9:00 PM
Sinong Nakakaalam ng Makainang Puso ng Diyos

 

Qingxin Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Sa nakaraan, hindi ko naunawaan ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng kanilang tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan. Iyon ang pagkamakatuwiran ng Diyos. Dahil dito sa aking maling pagkakaunawa, dinagdagan pa ng takot na mawalan ng tungkulin dahil sa mga nagagawang pagkakamali sa aking trabaho, may naisip akong “matalinong” paraan: Sa tuwing gagawa ako ng isang bagay na mali, sinisikap ko ang aking makakaya na huwag munang ipaalam sa mga pinuno, at agad na sinusubukang bumawi sa sarili ko at gawin ang lubos ng aking makakaya upang itama ito. Hindi ba makakatulong iyon kung gayon na mapanatili ko ang aking tungkulin? Kaya, tuwing magbibigay ako ng mga ulat tungkol sa aking trabaho, papaliitin ko ang malalaking isyu at ang maliliit na isyu ay papawalang saysay. Kung magsasawalang-bahala ako minsan, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang mapagtakpan ito sa harap ng mga pinuno at magpapanggap na tila lubos na aktibo at positibo, natatakot na iisipin ng mga pinuno na ako ay walang kakayahan at huminto sila na pagkatiwalaan ako. Kaya ganon na lang, mag-iingat ako nang husto sa harap ng Diyos at mga pinuno sa lahat ng aking ginagawa.

Gayunman, sinisiyasat ng Diyos ang puso ng mga tao, at ang aking “napakagaling na pandaraya” ay hinding-hindi makakatakas sa mata ng Diyos. Natuklasan ko na habang sinusubukan kong pagtakpan ang mga bagay-bagay, mas nilalantad ako ng Diyos sa liwanag. Halimbawa: Tuwing sinubukan kong ipagmalaki ang aking “talento” sa harap ng mga pinuno, parati akong magkakamali at magmumukhang tanga ang sarili ko; tuwing sinubukan kong pagtakpan ang sitwasyon kung saan wala akong pakialam, parating may lulutang na “maiitim na ulap” sa aking mukha na di sinasadya at malalaman ng aking mga kapatid; tuwing sinubukan kong pagtakpan ang mga kamalian o pagkukulang sa aking gawain, ang resulta ay parang isang salamin na nagbunyag ng lahat. … Paulit-ulit na kahihiyan at pagdurusa ng aking konsensya mula sa pagiging hindi tapat ang nagpabagsak sa akin, subalit hindi ko naunawaan sa mga ito ang mga intensyon at layunin kung bakit ganito ang pagkilos ng Diyos, ni hindi ko rin naunawaan kung paano iniligtas ng Diyos ang mga tao. Basta na lang ako naghintay nang walang pakialam sa pagdating ng “matuwid na paghatol ng Diyos”—para sa pakikitungo ng iglesia.

