11:35 PM
Bakit Hindi Makakapasok sa Kaharian ng Langit ang mga yaong Naghihintay Lamang sa Pagbabalik ng Panginoon sa Puting Ulap?

 

Naitala ng Bibliya na ang Panginoon ay nagpakita kay Tomas pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at sinabi Niya, "at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin" (Juan 20:27). "Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya" (Juan 20:29). Ang mga salita ng Panginoon ay mga babala at pag-iingat para sa atin sa ating pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw.

Sabi ng Diyos, "Si Tomas ay kumakatawan sa isang uri ng tao na naniniwala sa Diyos subalit pinagdududahan ang Diyos. Sila ay likas na mapagduda, mayroong masasamang puso, mga taksil, at hindi naniniwala sa mga bagay na makukumpleto ng Diyos. Hindi sila naniniwala sa kapangyarihang walang hanggan ng Diyos at sa Kanyang pamamahala, at hindi sila naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao. Gayunpaman, ang pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus ay isang sampal sa mukha nila, at nagbigay din ito ng isang pagkakataon sa kanila upang matuklasan ang kanilang sariling pagdududa, upang makilala ang kanilang sariling pagdududa, at upang makilala ang kanilang sariling kataksilan, kaya ito ang tunay na paniniwala sa pag-iral at sa pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus. Kung ano ang nangyari kay Tomas ay isang babala at isang babala para sa mga susunod na salinlahi nang upang mas maraming tao ang makakapagbabala sa kanilang mga sarili upang huwag maging mapagduda kagaya ni Tomas, at kung sila ay magkagayon, sila ay lulubog sa kadiliman. Kung ikaw ay sumusunod sa Diyos, ngunit gaya lamang ni Tomas, lagi mong nanaisin na mahipo ang tadyang ng Panginoon at madama ang Kanyang mga bakas ng pinagpakuan upang makatiyak, upang mapatunayan, upang manghula kung ang Diyos ba ay umiiral o hindi, pababayaan ka ng Diyos. Kaya, hinihiling ng Panginoong Jesus sa mga tao na huwag maging kagaya ni Tomas, pinaniniwalaan lamang kung ano ang kanilang makikita sa kanilang sariling mga mata, ngunit upang maging isang dalisay, tapat na tao, na huwag magkimkim ng mga pagdududa tungo sa Diyos, ngunit manampalataya lamang at sundin Siya. Ang ganitong uri ng tao ay pinagpala. Ito ay isang napakaliit na kahilingan na mayroon ang Panginoong Jesus para sa mga tao, at isang babala sa Kanyang mga tagasunod."
 
Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin na ang dahilan kung bakit nabigo si Tomas sa kanyang pananampalataya sa Diyos ay dahil siya ay napakatuso sa kanyang puso at laging nag-uuri sa pagitan ng tama at mali sa kanyang sariling mga mata, kumakapit sa pananaw na "Hindi maaasahan ang mga salita; hindi pinaniniwalaan hangga‘t hindi nakikita" sa kanyang paniniwala sa Diyos, at wala siyang puso na nagsasaliksik ng katotohanan. Sa huli, winasak niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang kabuktutan.
Ngayon, sa ilang pangunahing panlipunang mga plataporma, maraming mga tao ang nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na nang lihim at gumawa Siya ng grupo ng mga mananagumpay bago ang kapighatian. Ngunit maraming mga tao ang nagpupumilit na kapag lamang nakita nila sa sarili nilang mga mata ang Panginoong Jesus na bumababa sa ibabaw ng ulap, ay doon sila maniniwala. Kung gayon hindi ba sila gumagawa ng katulad ng pagkakamali ni Tomas? Ipinropesiya ng Aklat ng Pahayag na, "Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya" (Pahayag 1:7). Binalaan tayo ng Diyos na kapag nakita natin ang Panginoon na bumababa sa ibabaw ng ulap ay sa oras na ang yaong mga, lumaban sa Kanya at tumangging tanggapin ang Kanyang lihim na gawain, ay mananaghoy at magngangalit ng kanilang mga ngipin. Kung hindi natin isasantabi ang ating mga paniniwala at imahinasyon at hindi hahanapin o sisiyasatin ang gawain ng Diyos o pakikinggan ang tinig ng Diyos, tiyak na hindi natin masasalubong ang Panginoon at mawawalan ng pagkakataon na mailigtas at makapasok sa kaharian ng langit .
 
————————————————
 
Rekomendasyon: Pag-aaral ng Bibliya

 
Category: Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Views: 127 | Added by: lih400847
Total comments: 0
avatar