9:28 PM
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan | Tanging sa Pag-unawa ng Katotohanan Mo Tunay na Makikilala ang Iyong Sarili

Wenwen Changchun City, Probinsya ng Jilin

Sa palagay ko, lagi kong inisip na hangga’t angkop ang panlabas na pagsasagawa kung saan hindi nakikita ng mga tao ang anumang katiwalian, kung gayon iyon ay itinuturing na pagbabago. Samakatuwid, binigyan ko ng espesyal na pansin ang mga panlabas na pagsasagawa sa lahat ng ginawa ko. Ang iniintindi ko lang ay kung ang aking mga pagsasagawa ay tama o mali, at hangga’t makatuwiran ang aking panlabas na pag-uugali at pagsasagawa, okey lang ako. Kapag nahaharap sa pagpupungos, ang iniintindi ko lamang ay kung mayroong mali sa aking pagsasagawa. Makukumbinsi lamang ako kung pinabulaanan ako sa aking mga pagsasagawa. Hindi ko tatanggapin ang mga karagdagang komunikasyon tungkol sa pagkilala sa aking tiwaling kalikasan. Nang maglaon, sinabi sa akin ng mga kapatid na maaari lamang magbago ang isang tao sa kanyang disposisyon sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang kalikasan, at hindi ko pa nakilala ang aking kalikasan. Matapos pakinggan ang mga salita ng mga kapatid, nagsimula akong matutunan ang aking kalikasan. Nang sinabi ng isang tao, “Ang pagpapakitang ito ng pagpapasikat ay dominado ng iyong likas na pagmamataas,” at sinabi ko pagkatapos, “O, mapagmataas ako, mapagmataas ang aking kalikasan!” Sinabi ng isa pa, “Ang di karaniwan at walang pigil na pag-uugaling ito ay dominado ng iyong masamang likas na pagkatao.” Pagkatapos ay ipinagpatuloy ko, “O, ang aking masamang kalikasan.” Hindi ko iniisip na mahirap malaman ang aking kalikasan hangga’t inulit ko kung anong uri ng kalikasan ang nagdo-domina sa mga pag-uugaling ito ayon sa pagkakabanggit. Kung may nagtanong sa akin, “Anong kalikasan nado-domina ng pag-uugaling ito?“ Sinabi ko pagkatapos, “Ang pagmamataas, kasamaan, kalupitan, katusuhan....” Ang ganitong uri ng pagtanong at pagsagot ay tulad ng pagpunan sa mga blangko, na tila napakadali. Ngunit sinabi sa akin ng mga kapatid na alam ko ang aking kalikasan sa isang mababaw na antas. Samakatuwid, sa pagtalakay tungkol sa pagkilala sa aking sarili maya-maya, sinabi ko, “Masyado akong mapagmataas, at walang limitasyon. Masyado akong masama, at masyadong malupit.” Akala ko na ang pagdaragdag ng “masyado” sa aking mga nakaraang pagkilala ay magpapalalim sa aking pag-unawa. Hindi malinaw ang kahulugan ng mga kahilingan ng Diyos sa mga taong kinikilala ang kanilang mga kalikasan, kaya, nang ibinunyag ko ang katiwalian o nang makita ko ang mga ipinahayag na salita ng Diyos tungkol sa kalikasan ng tao, naunawaan ko lamang ito mula sa pananaw ng pagsunod sa mga alituntunin; tulad ako ng isang loro, inuulit ang mga salita tungkol sa pagkilala sa aking sarili sa halip na talagang unawain at alamin mula sa aking puso. Hindi ko kinamuhian ang aking sarili, ni hindi ko naramdaman kung gaano ito kapanganib. Kahit na sa pakikinig ng mga masasakit na salita mula sa Diyos, hindi ako nagulat. Sa halip, hindi ito naka-abala sa akin, na nagbunga ng kaunting pagbabago sa aking disposisyon. Kahit na ako ay mang-mang, manhid, at mahina ang kalidad, hindi ako iniiwan ng Diyos, ngunit sa halip, lagi Niya akong ginagabayan at nililiwanagan, pinapatnubayan akong makilala ang aking sarili. Lalo na kamakailan, ginabayan at niliwanagan ako nang lubos ng Diyos, na pinahintulutan akong maunawaan ang kahulugan ng pagkilala sa aking kalikasan, at pinahintulutan akong humanap ng paraan upang baguhin ang aking disposisyon.

