9:23 PM
Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ito ang Pagsasagawa ng Katotohanan

 

Fan Xing Lungsod ng Zhumadian, Lalawigan ng Henan

Sa nakaraan, ipinares ako sa isang kapatid na babae para sa ilang tungkulin. Dahil ako ay mapagmataas at makasarili at hindi naghanap ng katotohanan, mayroon na akong paunang nabuong mga ideya tungkol sa kapatid na ito na lagi kong itinatago sa aking puso at hindi hayagang sinasabi sa kaniya. Nang kami ay magkahiwalay, hindi ako nakapasok sa katotohanan ng isang magandang samahan sa gawain. Sa bandang huli, iniayos ng iglesia na ako ay magtrabaho kasama ng isa pang kapatid na babae at ako ay bumuo ng isang pasiya sa harap ng Diyos: Mula ngayon, hindi ko tatahakin ang mga landas ng kabiguan. Natuto na ako ng aking aral kaya sa pagkakataong ito ay tiyak na magkakaroon ako ng higit na bukas na pakikipag-usap sa kapatid na ito at magkaroon ng magandang samahan sa gawain.

Tuwing magkakaroon ng alitan o puwang sa pagitan namin habang magkasamang tinutupad namin ang aming mga tungkulin, uunahin ko nang makipag-usap sa kapatid at sabihin ang nasa aking puso. Tatanungin ko siya kung aling mga aspekto ang hindi ko ginagawa nang tama. Ituturo naman ng kapatid na ako ay mapagmataas at makasarili at lagi kong hindi tinatanggap ang kaniyang mga kuru-kuro sa aming mga pag-uusap. Sabi niya na kung minsan ay babanggitin ko ang kaniyang kalagayan at papangalanan siya ng di-makatarungan, at sa mga pagtitipon ay gumagawa ako ng lahat ng desisyon tungkol sa pagbasa ng mga salita ng Diyos. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa lahat ng bagay na sinabi ng kapatid tungkol sa akin. Inisip ko: “Sapagkat sabi mo ay mapagmataas ako, magsasalita ako nang may higit na pagpapakumbaba mula ngayon at magbigay-atensiyon sa pagsasalita ng may kabuluhan at kagalingan. Kapag may matuklasan akong anumang suliranin na mayroon ka, pagagaanin ko ang mga ito kapag babanggitin ko. Kung hindi mo makilala ang mga ito, hindi ako magsasalita tungkol dito. Sa mga pagtitipon, kakainin ko at iinumin ko anuman ang sasabihin mo sa aking kainin at inumin, at pakikinggan ko ang lahat ng sasabihin mo. Hindi ba nito malulutas ang lahat ng usapin?” Pagkatapos ay hindi mo na sasabihin na hindi ako makakagawa kasama ng sinuman dahil sa aking pagmamataas. Pagkaraan nito, sinimulan ko nang isagawa ito. Bago magsalita, iniisip ko paano ko maiiwasan ang pagkontra sa ideya ng kapatid. Kapag hindi nagtugma ang aming mga kuru-kuro, igagalang ko ang kaniyang kuru-kuro at gagawin ang kaniyang ideya. Kapag nakita ko ang kapatid na may ginagawa sa maling paraan, hindi ko malinaw na ipaliliwanag ito sa kaniya. Ngunit pagkaraan ng ilang panahon ng ganitong pag-aasal, napagtanto ko na ang aking ideolohiyang “talikdan ang laman at isagawa ang katotohanan” ay hindi nagpabago ng aming ugnayan sa anumang paraan. Sa halip, lalo nitong pinagtibay ang kaniyang mga kuru-kuro tungkol sa akin. Nang makita ko ang mga resultang ito, naramdaman kong ako ay natrato nang mali. Inisip ko: “Sinubukan ko nang gawin ang aking pinakamakakaya upang maisagawa ang katotohanan, bakit hindi ito umuubra? Hindi madaling pakisamahan ang kapatid, wala siya kahit katiting na katwiran.” Sa gayon, lumubog ako sa pagiging negatibo at ang puso ko ay lubhang nasaktan.

