11:53 PM
Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo| Ang Tunay na Kahulugan ng Paghihimagsik Laban sa Diyos

 

Zhang Jun Lungsod ng Shenyang, Lalawigan ng Liaoning

Sa nakaraan, naniwala ako na ang “paghihimagsik laban sa Diyos” ay nangahulugang pagtataksil sa Diyos, pag-alis sa iglesya, o pag-iwan ng isa sa kanyang tungkulin. Inisip ko na ang mga pag-uugaling ito ang bumuo ng paghihimagsik. Samakatuwid, tuwing narinig ko ang mga taong nagpapakita ng gayong mga ugali, ipapaalala ko sa aking sarili na hindi ako dapat maghimagsik laban sa Diyos katulad ng ginawa nila. Bukod dito, naging maingat ako sa lahat ng aking mga pagsusumikap at sinunod ang lahat ng mga gawain na itinalaga sa akin ng iglesia. Ako ay hindi umatras sa aking tungkulin nang ako ay pakitunguhan at pungusin ni umalis sa iglesia nang ako ay sinubok, anuman ang hirap. Kaya, naniwala ako na hindi ako kailanman naghimagsik laban sa Diyos. Nadama ko na nagkaroon na ako ng kaunting katayuan at nagtiwalang susundin ko ang Diyos hanggang sa wakas at sa huli ay kakamtin ang kaligtasan.