Ilang araw ang nakaraan, lumipat ako sa isang kapatid sa isang bagong pamilyang kukupkop sa akin. Nang mag-usap kami pagkatapos lumipat doon, binanggit ng matandang kapatid na babae ng kumupkop na pamilya kung paano ibinunyag ang katiwalian ng mga kapatirang dati niyang kinupkop; binanggit din niya ang kanyang mga pananaw sa kanila. Matapos makinig, hindi ako tumugon at di ito isinapuso, at hindi ko binanggit ang katotohanan sa matandang kapatid na babae. Ganito lumipas ang oras. Pagkalipas ng ilang araw, dalawa pang kapatid na lalaki na nagsagawa ng mga tungkulin kasama namin ang nagpunta sa amin upang makituloy nang ilang araw. Matapos silang umalis, sinabi sa amin ng matandang kapatid na babae ang kanyang mga opinyon sa dalawang kapatid na ito, at sa sandaling iyon, tumugon ang aking isipan: Ang karamihan sa iyong sinabi ay hindi angkop sa mga patunay; hinala mo lang ang lahat ng ito. Hinihiling ng Diyos na magmahalan at magtulungan ang mga magkakapatid. Dapat kong isagawa ang katotohanan at ipahayag ang katotohanan ng pagiging tapat sa iyo. Dalawang araw matapos ang aming usapan, lumapit sa akin ang matandang kapatid na babae at sinabi sa akin kung aling mga pangungusap ang nagpigil sa kanya, at aling mga bagay na ginawa ko ang nagpigil sa kanya. Sinabi niya ang lahat ng kanyang mga saloobin at umiyak. Nang makita ko ito, naisip ko: Halos may paghihinala ka sa lahat. Sa oras na ito ikaw ay naghihinala sa akin. Hindi ito okey. Kailangan kong makipag-usap sa iyo nang malinaw upang di ka magkaroon ng masamang palagay laban sa akin. Samakatuwid, nagkaroon ako ng tuwirang pakikipag-usap sa kanya, at itinuro ang kalikasang ipinakita niya pati na rin ang kanyang pag-uugali ng paghihinala at paghatol. Tila tinanggap ito ng matandang kapatid na babae, ngunit hindi siya kumbinsido sa loob. Sa mga sumunod na araw, sinabi niyang mayroon siyang ganitong uri at ganoong uri ng karamdaman. Nang makita ko ito, naisip ko: Hindi ka kumbinsido sa loob, ngunit nagpanggap na tanggapin ito; hindi ba ito pagkukunwari at panlilinlang? May mga aral na matututunan kapag may sakit. Dapat kang gumawa ng ilang pagsisiyasat ng sarili, sapagkat patuloy kang nagkakasakit. Sa pag-iisip nito, tumanggap ako ng isa pang “pasanin,”na humantong sa pakikipag-usap kong muli sa matandang kapatid na babae. Sinabi ko sa kanya na ang sakit ay dahil sa paghihimagsik at katiwalian, at hiniling ko sa kanyang gumawa ng pagsisiyasat ng sarili at kilalanin ang sarili. Gayunpaman, sa komunikasyong ito, hindi naging mabuti ang hitsura ng matandang kapatid na babae. Hindi rin siya nagpanggap na tinanggap ito. Ako ay nabagabag, at napa-isip: sobrang nagmalasakit ako sa pagtulong sa iyo at kinausap ka nang paulit-ulit, ngunit hindi mo ito tinatanggap at naghihinala pa sa akin. Sadya kang hindi tapat na tao! Kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan, sino pa ang maaaring makatulong sa iyo? Kalimutan mo na, wala na akongmagagawa pa, bahala ka na. Ibinunton ko ang sisi at pananagutan sa matandang kapatid na babae at iniisip na masyado siyang tuso; naniniwala akong isa akong mabuting kapatid na isinasagawa ang katotohanan, na handang tulungan ang aking mga kapatid at inaalala ang kalooban ng Diyos. Gaya nito, puno ako ng opinyon tungkol sa matandang kapatid na babae, at hindi na siya nakikinig pa sa akin.

