposisyon sa buhay, kung gayon lahat ng iyong mga pagsisikap ay magiging walang saysay—at ito ay isang katotohanang hindi na mababago!” (“Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Maliwanag na sinabi sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang Diyos ay banal at matuwid. Lubos na pinagbabawalan ng Diyos ang sinumang marumi at tiwaling mga tao na pumasok sa Kanyang kaharian. Sang-ayon ba kayo? Pero sabi ni Pablo “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran….” Ang mga salitang ito ay sariling ideya at imahinasyon ni Pablo. Ni hindi ito naaayon sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan. Kabaligtaran mismo ang mga ito ng mga salita ng Diyos!

Maraming nagtatanong, “Nagsusumikap tayo para sa Panginoon at sumusunod sa pangalan at landas ng Panginoon. Bakit hindi tayo makapasok sa kaharian ng langit?” Hindi lang ito kung sumusunod man tayo sa kalooban ng Diyos. Ang pinakamahalaga ay hindi pa nawawala ang ating pagiging likas na makasalanan. Samakatwid, kailangan ang karanasan sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw para malinis ang isang tao para mabago ang kanyang disposisyon sa buhay at maging isang taong sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit. Sa ganitong paraan lang siya magiging marapat na madala sa kaharian ng langit. Ngayo’y maaaring nauunawaan natin kung bakit madalas tayong magkasala sa araw at mangumpisal ng mga kasalanan sa gabi, at hindi natin matalikuran ang pagkakasala? Nag-uugat iyan sa ating likas na kademonyohan kaya madalas manaig sa atin ang paglaban at paghihimagsik sa Diyos. Kahit madalas tayong mangumpisal ng ating mga kasalanan at magsisi sa Panginoon, hindi tayo makakahulagpos sa gapos ng kasalanan. Ganyan ang problema at katayuan ng lahat ng nananalig sa Panginoon. Para sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos para mapatawad ang tao sa kanyang kasalanan at maging marapat na manalangin sa Diyos, makipagniig sa Diyos at matamasa ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Pero ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad lang ang ating mga kasalanan pero hindi ang ating likas na kademonyohan. Kahit nagsumikap tayo sa pangalan ng Panginoon, nagsumigasig at sinaid natin ang ating lakas, hindi pa rin tayo makakahulagpos sa kontrol at gapos ng kasalanan. Kaya sinabi ng Panginoong Jesus na babalik Siya sa mga huling araw, para lunasan ang ating pagiging likas na makasalanan at makademonyong disposisyon. Sa mga huling araw, naparito ang Makapangyarihang Diyos para isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol at paglilinis sa tao base sa pundasyon ng gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa pagpapahayag ng katotohanan, inihahayag at hinahatulan ng Diyos ang likas na kademonyohan ng tao, at nililinis ang makademonyong disposisyon nito, para lubos tayong mailigtas mula sa impluwensya ni Satanas at maligtas at mabawi ng Diyos. Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang makasalanang tulad mo, na Kanyang tinubos, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—ganoon ka kaya dapat kapalad! Nakalimutan mo ang isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay tinubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos Mismo ang kailangang bumago at luminis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang matamo ang pamana ng Diyos” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, tanging kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa lahat ng sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanang pag-aalay ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan rin sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na sinira ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik sa nagkatawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ito ay nagdala sa tao sa mas mataas na kaharian. Ang lahat ng napapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, natatanto natin na ginawa tayong napakasama ni Satanas. Nasa ating kalooban ang likas na pag-uugali ni Satanas. Bagama’t pinatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at maaari tayong mamuhay sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, mayroon pa rin tayong makademonyong disposisyon at hindi natin maipamuhay ang salita ng Diyos at hindi tayo makapamuhay nang naaayon sa Kanyang salita, dahil hindi pa nawawala ang likas na pag-uugali ni Satanas sa atin. Hindi ito ang uri ng mga tao na mababawi ng Diyos sa bandang huli. Ang mga taong mababawi ng Diyos ay yaong mga nalinis mula ang kanilang masamang disposisyon, yaong mga malaya sa kasamaan at masunurin sa kalooban ng Diyos. Kaya kailangan pa rin natin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos para mawala ang mga ugat ng ating kasalanan, tulad ng makademonyong disposisyon sa ating kalooban. Kapag nalinis na ang ating makademonyong disposisyon, lubos na tayong nahiwalay sa impluwensya ni Satanas, at tunay na nating masusunod at masasamba ang Diyos, sa gayo’y tunay tayong maliligtas at mababawi ng Diyos, at magiging marapat sa pangako ng Diyos na makapasok sa Kanyang kaharian. Walang duda iyan.

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan

Category: Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Views: 142 | Added by: lih400847 | Tags: Pananampalataya sa Diyos, Salita ng Diyos, Biyaya ng Diyos
Total comments: 0
avatar