Isang araw sa espirituwal na paglilinang, nabasa ko ito sa sermon: “Mayroong iba’t ibang uri ng paghihimagsik laban sa Diyos. Ang isang uri ng paghihimagsik ay ang paglaban sa Kanyang kalooban o paglaban sa Kanyang mga salita; ang isa pang uri ay ang pagkakaroon ng mapagmataas na disposisyon, pagkawala ng Diyos sa puso niya, at sa gayon ay nagmamalaki at lumalaban sa Diyos; ito ang paghihimagsik ng pagsuway at paglaban sa Diyos; may isa pang uri, kung saan ang paghihimagsik ng pagbebenta at pagtalikod sa Diyos. … Ang mga mapanghimagsik na pag-uugali na madalas nating binabanggit sa pagbabahagi ay pangunahing tumutukoy sa unang dalawang uri. Ito ay sapagka’t ang mga nagbebenta at nagtatakwil sa Diyos ay hindi saklaw ng pagliligtas ng Diyos, at ang mga mapaghimagsik na pag-uugali na nabanggit sa mga salita ng Diyos ay ang unang dalawang uri din; ang ikatlong uri ng paghihimagsik ay hindi nababanggit. Hindi tayo dapat magkamali ng pag-unawa o pagpapakahulugan sa mga intensiyon ng Diyos, at naniwalang ang pagtataksil o pagtalikod lamang sa Kanya ang maaaring tawaging paghihimagsik laban sa Diyos, na para bang ang paglaban sa Kanyang salita o pagkakaroon ng mapagmataas na disposisyon ay hindi isang uri ng paghihimagsik. Ito ay tulad ng isang panig na pag-unawa! Kaya ano talaga ang paghihimagsik? Paano ito dapat makilala ng mga tao? Ayon sa salita ng Diyos, ang lahat ng mga bagay na hindi kaayon sa Diyos ay Kanyang mga kaaway, at lahat ng mga bagay na lumalaban sa mga salita ng Diyos ay naghihimagsik laban sa Kanyang mga salita. Ang paghihimagsik laban sa mga salita ng Diyos ay paghihimagsik laban sa Diyos; at ang pagkilos bilang Kanyang kaaway ay paghihimagsik din laban sa Kanya. Tila ang dalawang prinsipyong ito ay hindi kaayon ng mga pagkaunawa ng tao, nguni’t ito nga ang tunay na diwa ng problema” (Ang Pagbabahagi Mula sa Itaas). Pagkatapos mabasa ang pakikipag-isa, natanto ko na ang paghihimagsik laban sa Diyos ay hindi lamang pagtataksil sa Kanya, pag-alis sa iglesia, o pag-iwan ng tao sa kanyang mga tungkulin. Sa halip, ang paglabag sa kalooban ng Diyos o sa Kanyang salita, at ang paglaban sa Kanya ay mga paraan din ng paghihimagsik. Sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu, sinimulan kong pag-isipan ang aking mga gawi. Ninanais ng Diyos na hanapin natin ang katotohanan at baguhin ang disposisyon habang tinutupad natin ang ating mga tungkulin. Nguni’t, nakatuon ako sa gawain at pagkakaroon ng mas mataas na katayuan sa loob ng iglesia kapag tinutupad ang aking tungkulin. Hinihiling ng Diyos na tuparin natin ang ating mga tungkulin nang tapat, sundin ang Kanyang kalooban kapag nahaharap sa mga paghihirap, at talikuran ang laman upang isagawa ang katotohanan. Nguni’t lagi kong hinahangad ang paraan na nangangailangan ng pinakamaliit na pagsisikap sa pagtupad ng aking tungkulin, at nililinlang ang Diyos sa aking katamaran. Nagmamalasakit lamang ako sa aking laman sa mga panahon ng kahirapan, dumadaing sa hirap at nananamad sa aking tungkulin. Naisip ko ring umayaw na bilang paraan ng pagtakas sa aking mga tungkulin. Hinihingi ng Diyos ang lubos na katapatan at kumpletong debosyon. Sa harap ng Diyos, ang aking isip ay madalas napupuno ng tungkol sa aking pamilya at mga kamag-anak. Hinihingi ng Diyos na matuto tayo ng mga aral sa lahat ng mga bagay at pumasok sa katotohanan ng Kanyang salita upang tayo ay mapeperpekto ng Diyos. Kapag nakakatagpo ako ng mga hindi kanais-nais na tao o bagay, natitigilan ako sa pag-iisip na ang lahat ng bagay ay bahagi ng plano ng Diyos at nakikita ang aking sarili na laging umiindayog sa pagitan ng tama at mali. Hinihingi ng Diyos na pumasok tayo sa katotohanan at tanggapin ang pagliligtas ng Diyos sa iba’t ibang sitwasyon at pagsubok sa kahirapan na inayos Niya para sa atin. Kapag nakatagpo ako ng pakikitungo, pagpungos, sagabal, o pagkabigo, hindi ko nauunawaan at sinisisi ko ang Diyos. Nakakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa sa daang hinaharap, nawawalan ng pagtitiwala sa Diyos, at pinag-iisipan maging ang pag-alis sa iglesia. Hinihiling ng Diyos na tayo ay maging mataimtim, praktikal, at mabisa sa ating espirituwal na buhay. Gayunpaman, madalas akong sumunod sa mga regulasyon at pamamaraan, at magsagawa ng mga relihiyosong ritwal. Hinihiling ng Diyos na dakilain natin at patotohanan Siya sa ating gawain at dalhin ang mga tao sa Kanya. Gayunpaman, dinadakila ko at pinatototohanan ang aking sarili, dinadala ang iba sa harapan ko upang sila ay humanga at lumapit sa akin. Hinihiling ng Diyos na gamitin natin ang katotohanan upang lutasin ang ating mga problema. Nagyayabang ako at nagsasalita ng mga sulat at doktrina, nililimitahan ang iba sa pamamagitan ng regulasyon, nilulutas ang mga problema ayon sa mga paraan ng tao, at sinusupil ang ibang may katayuan. Hinihiling ng Diyos na mahigpit nating gawin ang ating mga tungkulin ayon sa mga kaayusan sa gawain. Madalas kong gampanan ang aking tungkulin batay sa sarili kong mga intensyon, ginagawa ang mga bagay sa paraang itinuturing kong angkop. … Hindi ba lahat ng mga kilos na ito ay paglabag sa kalooban ng Diyos at sa Kanyang salita at pagsalungat sa Diyos? Hindi ba ang mga pagkilos na ito ay bumubuo ng paghihimagsik laban sa Diyos?

