11:09 PM
Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao

 

Xunqiu Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan

Madalas kong iniisip na hinatulan at kinastigo lang ng Diyos ang tao kapag ibinunyag Niya ang likas na katiwalian ng tao o nagpahayag ng masasakit na salita na humatol sa katapusan ng tao. Kailan lang nang isang insidente ang naghatid sa akin upang mapagtanto na kahit ang mga magiliw na salita ng Diyos ay Kanya ring paghatol at pagkastigo. Napagtanto ko na bawat salitang sinabi ng Diyos ay ang Kanyang paghatol sa tao.

Kamakailan, ang nakatatandang kapatid na babae ng kumukupkop na pamilya ay hindi inaasahang mabalot ng makalaman na mga emosyon, at bilang resulta labis siyang nagdusa. Nakipag-usap ako sa kanya nang ilang beses, ngunit tila wala itong kabuluhan. Nanatili siyang katulad ng dati. Unti-unting nawala ang aking tiyaga, iniisip sa sarili ko, “Nakipag-usap ako sa iyo nang ilang beses, ngunit hindi ka nagbago. Maaaring wala kang interes sa katotohanan. Hindi na ako kailanman muling makikipag-usap sa iyo.” Pagkatapos noon, hindi ko na ninais na makisama sa kanya at bihira nang nag-aalala tungkol sa kanya. Isang araw, isa pang kapatid na babae na kung kanino ay nakipagpareha ako ang nagmungkahi na dapat kaming manalangin kasama ang nakatatandang kapatid na babaeng iyon. Nang marinig ko iyon, nasuklam ako, “Bakit? Magiging sayang lang ang oras sa pananatiling kasama siya, at magiging walang bunga ang ating mga panalangin.” Alam ko talaga na ibinunyag nito ang aking kayabangan, na siyang disposisyon ni Satanas. Ibinigay ko sa iba ang aking pagwawalang-bahala at nagpakita ng kawalan ng pagmamahal sa ibang tao. Gayunman, hindi ko ito mapipigilan. Kapag nanalangin kaming sama-sama, nahirapan pa rin akong pakawalan ang aking mga iniisip at damdamin sa kalooban kung kaya ako ay nalubog sa espirituwal na kadiliman at hindi mararamdaman na kasama ko ang Diyos. Bukod dito, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga na parang barado ang puso ko at hindi mailalabas. Nang maglaon, nanalangin ako sa harap ng Diyos tungkol sa aking mabigat na suliranin, “Diyos ko, alam ko ang aking kayabangan at kalupitan. Hindi ako nagpakita ng konsiderasyon ni pakikiramay para sa nakatatandang kapatid na babae. Ngunit nabigo lang ako na baguhin ang sarili ko. Diyos ko, nagsusumamo ako na liwanagan Mo ako tungkol sa katotohanan at malaman nang mas mabuti ang aking sarili.” Habang inihandog ko ang panalangin na iyon, medyo naalala ko ang ilang salita ng Diyos. Kaagad kong binuksan ang aklat ng salita ng Diyos at natagpuan ang sumusunod na mga pahayag: “Bakit sinasabi na ang lawak ng iyong paninindigan na ibigin ang Diyos, at kung tunay mong natalikuran na ang laman, ay nakasalalay kung ikaw ay may kinikilingan sa iyong mga kapatid, at sa kung, kung ikaw ay, maaaring maisantabi mo ang gayong mga pagkiling. Na ang ibig sabihin, kapag ang iyong kaugnayan sa iyong mga kapatid ay normal, kung gayon ang iyong mga kalagayan sa harap ng Diyos ay normal din. Kapag ang isa sa iyong mga kapatid ay mahina, hindi mo sila kamumuhian, lalaitin sila, pagtatawanan sila, o hindi mo sila papansinin. Kung mapaglilingkuran mo sila, makikipagniig ka sa kanila…. Kung nadadama mo na hindi mo nagagawang maglaan sa kanila, kung gayon maaari mo silang dalawin. Ito ay hindi kailangang gawin ng pinuno ng iglesia—pananagutan ng bawat kapatid na gawin ang gawaing ito. Kung nakikita mo na ang isang kapatid na lalaki o kapatid na babae ay nasa isang pangit na kalagayan, dapat mo silang dalawin. Ito ang pananagutan ng bawat isa sa inyo” (“Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, ang pagpapaalala na “kapag ang iyong kaugnayan sa iyong mga kapatid ay normal, kung gayon ang iyong mga kalagayan sa harap ng Diyos ay normal din” ay tumatak sa aking isip sa isang partikular na malinaw na paraan. Naghanap ako habang nagninilay nang mabuti sa pahayag na ito. Sa pamamagitan ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, nadama ko itong tila malinaw na pahayag na tunay na kumatawan sa kamahalan at paghatol, at tumagos ito sa aking puso na parang tabak. Palaging malinaw na sinabi ng Diyos sa tao na tanging sa batayan lang ng mga salita ng Diyos makakapagtatag ang sangkatauhan ng normal na mga kaugnayan sa kapatiran, at ang mga kaugnayan ng tao sa Diyos ay magiging normal hangga’t ang kanilang mga kaugnayan sa kapatiran ay normal. Kapag nakisama ako sa ibang tao, lahat ng aking ipinakita ay ang masamang disposisyon ni Satanas, higit sa lahat sa paghamak at pagtanggi sa ibang tao. Hindi ako nagkaroon ng normal na kaugnayan sa mga tao, kaya paano ko matatamasa ang isang normal na kaugnayan sa Diyos? Ito ay ang hindi nagbabagong responsibilidad ng tao na bisitahin at paglingkuran ang kapatiran na mga walang pakialam at mahina. Ito ay ang buhay na dapat ipamuhay ng mga tao na naghanap na ibigin ang Diyos, ang pag-uugali ng kapatiran na nagmahal sa isa’t isa. Ang pagkakaiba, wala talaga akong pakialam nang malaman ko ang masamang kalagayan ng nakatatandang kapatid na babae. Bagama’t lumitaw na nakikipag-usap ako sa kanya, sa kalooban ay hindi ko ginawa iyon nang may pusong umiibig sa Diyos. Hindi ko sinubukan ang lubos kong makakayao upang tulungan at suportahan siya. Hindi ako nakipag-usap sa kanya nang matiyaga na may mabuting puso o pag-unawa sa isang tao na nagdusa—isang tao na nabuhay sa kadiliman—upang tulungan siyang makaalis sa isang negatibong kalagayan. Nagpasya pa ako na ang nakatatandang kapatid na babae ay walang layunin na hanapin ang katotohanan, at kaya hinamak ko siya at iniwasan siya. Kaya nawalan ako ng mabuting kaugnayan sa Diyos at sumailalim sa Kanyang pagkastigo. Nagdusa ako mula sa espirituwal na kadiliman. Hindi ba’t ito ang kaso na dumating sa akin ang disposisyon ng Diyos? Habang lalo kong inisip ang tungkol dito, mas malakas kong nadama na ang mismong pahayag na ito ay ang harapang paghatol ng Diyos sa akin. Nahiya ako at nagsisi nang malalim. Ang pagkatao ko ay masyadong kulang! Kaya, gayunman, lumitaw nang kusa at sabay-sabay ang paggalang ko para sa Diyos. Napagtanto ko na ang disposisyon ng Diyos ay isa sa kamahalan at galit. Napagtanto ko na ang Diyos talaga ang pinakamataas na matuwid at banal. Kayang saliksikin ng Diyos ang bawat pag-iisip, kaya walang pagtakas mula sa Kanyang paghatol.