Sa pagharap sa problemang ito, kailangan kong gumawa ng ilang pagsisiyasat sa sarili: Mali ba ako? Hindi ako mali sa pagtulong sa matandang kapatid na babae nang may awa kapag nakikita ko ang kanyang mga pagkukulang. Dahil ba hindi ako umasa sa Diyos? Hindi naman, nanalangin ako tuwing bago makipag-usap sa matandang kapatid na babae. Wala akong nagawang mali sa aking mga pagsasagawa, at hindi ako napunta sa mga seryosong sitwasyon tulad nito habang tinutulungan ang iba noong nakaraan. Nasa matandang kapatid na babae ang problema at iyon ay dahil hindi siya inosente. Gayunpaman, sa pag-iisip nang ganito, nabagabag ako. Mas lalo kong nadama ang pagkakasala kapag nakikita ko ang matandang kapatid na babaeng nagdurusa sa kanyang karamdaman. Nais ko siyang tulungan mula sa kaibuturan ng aking puso, gayunpaman, hindi ko alam kung paano makipagtulungan sa kanya. Dahil wala akong pagpipilian, lumapit ako sa Diyos at humingi ng Kanyang tulong. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos, “Ang iyong mga labi ay mas mabait kaysa mga kalapati nguni’t ang iyong puso ay mas masama kaysa sinaunang ahas, kahit ang iyong mga labi ay kasingganda ng isang taga-Lebanon na babae, nguni’t ang iyong puso ay hindi kasing bait niyong sa mga taga-Lebanon na babae at ito ay tiyak na hindi maihahambing sa kagandahan niyong mga Canaanita. Ang iyong puso ay napakamandaraya” (“Ang Inyong Pagkatao ay Napakababa!” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Agad naantig ang aking puso ng mga salita ng Diyos. Hindi ko mapigilang siyasatin ang nagawa ko sa mga araw na iyon at ang mga kaisipang nasa likod nito. Nang marinig ko ang matandang kapatid na babae tungkol sa kanyang mga paghatol sa iba pang mga kapatid, hindi ako sumagot dahil iniisip kong wala akong kinalaman dito at hindihadlang sa akin; nang marinig ko ang matandang kapatid na babaeng nagsalita ng kanyang mga pagtatanggi sa kakilala kong dalawang kapatid na lalaki, hindi ako makapaghintay kausapin siya sakaling hindi niya sila naunawaan; nang marinig ko ang matandang kapatid na babae ay may mga opinyon tungkol sa kung ano ang sinabi at ginawa ko, nagbigay ako ng higit na pansin sa pakikipag-usap sa kanya sakaling mayroon siyang ibang mga opinyon tungkol sa akin. Sinabi kong tinutulungan ko ang aking mga kapatid dahil sa awa ko sa kanila. Ang katunayan ay nais kong kumbinsihin at talunin ang iba sa katotohanan, isara ang kanilang mga bibig, at pigilan ang iba sa paghatol sa akin at paglabag sa aking mga interes. Ang puso ko ay puno ng kalupitan. Hindi ito mapagkalinga. Paano magkakaroon ng anumang diwa ng pag-ibig? Sa pagbalik-tanaw, hindi ako nagpakita ng anumang awa sa matandang kapatid na babae mula pa sa simula, ni hindi rin ako nagpapakita ng anumang pagsasaalang-alang. Ang matandang kapatid na babae ay nagsimulang magpatuloy sa bahay nang siya ay dumating sa pamilya ng Diyos. Kinuha rin niya ang pera mula sa kanyang bahay upang bilhin ang bahay at magpatuloy ng ibang tao sa bahay upang mas mahusay na matupad ang kanyang tungkulin; ni hindi siya nagreklamo tungkol dito. Dahil madalas siyang di nakakadalo sa mga pulong at pagsasamahan, hindi niya napalalim ang kanyang karanasan sa buhay. Gayunpaman, handa niyang hangarin at basahin ang mga salita ng Diyos hangga’t siya ay libre. Dahil hindi sinlinaw ng kristal sa kanya ang katotohanan, isinasaalang-alang niya ang paghatol sa mga kapatid kapag sila’y nakatalikod at nagsasalita tungkol sa kanilang mga kakulangan bilang mga pasanin para sa kanila; pinagkamalan lamang niyang lantarang pagsasalita ang kanyang hinala sa mga kapatid. Wala siyang ideya kung alin sa mga ito ang hinala at alin ang pagmamalabis, at hindi ako nagpakita ng anumang pagsasaalang-alang sa kanya. Anuman