Ngunit ang katotohanan ay hindi nagpatuloy tulad ng aking inasahan: Sa aking trabaho, kahit na ako ay pinungusan at pinakitunguhan dahil sa hindi paggawa ng aking tungkulin nang maayos, ako ay nakatanggap ng maalalahaning pamamatnubay ng aking mga kapatid, na nagpapaalam sa akin kung ano ang pagtupad sa tungkulin nang tapat at kung ano ang paggawa lamang nang walang-malasakit. Naunawaan ko na maaari lamang matupad ng isang tao ang kanyang tungkulin nang maayos sa pamamagitan ng pagkilos nang alinsunod sa mga kahilingan ng Diyos. Tungkol naman sa pagpasok sa buhay, maraming beses na ako ay nasadlak sa masasamang pag-iisip na hindi ko mapupuksa, na nagdudulot ng matinding paghihirap sa aking puso. Gusto kong buksan ang aking puso at magkaroon ng komunikasyon, ngunit masyado akong nahihiya upang magsalita. Sa huli, ako ay nahulog sa kadiliman at nawala ang ginawa ng Banal na Espiritu. Ngunit pagkatapos kong ibigay ang lahat at magsalita, nakita ko na hindi lang ako sa hindi tinawanan o minata ng aking mga kapatid dahil doon, sa halip, tinulungan at pinangaralan nila ako, na nakatulong sa aking mabuhay sa liwanag at nakapagbigay sa akin ng landas ng pagsagawa at kapangyarihang talunin ang kasalanan. Nang naglaon, nakita ko na kapag ang mga kapatid na nasa paligid ko ay nakagawa ng pagkakamali o may ibinunyag na katiwalian, hindi sila pinauwi ng iglesia dahil dito. Sa halip, ginawa ng iglesia ang lubos nitong makakaya na makipag-usap at suportahan sila, binibigyan sila ng paulit-ulit na pagkakataon. Kahit na ang ilang tao ay pinauwi sa huli, ito ay dahil lamang sa kulang sila ng mabuting pagkatao; sila ay nakagambala at nakialam sa gawain ng iglesia, nabibigong gampanan ang papel ng pagiging positibo. Palagi silang magulo sa kanilang tungkulin, hindi nakapagtamo ng anumang praktikal na kinalabasan, at tumanggi pa ring magsisi kahit na matapos pungusan, pinakitunguhan, at kausapin nang maraming beses. Ngunit para sa mga naturang tao, ang iglesia ay hinihintay pa rin silang magsisi at magising. Kung talagang magnilay-nilay sila at magbago pagkatapos ng ilang panahon, bibigyan pa rin sila ng iglesia ng mga pagkakataong magsagawa at maghanda ng mabubuting gawa. Ang mga katotohanang ito ang nakapagpakita sa akin na ang ugali ng Diyos ay katulad ng kung paano tinatrato ng mga magulang ang pagbabalik ng kanilang alibughang anak—nang may di matutumbasang pag-ibig at pagmamahal. Noon lamang napagtanto kong kahit itinuturing ng Diyos ang mga tao nang may awa at pagmamahal, o kung ituturing Niya ang mga tao ng may katuwiran, kamahalan, at poot, ang lahat ng ito ay para iligtas ang sangkatauhan sa maaaring pinakamataas na antas. Sa loob ng lahat ng ito ay ang walang hangganang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at lahat ito’y napagpasiyahan ng Kanyang diwa. Sa pag-iisip sa kaloban ng Diyos, naisip ko ang mga nailantad, napalitan, o pinauwi sa tahanan; doon lamang sa loob ng ganoong uri ng kapaligiran ng pagkalantad at pagkaalis na nagsimula silang magnilay sa kanilang mga sarili, malinaw na makita ang katotohanan ng katiwalian nila sa pamamagitan ni Satanas, magpatirapa sila sa harapan ng Diyos at tunay na magsisi. Kapag wala ang ganoong uri ng kabiguan, sila marahil ay patuloy na bulag na gumagala sa ganoong landas. Malinaw na ang tunay na ginagawa ng gawain ng Diyos ay ang pagliligtas sa sangkatauhan at naglalaman ito ng Kanyang pagmamahal at mabubuting intensiyon para sa tao. Sa nakaraan, hindi ko talagang naunawaan ang Kanyang gawain ng pagliligtas; ang pagkaunawa ko sa Diyos ay talagang nasa isang panig lamang!