Isang araw, isang pinuno ang dumating sa amin upang tingnan ang aming gawain at tanungin ang aming naging lagay sa ganitong panahon. Sinabi ko ang aking naging kalagayan. Pagkaraang makinig, sinabi ng pinuno: “Ang paraan mong ito ay hindi pagsasagawa ng katotohanan. Ikaw ay hindi dalisay sa loob. Ginagawa mo ito para sa sarili mong layunin at hindi ka kumikilos ayon sa katotohanan.” Kasunod nito, binasa namin ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. Sinabi Niya: “Sa tingin, mukhang isinasagawa mo ang katotohanan, ngunit ang totoo, ang likas na mga kilos mo ay hindi nagpapakita na isinasagawa mo ang katotohanan. Maraming taong naniniwala, kapag may ilang ugali silang ipinapakita, na ‘Hindi ko ba ginagawa ang aking mga tungkulin? Hindi ko ba tinalikuran ang pamilya at trabaho ko? Hindi ko ba isinasagawa ang katotohanan sa pagtupad ng aking mga tungkulin?’ Ngunit hindi kinikilala ng Diyos na isinasagawa mo ang katotohanan. Lahat ng tao na ang mga kilos ay may bahid ng mga personal ng motibo at layon ay hindi nagsasagawa ng katotohanan. Ang totoo, malamang na isumpa ng Diyos ang ganitong klaseng pag-uugali; hindi Niya ito pupurihin o maaalala. Kung mas susuriin pa ito, gumagawa ka ng masama at ang pag-uugali mo ay kontra sa Diyos. Sa tingin, mukhang umaayon sa katotohanan ang mga ginagawa mo: Wala kang inaabala o ginagambalang anuman at wala ka talagang nasira o nalabag na anumang katotohanan. Mukhang makatwiran at makatarungan iyon, subalit ang diwa ng iyong mga kilos ay patungkol sa paggawa ng kasamaan at paglaban sa Diyos. Samakatuwid ay dapat kang magpasiya kung mayroon nang pagbabago sa iyong disposisyon at kung isinasagawa mo ang katotohanan sa pagtingin sa mga intensyon sa likod ng iyong mga kilos ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi iyon natutukoy sa mga salita o opinyon ng tao. Bagkus, depende iyon sa pagsasabi ng Diyos kung sumusunod ka o hindi sa Kanyang kalooban, kung mayroong realidad ng katotohanan o wala sa iyong mga kilos, at kung tumutugon ang mga ito o hindi sa Kanyang mga hinihiling at pamantayan. Ang pagsukat lamang sa iyong sarili ayon sa mga hinihiling ng Diyos ang tumpak” (“Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Iyong Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Ang mga naiisip ng tao ay karaniwang maganda at matuwid sa tingin ng mga tao at tila ang mga ito ay hindi gaanong lalabag sa katotohanan. Pakiramdam ng mga tao ang paggawa ng mga bagay-bagay sa ganoong paraan ay pagsasagawa ng katotohanan; sa palagay nila ang paggawa ng mga bagay-bagay sa paraang iyon ay magiging pagpapasailalim sa Diyos. Sa totoo lang, hindi sila tunay na naghahanap sa Diyos o nananalangin sa Diyos tungkol dito; hindi sila nagsusumikap na gawin ito nang mabuti alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, upang bigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Wala silang angking ganitong totoong kalagayan; wala sila ng ganoong pagnanasa. Ito ang pinakamalaking kamalian ng mga tao sa kanilang mga pagsasagawa. Naniniwala ka sa Diyos, nguni’t hindi mo iniingatan sa iyong puso ang Diyos. Paano ito hindi isang kasalanan? Hindi mo ba dinadaya ang iyong sarili? Anong uri ng mga bunga ang nakukuha mo kung patuloy kang naniniwala sa ganyang paraan? Bukod pa riyan, paano naipapamalas ang kabuluhan ng paniniwala sa Diyos?” (“Ang Paghahanap sa Kalooban ng Diyos ay Alang-alang sa Pagsasagawa ng Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sinubukan kong unawain ang mga salita ng Diyos at inihambing ang mga iyon sa aking tinawag na kalagayan ng “pagsasagawa ng katotohanan.” Nagliwanag ang aking puso. Kaya, ang pamamaraan ng paggawa ko ng mga bagay ay hindi naglalayong bigyang-kasiyahan ang Diyos. Naglayon itong pangalagaan ang sarili kong mapagmalaking dignidad. Natakot akong sabihin ng pinuno na ang kalikasan ko ay may mali, na hindi ako naghanap ng katotohanan, at hindi ako nakisama nang mahusay sa kahit kanino. Higit pa roon, naisip kong pagkukunwari iyon upang mapadali ang pakikisama ko sa kapatid at humiwalay sa kahihiyan at sakit na bunga ng alitan. Inisip kong tutubusin nito ang imahen ko sa ibang tao at hayaang makita nilang ako ay nagbago na. Maaaring makita na ang aking tinawag na “pagsasagawa ng katotohanan” ay para sa aking sariling mga layunin. Lahat ng ito ay ginawa sa harap ng iba at hindi isinagawa batay sa pagnanais na bigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi ko kinamuhian ang sarili ko at tunay na tinalikdan ang laman dahil hindi ko batid ang aking sariling pagmamataas at makasariling kalikasan. Sa paglilimi sa paggawa kasama ang kapatid, ito ay dahil hindi ko nakilala ang aking pagmamataas at makasariling kalikasan, at dahil mataas ang pagtingin ko sa sarili at laging iniisip na mas magaling ako kaysa sa iba na kapag magsasalita ako, di ko pansin na ako ay nakatuntong sa isang pedestal at minamaliit ang iba. Kapag pinamamahalaan ang mga bagay, gustong-gusto kong ako ang nangangasiwa; ginagawa ko ang mga bagay sa sarili kong paraan, at hindi kailanman sinasangguni ang ideya ng ibang tao. Nang punahin ang mga suliraning ito na nasa akin ng kapatid, hindi ko hinanap ang angkop na katotohanan upang masuri at maunawaan ang diwa ng aking kalikasan. Higit pa roon, hindi ko hinanap kung paano ko ito dapat isasagawa ayon sa pangangailangan ng Diyos at ayon sa katotohanan. Binago ko lamang ang aking ilang paimbabaw na gawi, iniisip na dahil itinigil ko na ang paggawa ng ilang bagay na mali, ay isinasagawa ko na ang katotohanan. Ang totoo, lahat ng isinasagawa ko ay katotohanan ayon sa aking sariling mga paniniwala. Lahat ay panlabas na gawi at walang kinalaman sa mga salita ng Diyos. Hindi kikilalanin ng Diyos na isinasagawa ko ang katotohanan. Dahil hindi ako nagsasagawa ayon sa pangangailangan ng Diyos at hindi nagsasagawa ayon sa katotohanan, at lahat ng ginawa ko ay ginawa ko upang bigyang-kasiyahan ang sarili kong mga personal na kagustuhan at maabot ang sarili kong mga layunin, sa gayon ang aking mga gawi ay masama sa paningin ng Diyos; ito ay paglaban sa Diyos.