ang kanyang katayuan, walang alinlangang akong nakipaglaban hangga’t sangkot dito ang aking mga interes, at pinilit kong mangumpisal ang iba. Hindi ba ako ang nabubuhay na malaking pulang dragon? Sa anong dahilan na hindi ko hahayaang hatulan ako ng iba? Kahit na hindi magsalita ang iba, hindi ba’t masama at malupit ang aking diwa? Hindi ba kagaya nang kay Satanas ang paraan ng aking pamumuhay? Sinabi ng Diyos, “Ang lahat ng mga saloobin at mga ideya na pumupuno sa mga tao ay ang mga lason ni Satanas, ang paraan na kanilang dala-dala ay isang bagay na ukol kay Satanas, at paminsan-minsan ang isang kindat o pagkumpas ay nagdadala ng isang mahinang amoy ng pagsubok at tukso” (“Yaong mga Nawala ang Gawain ng Banal na Espiritu ang Pinakananganganib” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa salita ng Diyos, nalaman ko ang dahilan kung bakit ang aking pakikipag-usap ay hindi epektibo. Dahil lahat ng ginawa ko ay para sa aking sarili lamang, at upang ipagtanggol ang aking sarili. Hangga’t hindi nilalabag ang aking mga interes, wala akong pakialam sa iba. Hindi ako nagpakita ng pagsasaalang-alang sa kahinaan ng iba, ni hindi ko isinasaalang-alang kung matatagalan ba ng iba ang aking pakikipag-usap o kung nagdala ng anumang negatibong epekto ang aking mga komunikasyon. Puno ako ng pagkamalupit ni Satanas sa loob. Ang kalikasan ni Satanas ang nanguna sa akin sa loob. Ang paraang ipinamuhay ko ay naimpluwensyahan ng malupit at tiwaling disposisyon ni Satanas. Pinsala at pag-atake ang dinala ko sa mga tao. Paano ito matatagalan ng iba? Hindi natuwa ang Diyos sa mga sinabi at ginawa ko, at hindi gumana ang Banal na Espiritu sa akin. Paanong magiging epektibo ang aking komunikasyon?

Sinabi ng Diyos, “Sinuman ay maaaring gumamit ng kanilang sariling mga salita at mga pagkilos upang kumatawan sa kanilang tunay na mukha. Ang totoong mukha na ito ay siyempre ang kanilang kalikasan. Kung ikaw ay isang taong nagsasalita sa isang napakapaikot-ikot na paraan, sa gayon ikaw ay may isang baluktot na kalikasan. Kung ang iyong likas na katangian ay napakatuso, sa gayon ang paraan ng iyong paggawa ng mga bagay-bagay ay napakatuso at mapanlinlang, at ginagawang napakadali para sa mga tao na malansi mo. Kung ang iyong kalikasan ay labis na masama, ang iyong mga salita ay maaaring maging kaaya-ayang mapakinggan, ngunit ang iyong mga pagkilos ay hindi maaaring pagtakpan ang iyong masamang mga paraan. Kung ang iyong kalikasan ay sobrang tamad, sa gayon ang lahat ng bagay na iyong sinasabi ay lahat naglalayong iwasan ang paninisi at responsibilidad dahil sa iyong kawalang-interes at katamaran, at ang iyong mga pagkilos ay magiging napakabagal at hindi kapani-paniwala, at napakagaling sa pagtatakip ng katotohanan. Kung ang iyong kalikasan ay napaka-makiramayin, sa gayon ang iyong mga salita ay magiging makatwiran at ang iyong mga kilos ay magiging lubos na sumusunod din sa katotohanan. Kung ang iyong kalikasan ay napakatapat, sa gayon ang iyong mga salita ay dapat maging taos-puso at ang paraan ng iyong paggawa ng mga bagay ay dapat praktikal, nang walang labis upang ang iyong amo ay hindi mawalan ng tiwala sa iyo. Kung ang iyong kalikasan ay makamkam o sakim sa pera, sa gayon ang iyong puso ay kadalasang mapupuno ng mga bagay na ito at ikaw ay hindi sinasadyang gagawa ng ilang mga lihis, imoral na mga bagay na magiging mahirap para sa mga tao na makalimutan at bukod dito ay magiging kasuklam-suklam sa kanila” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa mga salita ngDiyos, napagtanto ko na ang paraan ng pagbubunyag ng mga tao sa kanilang sarili at pamumuhay ay dominado ng kanilang mga kalikasan. Ang uri ng kalikasan sa loob ay tiyak na matutukoy kung anong disposisyon