7:05 PM
Tagalog Christian Songs | Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya

Tagalog Christian Songs | Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya

I

Umaasa ang Diyos na kapag iyong nauunawaan

ang tunay na bahagi Niya,

sa Kanya'y ikaw ay lalong mapapalapit;

tunay mong mapapahalagahan ang pag-ibig N'ya

at malasakit N'ya sa sangkatauhan;

puso mo'y ibibigay sa Kanya,

wala nang mga alinlangan

at wala nang mga hinala sa Kanya.

Palihim Niyang ginagawa ang lahat para sa tao.

Kanyang sinseridad, katapatan,

at pag ibig ay lihim na ibinigay sa tao.

'Di Siya ngsisisi sa Kanyang mga ginagawa;

ni may hinihintay na kapalit sa tao,

o may inaasahang anuman sa kanila.

Ang tanging layunin ng ginagawa N'ya ay tunay

na pananampalataya at pag-ibig.

II

Pag tunay na alam ng puso mo ang disposisyon ng D'yos

at may pagpapahalaga sa Kanyang diwa,

madarama mong nasa panig mo ang D'yos,

madarama mong nasa panig mo ang D'yos.

Ito ang totoo!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Category: Mga Video ng mga Sayaw at Kanta | Views: 119 | Added by: lih400847 | Tags: Awit ng Pagsamba, Diyos ay Pag-ibig, Tagalog praise and worship Songs
Total comments: 0
avatar