11:35 PM
Tagalog Christian Movies | "Ang Sandali ng Pagbabago" The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven



Tagalog Christian Movies | "Ang Sandali ng Pagbabago" The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven

Si Su Mingyue ay isang pastor ng isang bahay-iglesiang Kristiyano sa mainland China. Noon pa ma’y dama na niya na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala, napatawad na ng Panginoon ang ating mga kasalanan, magbabago kaagad ang ating anyo para maging banal at maiakyat sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, nagsimulang magduda ang ilang kapanalig. Dahil patuloy pa rin tayong nagsisinungaling at nagkakasala, talaga bang maiaakyat tayo sa kaharian ng langit? Lubos na nalito si Su Mingyue. Sa huli, sa pamamagitan ng pakikipagdebate at pakikipag-usap sa mga pastor ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa wakas ay natagpuan din ni Su Mingyue ang tanging landas patungo sa kaharian ng langit …

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Category: Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo | Views: 131 | Added by: lih400847 | Tags: Tagalog Christian Movies, Ang Kaligtasan ng Diyos, Kristianong video
Total comments: 0
avatar