11:02 PM
Pananampalataya at Buhay | Ang Mga Lihim Nakatago sa Likod ng Paghahangad

 

Li Li Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong

Kamakailan, ako ay pinaunlad ng Diyos at itinaas sa manggagawa sa rehiyon. Isang araw, nang tipunin kasama ang aking mga katrabaho, hindi ko maiwasan kundi mag-isip sa aking sarili: dapat kong galingan. Kapag gumanap ako ng hindi mahusay, paano ako makikita ng aking mga lider at katrabaho? Bilang resulta, nang tinalakay namin ang isang paksa nang magkakasama, hangga’t may kaunting pag-unawa lamang ako sa paksa, kung gayon ay susubukan kong maging una na magsabi ng anuman, gayunpaman nang wala akong pag-unawa sa paksa at wala akong masabing anumang bagay, natagpuan ko ang aking sarili na nagiging balisa. Sa ilang mga araw ng mga pagpupulong, nakaramdam ako ng matinding pagod at talagang balisa, na parang ako ay nasa arena ng labanan. Nang maglaon, pinag-isipan ko ang ipinakita ko at natanto ko na ang ganitong uri ng sitwasyon ay nagmula lamang sa sarili kong banidad at walang tunay na problema. Pagkatapos isang araw, ipinabatid sa akin ng mga pinuno ang isang pulong, lalo akong nagalak nang nalaman ko na ang tagapangasiwa ang mangunguna sa pulong, at naisip ko: Mukhang ako ay masasanay, kung makagagawa ako ng maayos at mkapag-iiwan ng magandang impresyon ay maaaring ma-promote ako, at kapag ang aking sariling responsibilidad ay dumami, hindi lamang ang aking mga katrabaho ang hahanga sa akin kundi gayon din ang mga kapatid ko. Kaya sa pulong, nagsalita ako nang napaka-probisyonal, na nangangamba na anumang mga di-angkop salita ay mag-iiwan ng masamang impresyon sa aking mga lider. Nang magwakas ang pulong, natuwa ako kahit na nababalisa ako at pagod sa mga naunang araw, at naramdaman ko na ang hinaharap ay nagtataglay ng maraming pangako. Mula sa puntong iyon pasulong, ang aking “paghahangad” ay lubhang lumakas.

Kalaunan, ang nakatataas ay nagbigay ng isang sermon na “Ang Pag-unawa sa Ating Sariling Tiwaling Diwa Bago Tayo Makarating sa Tamang Landas ng Paniniwala sa Diyos,” na kung saan ay nakita ko ito na nagsasabi: “Sa nakaraan ang mga tao ay nakatuon lamang sa kanilang dating mga pagsalansang, o kung ano ang mga katiwalian na kanilang inihayag, habang nagpapabaya sa pagusisa ng kanilang bawat salita at gawa: na pagmamay-ari ng katiwalian ni Satanas, na pagmamay-ari ng malaking pulang lason ng dragon, na kabilang sa larangan ng mga imahinasyon at konsepto ng mga tao, at kabilang sa mga paglilihis o kasinungalingan. At dapat ding usisain ng isa ang kanilang sariling kalagayan ng kaisipan at panloob na pagkatao, makuha ang mga bagay na nakatago sa loob ng puso, at lumapit sa Diyos at gamitin ang katotohanan upang suriin ang mga ito, upang malaman ang kanilang sariling katiwalian, at makita ang tunay na suliranin ng katiwalian. Na dahil walang hayag na mga malalaking paglabag ay hindi nangangahulugan na walang problema sa loob ng kaluluwa. Ang nakatagong malisya, disposisyon, at kalikasan ang mas mahirap lutasin. Ang mga tao ay hindi namamatay dahil sa mga pagsinghot, ang mga malulubhang sakit ang kumikitil sa buhay.” Pagkatapos ng pagbabasa nito, hindi ko maiwasan kundi isipin ang aking sariling sikolohiya mula sa dalawang naunang pagpupulong, at sa loob ay naisip ko: Anong kalikasan ang namuno dito? Sa puntong iyon, sinimulan kong hanapin ang mga kaukulang katotohanan para sa aking sariling sitwasyon upang masuri at mapag-aralan ito.

Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, nakita ko ang salita ng Diyos: “May ilang taong umiidolo partikular na kay Pablo: Gusto nilang nagbibigay ng mga talumpati at gumagawa sa labas. Gusto nilang nagtitipon-tipon at nagsasalita; gusto nila kapag nakikikinig ang mga tao sa kanila, sumasamba sa kanila, pumapalibot sa kanila. Gusto nilang magkaroon ng katayuan sa isipan ng iba at ikinatutuwa nila kapag pinapahalagahan ng tao ang kanilang imahe. Ano ang nadidiskubre natin tungkol sa kalikasan ng tao mula sa ganitong uri ng pag-uugali? Suriin natin ang kanyang kalikasan: Ano’ng uri ng kalikasan mayroon ang ganitong tipo ng tao na may ganitong klase ng pag-uugali? Paano mo susumahin pasalita? Hindi ito maunawaan ng mga ordinaryong tao ngunit ang nakikita lang nila ay ang pag-uugali. Ano ang relasyon sa pagitan ng pag-uugali at ng kalikasan ng tao? Ano ang kanyang kalikasan? Hindi mo ito matukoy, hindi ba? Kung talagang umaasal siya sa ganitong paraan, sapat na iyan para ipakita na siya ay mapagmataas at palalo. Hindi siya sumasamba sa Diyos sa anumang paraan; naghahangad siya ng mataas na estado, at gusto niyang magkaroon ng awtoridad sa iba, para angkinin sila, para magkaroon ng katayuan sa kanilang mga isip. Ito ang klasikong imahe ni Satanas. Ang nangingibabaw na kalikasan niya ay pagmamataas at kapalaluan, pagtangging sambahin ang Diyos, at pagnanasa sa pagsamba ng iba. Hindi ba ito ang kanyang kalikasan? Kitang-kita ang kanyang kalikasan mula sa mga pag-uugaling ito” (“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Paulit-ulit kong sinubukan na malaman ang bawat salita ng Diyos, at inihambing ang mga ito sa aking sariling mga saloobin, mga salita at mga gawa, noon ko lamang nakita ang katotohanan. Ang dahilan kung bakit ako ay partikular na kinakabahan at napapailalim sa pagkontrol sa pulong ay hindi ba upang hayaan ang iba na bigyang-pansin ako o maglakip ng halaga sa akin? Hindi ba upang makakuha lamang ng mas mataas na kalagayan at magkaroon ng higit pang mga tao na tumingin ng mataas sa akin? Nang nadama kong ang mga lider ay nag-iisip ng mataas sa akin, naisip ko na ang aking sariling hinaharap ay puno ng pangako, at nakadama ng mas lalong mapagmataas at masigasig. Mula doon ay nakita ko ang likas na katangian ng sarili kong pagmamataas, lagi kong nais na tumayo nang mas mataas, upang mamamahala sa mga tao, upang magkaroon ng lugar sa mga puso ng mga tao, naghanap ako na katulad ni Pablo. Sa diwa, ang aking hinangad ay hindi upang sambahin o pasiyahin ang Diyos, kundi gamitin ang katayuan na ibinigay ng Diyos upang masiyahan ang sarili kong mga hangarin at ambisyon. Hindi ba’t ito ang tumpak kung paano ipinahayag ng arkanghel ang pagmamataas nito? Hindi ba’t nilakaran ko ang landas ng antikristo?

Noon nang dumalo ako sa mga pagpupulong ay madali akong napilitan, ngunit inisip ko na lamang na ako ay masyadong walang kabuluhan, at hindi ko sinuri ang mga bagay sa likuran. Ngayon pagkatapos ng pag-aaral ay nakilala ko na ito ay pinangungunahan ng isang arogante at palalong kalikasan, sa likod nito ay personal na pakana at mapagmataas na mga ambisyon. Ako ay napamunuan ng sarili kong pagmamataas, at gumawa ng labis laban sa Diyos: ako’y nagmadali sa pagtupad ng aking tungkulin at desperado na ipahayag ang aking sarili upang makakuha ng mas mataas na katayuan at makuha ang paghanga ng aking mga kapatid; nang inilatag ko ng lantad ang aking sarili sa harapan ng aking mga kapatid, hindi ko talaga pinag-aralan ang mga bagay na nakatagong malalim sa loob, sa halip nagsalita ako tungkol sa aking mga panlabas na kilos upang itaas ang aking sarili at magpatotoo sa aking sarili; nang ako ay kumain at uminom ng salita ng Diyos, hindi ito upang aking maunawaan o matanggap ang katotohanan, kundi upang magpakitang-gilas sa aking mga kapatid. ... Nang naisip ko ito ay sumukot ako: Hindi ako naglilingkod sa Diyos, ganap akong nakibahagi sa sarili kong mga gawain at nilabanan ang Diyos. Ngayon, kung hindi pinahintulutan ng Diyos na maunawaan ko ang sarili kong mapagmataas na kalikasan, at nakikita ko ang aking sarili bilang larawan ni Satanas, kung gayon ay ipagpapatuloy ko ang aking mga mapagmataas na mga paraan, at maaaring gumawa ng mga masasamang bagay na lumalaban at nagtataksil sa Diyos at sa gayon ay mapapailalim sa parusa ng Diyos.

Nagpapasalamat ako sa Diyos sa Kanyang napapanahon na pagliliwanag at patnubay na naghatid sa akin upang makilala ang sangkap ng aking sariling mapagmataas na kalikasan, at pinayagan akong makita na ako ay tumatahak ng daan ng antikristo; ang karanasang ito ay lalong nagpaalam sa akin na, sa aking karanasan ay hindi lamang ako dapat magbigay ng pansin sa pagkilala sa aking sariling mga pagbubunyag at mga pagsalungat kundi ipaghahambing ang mga ito sa katotohanan at pag-aaralan ang mga bagay na nakatago sa loob upang mas mahusay na maunawaan ang aking sariling kalikasan at upang makagawa ng mga pagbabago sa aking disposisyon. Sa hinaharap, nais kong maingat na masuri ang aking sariling kalagayan ng kaisipan at panloob na kalagayan, at maunawaan ang sarili kong tiwaling diwa, hanapin at makapunta sa tamang landas sa kaligtasan ng Diyos.
 

Category: Ang Patotoo ng isang Cristiano | Views: 125 | Added by: lih400847 | Tags: Pag-ibig ng Diyos, Ang Kaligtasan ng Diyos, Biyaya ng Diyos
Total comments: 0
avatar