ang ibinunyag sa labas. Kung may masamang bagay sa loob, kung gayon ang pag-uugali ay pangungunahan ng masamang kalikasan, at hindi kailanman magpapakita ng kabaitan. Noong mali ang aking motibasyon sa pakikipag-usap sa matandang kapatid na babae, ang nanguna sa loob ko ay hindi ang Diyos, katotohanan o mga positibong bagay, sa halip ay si Satanas. Ang paraang ipinamuhay ko ay ang imahe ni Satanas. Kaya, walang pakinabang sa iba ang aking pakikipag-usap. Kung nakatagpo ako ng ganitong uri ng bagay sa nakaraan, nagtuon sana ako sa mga panlabas na pagsasagawa; naisip kong hindi ko ginabayan ang iglesia, na hindi ako magaling makipag-usap sa iba, at naghanap ng katakut-takot na mga dahilan upang ipawalang-sala ang aking sarili. Ngayon ko lamang napagtanto na walang parte ang mga panlabas na pagsasagawa sa mahalagang tungkulin, bagkus ay kung tama o mali ang puso. Mahalagag makita ang diwa sa loob. Halimbawa, kung talagang mahal ng isang tao ang isa pa, pagmamasdan niya at bibigyang-pansin ang gusto niya gamit ang kanyang puso, at sa huli ay ipahahayag ang kanyang pagmamahal sa kanya at ipadarama ito sa kanya. Kung mahal ko ang aking mga kapatid sa loob, higit ko sanang binigyang-pansin at nagpakita ng higit na empatiya sa kanilang mga kahirapan at isinaalang-alang ang kanilang mga damdamin, at gumawa pagkatapos ng angkop na pagkilos at gumamit ng wastong wika at tono upang makipag-usap sa kanila. Kahit na hindi ko malutas ang problema ng iba, hindi sana ako nagdala ng pinsala sa kanila. Sapagkat walang pagmamahal sa loob ko, ang aking ibinubunyag ay kasamaan, kahit na ang aking mga panlabas na pagsasagawa ay mabuti at tama. Dahil minamahal ng Diyos ang sangkatauhan, anuman ang Kanyang gawin, isa iyong paghahayag at pagpapakita ng pag-ibig. Sinabi ng Diyos, “Ang layunin ng Diyos sa pagsasabi ng mga bagay na ito ay upang baguhin at iligtas ang mga tao. Sa pagsasabi lamang sa ganitong paraan nagagawa Niyang makamit ang pinakamahahalagang resulta. Dapat mong makita na ang mabubuting intensyon ng Diyos ay ganap na idinisenyo upang iligtas ang mga tao at lahat ng nakapaloob dito ay ang pag-ibig ng Diyos. Ito man ay kung tinitingnan mo ito mula sa pananaw ng karunungan ng gawain ng Diyos, mula sa pananaw ng mga hakbang at disenyo ng gawain ng Diyos, o mula sa pananaw ng tagal ng gawain o ang eksaktong pagkakaayos at mga plano—lahat ito ay kinapapalooban ng pag-ibig ng Diyos. Halimbawa, ang mga tao ay lahat may pagmamahal sa kanilang mga anak na lalaki at babae at upang mapahintulutan ang kanilang mga anak na lumakad sa tamang landas, silang lahat ay naglalaan ng malaking pagsisikap. Kapag nadiskubre nila ang mga kahinaan ng mga anak nila, nag-aalala sila na kung sila ay magsasalita nang mahina, hindi sila pakikinggan ng mga anak nila at hindi mababago, at nag-aalala sila na kapag nagsalita sila nang may sobrang kabagsikan, masasaktan nila ang pagpapahalaga ng kanilang mga anak sa kanilang sarili at hindi ito makakayanan ng mga anak nila. Kaya, ang lahat ng ito ay ginagawa sa ilalim ng impluwensya ng pag-ibig at malaking pagsisikap ang iginugugol. Kayo na mga anak na lalaki at babae ay maaaring nakaranas ng pag-ibig ng inyong mga magulang. Hindi lamang ang kaamuaan at konsiderasyon ang pag-ibig, ngunit lalong higit, ang mahigpit na pagtutuwid ay pag-ibig. Ang Diyos ay lalo nang nasa ilalim ng impluwensya ng pag-ibig para sa mga tao at nasa ilalim ng lubhang kailangang pag-ibig. Kaya, ginagawa Niya ang sukdulan para iligtas ang masasamang tao. Hindi Siya nakikitungo sa kanila nang parang wala lang, kundi sa halip gumagawa Siya ng mga tiyak na plano, batay sa hakbang. Patungkol sa oras, lokasyon, tono ng boses, paraan ng pagsasalita, at laki ng pagsisikap na ibinuhos…., masasabi