Sa sandaling iyon, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ano ang diwa ni Cristo? Para sa mga tao, ang diwa ni Cristo ay pag-ibig; para sa mga sumusunod sa Kanya, ito ay walang-hangganang pag-ibig. Kung wala Siyang pag-ibig o habag, ang mga tao ay hindi pa rin susunod sa Kanya. Ang sabi ng ilang tao: “Kung gayon hindi ba matuwid pa rin ang Diyos?” Tama na Siya ay matuwid pa rin, nguni’t mula sa pananaw ng Kanyang disposisyon, ang Kanyang pagkamatuwid ay pagkamuhi sa kasamaan at kabuktutan ng sangkatauhan. Paano kung mayroon lamang Siyang pagkamatuwid nang wala namang pag-ibig? Paano kung hindi madaig ng pag-ibig ang pagkamatuwid? Kung gayon masasabing tapos na ang sangkatauhan. Kaya, kinakausap ko kayo nang deretsahan: Sa gawaing ginagawa ng Diyos para sa sangkatauhan sa panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, ang Kanyang pinakamaliwanag at kitang-kitang diwa ay pag-ibig; ito ay walang limitasyong pagpaparaya. Isipin ninyo, “Kung gusto ng Diyos na pabagsakin ang isang tao, gagawin Niya, at kung namumuhi Siya sa isa, parurusahan Niya, susumpain, hahatulan, at kakastiguhin ang taong iyon; napakahigpit Niya! Kung Siya ay galit sa mga tao, ang mga tao ay manginginig sa takot at hindi makakatayo sa harapan Niya.” Gayunpaman, hindi iyan totoo; isa lamang itong paraan ng pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos. Sa huli, ang layunin pa rin Niya ay pagliligtas. Ang pag-ibig Niya ay nakikita sa lahat ng mga kapahayagan ng Kanyang disposisyon. Pakaisipin ito, habang gumagawa sa katawang-tao, ang pinakanaihahayag ng Diyos sa mga tao ay pag-ibig. Ano ang pagtitiis? Ang pagtitiis ay pagkakaroon ng awa dahil may nakapaloob na pag-ibig, at ang layunin nito ay iligtas pa rin ang mga tao. Kayang kaawaan ng Diyos ang mga tao dahil may pag-ibig Siya. Gaya ng kung may tunay na pag-ibig sa pagitan ng asawang-lalaki at asawang-babae, hindi nila tinitingnan ang mga pagkukulang at mga pagkakamali ng isa’t isa. Kapag napukaw ang kanilang galit, makakapagtiis pa rin sila. Ang lahat ng bagay ay natatatag sa pundasyon ng pag-ibig. Kung puno sila ng poot, kung gayon ang saloobin nila ay hindi magiging ganoon, ang mga pagpapahayag nila ay hindi magiging ganoon. Kung ang Diyos ay nagkaroon lamang ng pagkamuhi at galit, at humahatol lamang at kumakastigo, nang walang pag-ibig sa mga ito, kung gayon ang sitwasyon ay hindi magiging kung ano ang nakikita ninyo ngayon at babagsak sa inyong mga tao ang kalamidad. Pagkakalooban ba Niya kayo ng katotohanan?” (“Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos Para sa Sangkatauhan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nung nakita ko ang sipi na ito noong nakaraan, kahit na sasabihin ko na tinatanggap ko ito, hindi ko talaga naunawaan ito at puno pa rin ng kawalan ng tiwala at pagiging maingat sa Diyos. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaunting tunay na pag-unawa sa mga salitang ito at makakayang pahalagahan na ang mga ito ay may napakaraming nilalaman. Ang mga puwang sa pagitan ng mga linya ay puno ng matinding pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan at ng Kanyang magandang intensyon na pagtutustos, pagbibigay suporta at pagtuturo ng mga ito.

Sa puntong ito, hindi ko mapipigilang magkaroon ng matinding pakiramdam ng pagkakasala sa Diyos sa aking puso: O Diyos! Sa lahat ng oras na ako'y sumunod sa Iyo, kahit na naniwala ako sa Iyo, hindi Kita kilala. Hindi lang ako nagkaroon ng bulag at maling pagkakaunawa ng Iyong makainang puso, nakapagdulot din ako sa Iyo ng matinding sakit. Ako ay talagang hindi karapat-dapat na humarap sa Iyo, at lalong hindi karapat-dapat sa Iyong pagliligtas. Ako ay karapat-dapat lamang sa Iyong sumpa! Ngunit ang paraan kung paano mo ako itinuturing ay hindi batay sa aking pagiging suwail. Sa halip, matindi Mo akong pinupuri, kinaaawaan at pinagpaparaya, pinatatamasa sa akin ang Iyong pagmamahal at biyaya, at hinahayaang makita ang Iyong kagandahan at kabutihan, at maranasan ang pagiging praktikal ng Iyong salita—ang Diyos ay matuwid at higit pa rito, Siya ay pag-ibig! Mula ngayon, nais kong higit na makilala ang Iyong pagiging kaibig-ibig sa pamamagitan ng Iyong salita at sa tunay na buhay, at magsikap na maging isang matapat na tao, na nagmamahal sa Iyo, at matapat na tuparin ang aking tungkulin upang suklian ang Iyong dakilang pag-ibig!

Category: Ang Patotoo ng isang Cristiano | Views: 125 | Added by: lih400847
Total comments: 0
avatar