4:32 PM
Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

 

Changkai    Lungsod ng Benxi, Lalawigan ng Liaoning

Ang karaniwang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isa na kung saan ako ay masyadong personal na pamilyar. Ang aking asawa at ako ay mga partikular na walang kamuwang-muwang na tao: Pagdating sa mga bagay na sangkot ang aming mga personal na pakinabang o kawalan, hindi kami yung tipo na nakikipagtalo at nag-aabala sa iba. Kung dapat kaming maging matiisin naging matiisin kami, kung dapat kaming maging matulungin ginawa rin namin ang aming makakaya upang maging matulungin. Bilang resulta, madalas naming matagpuan ang aming mga sarili na nagulangan at naabuso ng iba. Talagang tila sa buhay, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos”—kung labis ang kabutihan sa iyong puso, kung masyado kang matulungin at mapagpakumbaba sa iyong mga gawain, ikaw ay nanganganib na maabuso. Ang gayong mga saloobin sa isipan, napagpasyahan ko na huwag hahayaan ang aking sarili sa lahat ng pang-aabusong ito at mamuhay pa sa pagkasiphayo: Sa mga bagay sa hinaharap at sa pakikitungo sa iba, panata ko na hindi na masyadong maging matulungin pa. Kahit matapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos, inilapat ko pa rin ang prinsipyo na ito sa pagsasagawa ng pag-uugali ko at mga pakikipag-ugnayan sa iba.

Sa isang punto, nakikipagtulungan ako sa isang kapatid na babae sa pagtutupad ng aming mga tungkulin. Madalas ipamukha ng kapatid na babaeng ito ang aking mga kawalang-kakayahan at mga pagkukulang; naramdaman kong sinasadya niyang hatakin ako pababa sa lahat ng paraan. Noong una’y naisip ko: Hindi madali kung nag-iisa ka nang malayo sa tahanan, subukang magtiis nang kaunti. Nang maglaon, gayunman, matapos ipakita ng kapatid na ito ang walang-humpay na mga pagbabatikos, naisip ko rin sa wakas ang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos.” Sumagi sa isip ko na marahil napansin ng kapatid na babaeng ito na masyado akong mabait kaya naman madaling puntiryahin at napagpasyahang gawing mahirap ang mga bagay sa akin sa pamamagitan ng pamumuna maging sa maliit at walang kabuluhang mga bagay. Napagpasyahan ko na hindi ko na tatanggapin o pagtitiisan pa ang ugali niya, kaya naman inipon ko ang lahat ng pinigilang lakas ng isang palengkera na nagpupumiglas sa loob ko at pinakawalan ang isang nagngangalit na pambabatikos, at tumigil lamang nang hindi na naglakas-loob pang magsalita kahit isang salita ang kapatid na ito. Di-nagtagal, hiniling ng kapatid na ito na makipag-usap ako sa kanya at sinabing natanto niya kung paano naging labis na hindi makatao ang kanyang nasabi at ikinilos at umaasa na nawa’y mapatawad ko siya. Sinabi rin niya na pinangasiwaan ng Diyos ang sitwasyong ito at ginamit ako bilang isang paraan upang harapin siya. Nang marinig ko ito, nagalak ako na aakalain mong ako’y isang apat-na-bituin na heneral na matagumpay na nakalabas mula sa isang digmaan. Higit pa rito, nakumbinsi ako nang husto na napakarami palang pakinabang ng pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos.”