mo na ang lahat ng ito ay nagpapahayag ng Kanyang pag-ibig, at sapat na nagpapapaliwanag na ang pag-ibig Niya sa mga tao ay walang limitasyon at hindi masusukat. At maraming tao ang nagsasabi ng mapaghimagsik na mga salita kapag sila ay nasa gitna ng pagsubok ng taga-serbisyo at naglalabas sila ng mga reklamo. Ngunit hindi nakikipagtalo ang Diyos tungkol sa mga bagay na ito, at tiyak na hindi Niya pinaparusahan ang mga tao dahil dito. Dahil mahal Niya ang mga tao, pinapatawad Niya ang lahat. Kung ang mayroon lang Siya ay pagkamuhi sa halip na pag-ibig, kinondena na sana Niya ang mga tao noon pa man. Dahil ang Diyos ay pag-ibig, hindi Siya nakikipag-away, ngunit nagpaparaya Siya, at naoobserbahan Niya ang mga paghihirap ng mga tao. Ito ay ganap na paggawa ng lahat ng bagay sa ilalim ng impluwensya ng pag-ibig” (Nauunawaan Mo baa ng Pag-ibig ng Diyos para sa Mga Tao?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang diwa ng Diyos ay pag-ibig, kaya ang pagpapakita ng Diyos ay pag-ibig din. Ang pag-ibig ng Diyos sa mga tao ay hindi nakikita sa salita, ngunit kinatawan halos ng Kanyang gawain, sa bawat hakbang ng Kanyang gawain, at sa mga paraan ng Kanyang gawain. Kung paano at kailan kumikilos ang Diyos sa bawat tao, kung anong mga tao, bagay o pangyayari ang Kanyang inaayos para sa kanya at gaano katagal niya Siyang pipinuhin, ay sumasalamin lahat sa tiyak na pagpaplano at pagsusumikap ng Diyos. Ipinapalaganap ng praktikal na gawain ng Diyos ang Kanyang dalisay na pag-ibig para sa mga tao nang walang pagbubukod. Mahal ng Diyos ang mga tao sa puntong hindi mahalaga kung paano manlaban ang mga tao, magrebelde, magreklamo at hindi Siya maunawaan, titiisin Niya iyon nang tahimik. Ang lahat ng ito ay nagpapakita sa akin ng kadakilaan at kagitingan ng Diyos. Sa paghahambing, ako ay isang pangit at kasuklam-suklam na linab na nabibilang kay Satanas. Sa pagkilala sa lahat ng ito, lantaran kong ibinahagi ang mga masasamang bagay sa aking puso sa matandang kapatid na babae. Ang kalayuan ng loob sa pagitan namin ay di sinasadyang nawala. Nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso. Ang kaluwalhatian ay sa Diyos.

Hindi ko naunawaan ang kahulugan ng mga pangangailangan ng Diyos na pagkilala sa aking nakaraang diwa. Nauunawaan ko ito ngayon dahil sa aking karanasan. Sa sandaling ginawang tiwali ni Satanas ang isang tao, ang kanyang kalikasan ay nagiging kalikasan ni Satanas. Anuman ang pagnanalita, pagkilos, o saloobin, lahat ng mga ito ay dominado ng kalikasan ng tao. Maaaring pakitunguhan ng isang tao ang kanyang tiwaling disposisyon at unti-unti itong baguhin, kung kikilalanin lamang niya ang kanyang kalikasan. Kung ang isang tao ay hindi alam ang kanyang kalikasan, mahihirapan lamang siya sa di sinasadyang pangingibabaw ng kalikasan ni Satanas at magrerebelde at lalabanan ang Diyos-bukod pa rito ang kawalang kakayahang baguhin ang kanyang disposisyon. Mula ngayon, babaguhin ko na ang mga maling paraang ginamit ko na masyadong pagbibigay-pansin sa mga panlabas na pagsasagawa noong nakaraan. Susubukan kong huwag mag-alala tungkol sa mga panlabas na pagsasagawa, at hindi ibabase ang pagkilala sa aking kalikasan sa pagsunod sa mga tuntunin. Tapat at taimtim kong kukunin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, aalamin ko ang aking kalikasan, at tunay na kikilalanin ang aking kalikasan sa pamamagitan ng mga paghahayag ng mga salita ng Diyos upang baguhin ang aking disposisyon nang maaga hangga’t maaari, at mailigtas ng Diyos.
 

Inirekomendang pagbabasa :  Kidlat ng Silanganan

 
Category: Ang Patotoo ng isang Cristiano | Views: 124 | Added by: lih400847 | Tags: gawa ng Diyos, nagkatawang tao ang diyos, Pag-ibig ng Diyos
Total comments: 0
avatar