Natulungan ako ng paghatol ng mga salita ng Diyos na pakawalan ang aking masamang palagay laban sa nakatatandang kapatid na babae. Kaya, natagpuan ko ang kahandaan na makipag-usap sa kanya sa diwa ng pag-ibig at kabutihan. Bagama't hindi inaasahan, bago ako muling nakipag-usap sa kanya, nakatanggap ng kaliwanagan mula sa Diyos ang nakatatandang kapatid na babae at lumayo sa kanyang negatibong suliranin sa pamamagitan ng pananalangin at pakikinig sa mga himno ng salita ng Diyos. Sa sandaling iyon, nalugod ako na bumuti ang kanyang kalagayan. Nagpasalamat ako na inakay kami ng Diyos, gaya ng palagi Niyang gagawin. Nakadama rin ako ng pagkapahiya sa masamang pag-uugali na aking ipinakita.

Nagpasalamat ako sa Diyos! Sa kabila ng katotohanan na ipinakita ko lamang ang paghihimagsik at katiwalian sa panahon ng karanasang ito, natutuhan ko na ang mas mahinang mga salita ng Diyos ay ang Kanya ring paghatol at pagkastigo sa tao, at ang bawat salita mula sa Kanya ay para sa paghatol sa sangkatauhan. Hindi ko na kailanman muling ipapalagay ang mga salita ng Diyos sa aking sariling pagkaunawa. Tatanggapin ko ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa pananalita na may ganap na pagpapasakop. Uunawain ko at tatanggapin ang mas maraming katotohanan upang magbagong-anyo ang aking disposisyon sa lalong madaling panahon.
 

"Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios" (1 Pedro 4:17).

 

Category: Ang Patotoo ng isang Cristiano | Views: 117 | Added by: lih400847 | Tags: Ang Kaligtasan ng Diyos, Pananampalataya at Buhay
Total comments: 0
avatar