Sa sandaling ito, hindi ko maiiwasan kundi makadama ng pangamba. Lumalabas na naghimagsik ako nang hindi sinasadya laban sa Diyos sa lahat ng aking mga aksyon habang may maling paniniwalang ang paghihimagsik ay nangangahulugang pagtataksil sa iglesia, pag-alis sa iglesia, o pagtalikod sa mga tungkulin ng isang tao. Walang kahiya-hiya kong inisip na ang aking katayuan ay nagtangi sa akin mula sa paghihimagsik laban sa Diyos. Ako ay naging isang dayuhan sa aking sarili, at ang aking pang-unawa sa salita ng Diyos ay payak at mababaw. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Naibunyag ng Diyos ang kalikasan at diwa ng pagkatao, subali’t nauunawaan ng mga tao na ang kanilang paraan nang paggawa ng mga bagay-bagay at kanilang paraan ng pananalita ay may kapintasan at depektibo; samakatuwid isang nakapapagod na gawain para sa mga tao na isagawa ang katotohanan. Iniisip ng mga tao na ang kanilang mga pagkakamali ay pansamantalang mga pagpapakita lamang, na basta na nabubunyag sa halip na pagiging mga kapahayagan ng kanilang kalikasan” (“Pag-unawa sa Kalikasan at Pagsasagawa ng Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Ang kalikasan ng tao ay ang kanilang buhay, ito ay isang prinsipyo na inaasahan nila upang makaligtas, at hindi nila maaaring baguhin ito. Katulad ng kalikasan ng pagkakanulo—kung maaari kang gumawa ng isang bagay upang ipagkanulo ang isang kamag-anak o kaibigan, ito ay nagpapatunay na bahagi ito ng iyong buhay at ipinanganak kang may ganitong kalikasan. Ito ay isang bagay na hindi maitatanggi ninuman” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Iyon ay hindi maitatangging totoo. Hindi ba ako ang eksaktong uri ng tao na mag-alala sa mga paimbabaw na bagay nang walang malinaw na pag-unawa sa aking kalikasan? Ang mga pag-uugali ng mga tao ay pinapangibabawan ng kanilang kalikasan, at ang kanilang disposisyon ay isang pagpapahayag ng kanilang kalikasan. Kung ang paghihimagsik ay nakatanim sa kalikasan ng tao, samakatuwid ang tao ay tiyak na maghihimagsik laban sa Diyos. Hindi ito usapin ng pagiging maingat. Gayunpaman, hindi ako nagmalasakit sa pagkilala sa aking kalikasan. Sa halip, nasiyahan ako sa pagsunod sa ilang mga panlabas na gawi, na humahadlang sa akin sa paghahanap ng katotohanan at pagbabago ng aking disposisyon, kahit na sumunod ako sa Diyos nang maraming taon. Patuloy akong nabuhay na may isang mapaghimagsik na kalikasan. Kung patuloy ko itong gagawin, sa isang kaaya-ayang kapaligiran, hindi ko maiiwasan na mapangibabawan ako ng aking kalikasan, pagtaksilan at talikuran ang iglesia. Ito ay isang talagang mapanganib na landas!

O Diyos, salamat sa pagpapakita Mo sa akin ng katotohanan hinggil sa aking mga maling paniniwala tungkol sa paghihimagsik laban sa Iyo. Pinayagan mo akong maunawaan na ang pagpapabaya at paglabag sa Iyong salita ay mga paraan ng paghihimagsik, at ipinakita sa akin na lagi akong nasa panganib ng paghihimagsik laban sa Iyo, pagtataksil sa Iyo, at pag-iwan sa Iyo. Mula sa araw na ito, handa akong magtuon sa Iyong salita at ituon ang aking mga pagsisikap sa pagninilay sa totoong kahulugan ng Iyong salita, upang tunay na maunawaan ang diwa ng katotohanan at pahintulutan ang aking sarili na pumasok at isagawa nang tumpak ang katotohanan. Pagsisikapan kong itaguyod ang Iyong salita sa lahat ng mga pagkakataon at ituwid ang aking pagiging mapaghimagsik.

Category: Ang Patotoo ng isang Cristiano | Views: 117 | Added by: lih400847 | Tags: paniniwala, Pananampalataya at Buhay, Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa
Total comments: 0
avatar