Kamakailan lamang, habang binabasa ang “Ang 100 Kawikaan ni Satanas na Inaashan ng mga Tiwaling Tao sa Kanilang Pag-iral” na ibinigay ng iglesia, nakita ko ang isang sipi na nagsasabing: “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos.” … Ang sangkatauhan ay ginawang tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong taon at may mga hindi mabilang na mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas upang manipulahin ang isip ng mga tao. Dito ibubuod namin ang 100 panlilinlang na pinapahalagahan ng sangkatauhan bilang akmang mga kasabihan na magiging gabay nila habang nabubuhay. Ang mga panlilinlang na ito ay nangagkaugat na sa kaila-ilaliman ng puso ng tao; kung hindi naihanda sa mga katotohanan, ang mga tao ay lubusang walang kakayahang ilantad ang tunay na kalikasan ng mga panlilinlang na ito. Kung ang mga tao ay patuloy na kakapit pa sa mga panlilinlang ni Satanas bilang mga panuntunan at mga prinsipyo sa pamumuhay, hindi kailanman makakamit ng tiwaling sangkatauhan ang kaligtasan.” Matapos basahin ang siping ito mula sa pagbabahagi ay bigla akong natauhan, na parang kagigising lang mula sa isang mahabang panaginip: Ang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isang panlilinlang na nilikha ni Satanas para turuan ng kanyang paniniwala at gawing tiwali ang sangkatauhan. Hinihiling ng Diyos na sa ating mga pakikipag-ugnayan sa iba na dapat tayo ay marunong tumanggap, maging matiisin, mapagparaya, at mapagpatawad. Dapat tayo ay maalalahanin, magalang at mapagmahal sa iba. Sa kabaligtaran naman, ang prinsipyo ng buhay ni Satanas, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos,” ay mapaglalang na ginagabayan tayo palayo sa kabutihan at tungo sa kasamaan, tinuturuan tayong huwag maging masyadong mabait o mahinahon sa ating pakikitungo sa iba. Upang maprotektahan ang ating sarili, kailangan nating gawin ang "mata para sa mata, ngipin para sa ngipin," dapat matuto tayong maging matigas, mabangis at masama. Napagtanto ko na “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay kumakatawan sa isang panlilinlang, na kung saan ay kabaligtaran na sumasalansang sa katotohanan—ito ay lohika ni Satanas, kabilang ito sa pagiging negatibo ni Satanas, isang lason ng malaking pulang dragon. Gumagana si Satanas sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na "mga teoryang ito" upang manipulahin ang isip ng mga tao na magbalak laban sa isa't isa, walang awa kung pumatay, nakikibahagi sa sutil at walang katapusang kumpetisyon, hindi nagpapasakop sa sinuman hanggang sa walang matirang pagkatao sa loob nila. Sa ganitong paraan ang mga tao ay nagiging tiwali gaya ni Satanas mismo, malilibing kasama ng mga isinakripisyong bagay, at nakakamit ni Satanas ang layunin nitong gawing tiwali at lamunin nang buo ang sangkatauhan. Hindi ko maunawaan ang ilusyon at tinanggap ang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” bilang siyang katotohanan na dapat tanggapin at igalang. Naisip ko na hindi ako puwedeng maging masyadong mabait o matulungin, at ang pagiging matiisin o mapagparaya sa mga pakikitungo sa iba ay paraan ng mga hangal at ignorante at iiwan lamang akong mahina laban sa pandaraya at pang-aabuso. Sapagkat palagi kong pinanghahawakan ang panlilinlang na ito bilang kasabihang dapat isabuhay, nang ipamukha ng kapatid na babaeng ito ang mga pagkukulang ko upang tulungan akong kilalanin sila at magbago tungo sa ikabubuti, hindi lamang hindi ko tinanggap ang kanyang mga komento, naisip ko pa nga na tinutuya niya ako at pinupuna maging mga hindi mahalagang detalye. Bilang resulta, pinakawalan ko ang halimaw sa loob ko, kumilos gaya ng isang demonyo. Kahit na ibinaba ng kapatid ang sarili siya at hiningi ang aking kapatawaran, hindi ko pa rin natamo ang kaunawaan sa aking sarili o pakiramdam ng napahiya, ngunit sa halip ay nakaupo doon na labis na nalulugod, iniisip na sa wakas ay “tinanggap ng kapatid ang pagkatalo” dahil pinangatawanan ko ang aking kasabihang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos.” Yamang “nanalo sa tagumpay na ito,” naramdaman na higit akong nauudyukan upang itaguyod at papurihan ang kawikaan na ito ni Satanas. Talagang kakatwa, at katawa-tawa ako! Ganap na salungat ang pagkaunawa ko sa mga bagay, napagkamalang kabutihan ang isang kasamaan, talagang hindi ako maaaring mapagkatuwiranan! Ang pangwakas na gawain ng Diyos ay upang linisin ang sangkatauhan sa lason ni Satanas, at gamitin ang katotohanan upang baguhin ang kanilang tiwaling disposisyon. Sa aking sariling kaso, gayunpaman, hindi ko hinanap ang katotohanan, o nagsikap na kilalanin ang lason ni Satanas na umiiral sa loob ko, ni hindi ko isinabuhay ang katotohanan upang baguhin ang sarili ko. Sa halip, kumapit ako sa mga panlilinlang ni Satanas at tinanggihan ang katotohanan. Kung nagpatuloy ako nang tulad noon, malamang hindi ko kailanman nasimulang maunawaan ang sarili ko. Hindi ko kailanman matatamo ang katotohanan at magagawa ang pagbabago ng aking disposisyon. Sa katapusan, kinakailangan akong puksain ng Diyos, gaya ng kapalaran ni Satanas.

Salamat sa Diyos para sa Iyong pagliliwanag at pagpapalinaw, na pinahintulutan ako upang kilalanin na yaong kawikaan ni Satanas na “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay walang anuman kundi isang panlilinlang na ginagamit ni Satanas upang manipulahin ang isip at gawing tiwali ang sangkatauhan. Ang pariralang ito ay ginagamit bilang isang dahilan at kasangkapan ng tiwaling sangkatauhan upang ituloy ang pagsusumikap laban sa isa't isa. Ang parirala ay kontradiksyon sa katotohanan, at maaari lamang gawing tiwali at sirain ang sangkatauhan. Kung nakamit ng tao ang kanyang kabuhayan mula sa lason ni Satanas, kung siya ay kumikilos ayon sa mga kawikaan ni Satanas, higit lamang siyang magiging tiwali at masama. Siya ay unti-unting hindi magiging makatao at lalo pang sumasalansang sa Diyos, hiwalay sa Diyos. Hindi niya kailanman matatanggap ang kaligtasan ng Diyos. Makapangyarihang Diyos, panata ko na ilagay ang lahat ng aking pagsisikap sa Iyong mga salita at sa aking paghahangad ng katotohanan, nang sa gayon magawa kong kilalanin ang maraming uri ng kamandag ni Satanas sa loob ko, lubusang talikuran ang mga panlilinlang ni Satanas, at hindi na kikilos ayon sa mga kawikaan ni Satanas. Panata kong hanapin ang Iyong kalooban sa lahat ng bagay, at sundin ang Iyong salita, upang ang Iyong salita ay magkaugat nang malalim sa loob ng aking puso at maging mga kawikaan kung saan ginagawa ko ang mga bagay, ang mga pamantayan ng pagsukat sa sarili ko. Hayaan akong mamuhay nang buong pagkakaisa sa Iyong salita.

Category: Ang Patotoo ng isang Cristiano | Views: 144 | Added by: lih400847 | Tags: Ang Kaligtasan ng Diyos, Pag-ibig ng Diyos, Pananampalataya sa Diyos
Total comments: 0
avatar