Pagkatapos kong matanto ito, sinadya kong pagsamahin ang salita ng Diyos upang maunawaan ang sarili kong masama na kalikasan sa buhay. Nang mailahad ko ang aking kasamaan o nalaman kong ang aking kalagayan ay hindi tama, hayagan kong inilahad ang aking katayuan at sinuri ito at hinanap ang pinagmumulan ayon sa salita ng Diyos. Nang gawin ko ito, ang aking pagsasalita at gawi ay naging natural na mahina, at nalaman ko ang katayuang dapat kong tindigan. Nagkaroon ako ng paggalang sa mga tao at sumang-ayon nang may tiyaga. Ang pagtalikod sa laman ay naging lalong magaan at maaari din kaming magkaroon ng puso-sa-pusong pag-uusap. Ang aming pagsasamahan ay naging lalong mas maganda kaysa sa nakaraan.

Sa pamamagitan ng mga karanasang ito, naunawaan ko na ang pagsasagawa ng katotohanan ay dapat nakabatay sa salita ng Diyos at dapat na itatag sa mga prinsipyo ng katotohanan. Kapag iniwan ng isa ang salita ng Diyos, lahat ay magiging paimbabaw na gawi, na, paglalagay ng katotohanan ng kanilang sariling mga paniniwala sa pagsasagawa. Kahit na gawin ko ang mga bagay nang mahusay at tama, hindi pa rin ito maituturing na pagsasagawa ng katotohanan, at lalong hindi ito magdadala ng mga pagbabago sa disposisyon ng aking buhay. Mula ngayon, kahit na anuman ang aking ginagawa, nais kong ang mga salita ng Diyos ang maging mga prinsipyo ng aking mga gawi at buong-buong isasagawa ang salita ng Diyos upang ng aking asal ay magiging ayon sa katotohanan at sa kalooban ng Diyos at kamtin ang kasiyahan ng Diyos.

Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/testimonies/what-it-means-to-practice-truth.html


——————————————

Magrekomenda nang higit pa:Ano ang katotohanan
Category: Ang Patotoo ng isang Cristiano | Views: 106 | Added by: lih400847
Total comments: 0
avatar